Aquarius (short story boyxboy)

1.3K 20 16
                                    

hi this is my second, kaso binura q ung first di ko na kasi sya nasundan ang story na to ay parang boyxboy well bahala na haha hope you like it 

well this is a short story but can be prologue depende sa magiging reaction ng mga nagbasa so inaasahan kong may magcocomment at magfafan sakin xD

BTW maraming salamat kay miss JURiBEE kung di dahil sa kanya walang ending haha shh wag maingay di nya toh alam

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Aquarius 

Nakikisama ang kalangitan sa aking pagdadalamhati, mabigat at nangingitim na mga ulap sa kalangitan wari'y anumang oras ay papatak ang mga luhang kinukubli nito. Nakaupo ako ngayon sa dati naming tagpuan ang punong ito ng acacia sa taas ng burol, dito kami unang nagkakilala tangan niya ang kanyang gitara.  

Masama ang loob ko nun sa aking sarili samu't saring kamalasan ang inabot ko nung araw na yun, tumakbo ako, tumakbo ng tumakbo hanggang sa mapagod, sa aking pagtangis ay di ko namalayang dinala na ako na aking mga paa sa punong iyon, doon ko ipinagpatuloy ang aking pag-ikyak sa ilalim ng puno ibinuhos ang lahat ng aking hinanakit wala na akong paki-alam mag-mukha man akong tanga sa harap ng puno ng acacia.  

"Heto ka nanaman kumakatok sa aking pintuan, muling naghahanap ng makakausap." 

Nabigla ako sa aking narinig pinagmasdan ko ang paligid ngunit wala namang tao, isang mahinang pag-tawa ang aking narinig tumingala ako at nakita ko sya, nakaupo sa may sanga yakap-yakap ang kanyang gitara. Nakaplaster sa pagmumukha nya ang mga ngiting nakakaloko, nagulat ako nang bigla syang tumalon pababa mula sa kinauupuan niya nilapitan ako at nagtanong. 

"Maari ba akong tumabi sayo?" 

Agad agad kung pinunasan ang aking mga luha at umaktong parang walang nangyari. Tumawa lang ulit sya at nagsabing. 

"Hindi mo dapat kunukubli ang lungkot na iyong nararamdaman, dahil kapag iyan kinimkim mo sasabog yan pagdumami." 

Pinagmamasdan ko lamang siya sa mga oras na iyon. May kung anong enerhiyang nasa mga mata niya ang dahilan kung bakit di ko magawang alisin ang pagkakatitig ko sa kanya, parang dinadala ako nito sa ibang mundo, ngunit agad kong inalis ito sa aking isipan. Hindi rin nagtagal ay gumaan n arin ang pakiramdam ko, agad kaming nakapagapalagayan ng loob marami kaming napagkwentohan at nalaman kong isa pala syang ulila.  

"Oh pano Zeke uwi na ako, baka hinahanap na ako ng lola eh." 

"Sige Elai, maraming salamat nga pala sa pagsama mo sakin ah, so pano ba to? Magbesprend na tayo?" 

"Oo naman ikaw pa, sige una na ko."Ang una naming pagkikita sinagip nya ako mula sa isang masalimuot na araw. 

Matapos ang pagkakataong iyon ay araw-araw na kaming nagkikita ni Elai, Elaijah Dela Cruz ang buong pangalan niya, nakatira sya sa kanyang lola ang kaisa-isang taong nag-aruga sa kanya simula ng nang mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente at ang batang Elaijah lang ang nakaligtas dahil sa pagkakayakap ng mga magulang niya nung mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang bus. Marami ang namamangha sa kwento niyang ito at marami rin ang napapaiyak. Katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi ngunit maputla ang balat, hindi alintana sa mapupungay niyang mga mata ang pangungulilang kanyang dinaranas, mahilig syang tumugtog ng gitara at mag-stargazing. Parehas kami ng paaralang pinapasukan at nadadaanan ko ang bahay nila sa tuwing ako ay papasok, kaya madalas kaming nagkakasabay. 

Ako, ako naman si Ezekiel Sarmiento magkasing edad lang kami ni Elai 16 na taong gulang, isa akong simpleng tao, kumakain ng limang beses sa isang araw, natutulog, nagdadasal, humihingi ng kung anu-anong mga bagay na wala sa akin, imiibig at nasasaktan. Kakabreak lang namin ng gf ko nung araw ding yun buti na lang at nakilala ko si Elai makwento at maloko din sya, halos parehas kami ng mga bagay na kinaaayawan at kinahuhumalingan, click nga daw kami ika-nga ng aming mga kaibigan. Hindi kami magkaparehas ng section nasa academic side kasi ako habang sya naman ay nasa arts side, pero tuwing recess sabay kaming kumakain. Maloko talaga tong si Elai bumibili sya ng sago't gulaman pero hindi naman nya kinakain yung sago ginagawa lang nyang bala yun para sumabit sa buhok ng mga babae kaadikan lang niya talaga. Marami pa syang mga kagaguhang nalalaman yung pagpapainom ng coke na lasang sipon pero puto seko at inalog na mentos lang naman yun. 

Aquarius (short story boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon