Another Chance

93 2 0
                                    

Roi Chua's POV

Andito kami ngayon ng mga ka-tropa ko sa canteen, nakatambay. Wala na kasi kaming classes since graduation na bukas kaya petiks petiks na lang kami.

"Parr! Graduation na. Sa wakas tapos na rin ang paghihirap natin sa college." Sabi ni Kim.

"Simula pa lang yan. Mas mahirap magtrabaho at kumita ng pera. Lalo na sa panahon ngayon." Sabi naman ni Justin.

"Roi! Andyan na si Mica!" Sabay na sabi ng kambal na sina Mark at Clark habang tumatakbo papunta sa amin.

Syempre ako naman, inabangan ang pagpasok ng pinakamamahal ko.

At nakita ko ang babaeng nagpapatibok ng puso ko, si Mica de Guzman.

Naglakad sya papalapit sa table namin.

Ang ganda nya talaga.

Mahaba ang buhok, matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata, at maputi.

She's like an angel.

"Hi guys!" Nakangiting bati nya samin habang nakikipag high-five isa-isa.

Tropa namin si Mica, at oo, mahal ko sya.

Mahal ko ang ka tropa ko.

It started three years ago..

---Flashback---

3 years ago...

Andito kami ngayon ng tropa sa favorite pwesto namin sa canteen. Recess time kasi.

Busy ako sa pagkain at pagbabasa ng libro kaya hindi ko pinapansin ang mga tropa kong nagkukulitan.

Nagbabasa lang ako ng Harry Potter na libro habang kumakain ng Cheese Curls at Clover.

"E-excuse me? Pwedeng makiupo?" Biglang may nagsalita sa likod ni Kim na kaharap ko lang.

Pero hindi ko pinansin o tinignan man lang kung sino yun at nagpatuloy na lang sa pagkain at pagbabasa.

"S-sure miss."

Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko pero hindi ko pa rin tinitignan kung sino sya.

Busy ako eh, bakit ba!?

"Harry Potter? Favorite ko rin yan eh." Sabi nung babaeng katabi ko.

This time, tumingin na ako sa kanya at napatulala.

Right in front of me, is an angel.

Ang ganda nya, sobra!

Para syang Dyosa.

"Hi! Ako nga pala si Mica de Guzman. Nice meeting you all at thank you sa pagpapaupo sakin dito. Wala na kasing bakante eh."

Bumalik ako sa sarili ko ng magsalita sya.

Nagpakilala rin ang mga ka tropa ko at ako ang huli.

"Roi Chua, from engineering dept." Sabi ko at nakipag shakehands sa kanya. Ang lambot ng kamay!

Ngumiti sya sakin at nagsimula nang kumain.

----End of Flashback---

That day, na-like at first sight ako sa kanya.

At simula nun, naging tropa na namin sya.

At sa araw araw na nakakasama ko sya, mas nakikilala ko sya at mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

Alam yon nina Kim.

Sabi nga nila umamin na daw ako.

Pero kada aamin ako, laging palpak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Another ChanceWhere stories live. Discover now