Six

690 47 22
                                    

Sammy's

As usual, gumising na naman ang lola niyo na maganda.

Pero lutang parin kakaisip sa mga kagagahan na ngangyari kahapon, hindi ko rin alam kung ano bang kasalanan ang nagawa ko at kailangan kong pag daanan ang mga to.

Lord, alam ko pong isa ako sa mga favorite niyo pero kung kasalanan naman ang maging maganda sana naman may disclaimer para naman alam kong desurb ko itong mga parusa niyo ehe.

Bumangon na ako at pinagmasdan nanaman ang kwarto ng damuho na kala mo naman kakatitig ko ay may magbabago dito, alam niyo i feel like nasa acceptance stage na ang lola niyo.

Hindi ko rin naman kayang takasan iyong damuhong iyon, hyst ang hirap na maging maganda ngayon, grabe ka na talaga 2021.

Naglakad na ako palabas ng kwarto at himalang wala paring mga guard, literal na wala akong makitang tao.

Nagdesisyon nalang akong bumaba para kumain baka sakalaing nandoon yung mga tao.

Naglalakad na ako papunta sa dining room nang biglang nakita ko ang mga maid and iba pang tao dito na nag papanic at may mga dalang kung ano-ano.

Syempre di papatalo lola niyo, edi nakitakbo rin ako, sinabayan ko yung isang maid para naman buddies kami char.

Ate bat tayo natakbo?, Tanong ko don sa maid habang kumakaripas parin ng takbo.

Ay ma'am bat kayo tumatakbo!, Gulat niya namang tanong.

Wife! Why are you running?, Tanong naman ng damuho na bigla nalang nag appear out of nowhere.

Bakit ako tumatakbo?, Napatanong nalang din ako sa sarili ko.

Naguguluhan yung maid at damuho pati narin ako.

Nagtatakbuhan sila eh, kaya nakitakbo ako, tangi ko nalang nasabi.

Kitang kita ko yung pagpipigil ng tawa nung maid at yung mapanghusgang tingin ng damuho, perfect ka?.

So, bakit nga kayo nagtatakbuhan?, Hindi naman to yung unang araw na gumising akong maganda pero kung makapag panic kayo wagas, like guys ako lang to.

Mahaba ko namang litanya, habang si Alex naman ay pinaalis na yung maid at mas tinignan ako ng mapanghusga.

Come here......

Pagpalalapit niya sa akin at ako namang si tenge lemepet eged, char rupok yarn.

Pagkalapit ko sa kaniya ay agad niya akong kinulong sa mga bisig niya, ramdam na ramdam ko ang matipuno niyang dibdib at yung abs dzai, syempre yung erms rin, pero alam niyo na yun basta ano sya, soft ganon, kyaaaaa

Nung kailangan mo, wala akong dos, pangaasar ko pa.

Today you'll meet my parents.

Woi grabe naman parents agad, wag po bata pa po ako.

Agad naman siyang napabaling ng tingin sa akin, handa na akong birahin.

Char lang eto naman serious agad di pwede mag joke, ano pa nga ba magagawa edi lets meet and greet o gusto mo lagay ka na rin ng stage para makapag perform ako para fan meeting na talaga.

Wala na siyang sinabi pang iba at binuhat nalang ako ng bridal style, bakas na bakas rin sa muka niya ang ngiti.

Woiiii!, Enekebe de me nemen kelengen gewen yen.

Idée Fixe: His Possession (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon