Wager

8 0 0
                                    

.

Nakita ko yung mukha ng lalake

.

.

O_O Si. . . !!!!!!

.

.

.

Ay hindi ko pala siya kilalaXP Wala naman pala akong dapat ikagulat. Kala ko kasi si Raven ehXDDDD

*Baaag!

O___O Isa-isa ng nagdaday-off yung mga brain cells kuToT

Tumalon kasi Raven mula dun sa bintanang nabasag kung saan nanggaling  yung lalakeng lumipad kanina, na mga ilang metro mula sa lupa.

Sawang sawa na ako.”Tumingin samen si Raven. At mukhang talagang bored ang itsura niya. Nakapamulsa pa yung kamay niya. “Kanina ko pa kayo nilalabanan pero mukhang hindi talaga kayo mauubos.

Yung tingin ni Raven nag-iba. Parang unti-unti siyang nilalabasan ng black na aura sa paligid niya. Nakakatakuuut!!

>____<

Nagsisimula na ulit dumugo yung sugat niya sa ulo pati narin yung kanang balikat niya. Mukhang malalim ang sugat niya dun!! Okey lang kaya siya?!?! Kailangan niyang madala agad sa ospital!

Pero patuloy lang siya sa pagsasalita “Palagi na lang ganto. Pinag-iisipan ko tuloy na baka ipinanganak talaga ako para masaktan at manakit ng tao. Ano sa tingin mo?” Eh? Ako ba ang tinatanong niya o itong si No.9?

 

 

Nagsimulang maglakad si Raven ng dahan-dahan papunta sa amen, pero napatigil siya nung itinutok sa kanya ni No.9 yung baril. Makikitang mong natatakot narin si No.9 kay Raven kasi nanginginig yung kamay niya habang tinututukan niya ng baril si Raven. Siya may hawak ng baril pero siya ang takot.

Ja. . . Jan ka lang! Kung hindi papuputukan kita!” pati yung pagsasalita ni No. 9 nanginginigTToTT

Si Raven, . . sobrang kalmado lang. Nakalagay pa nga yung kamay niya sa bulsa at ang sama talaga ng tingin niya kay No.9. Ni hindi man lang siya nakabog sa sinabi ni No. 9??! Kung titingnan mo siya ngayon parang mas matanda lang siya ng halos tatlong taon sa aken, pero kung paano siya magsalita at tumingin ngayon,

.

.

parang isang daang taon ang agwat naming dalawa.

 “Pagod na pagod na ako. Sawang-sawa na akong takasan ang mga taong kailangan lang ako dahil may paggagamitan sila saken.” lalong sumama yung tingin niya.“Katulad mo.” Eh? Ka. . .katulad ko? “Pero kung papatayin mo ako, . .mas pipiliin kita kaysa sa kanila” sabi pa niya

How To Save A Suicidal?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon