Kabayaran

4 0 0
                                    

Alam kong magbasa,
Malinaw sa aking mga mata.
Bawat letra nakatatak,
Sa aking isip na walang galak.

Naririnig ko bawat kataga,
Pabulong o pasigaw na pagsasalita.
Isinisiwalat nang walang pangamba,
Ang nais marinig ng taong gipit na.

Naramdaman ko ngunit kinakaila,
Ang mga senyales na nakikita.
Isinisigaw nila ang nais madama,
Kaya namanhid na wag kang mag-alala.

Naiisip ko noon hanggang ngayon,
Walang pinagkaiba isa man doon.
Isa-isang maliliit na katinuan,
Nais mawalay kahit panadalian.

Karapatan ipinagkait sa isang paslit, kahit kapaguran iwinaglit.
Mabuhay ka kahit isang saglit,
Imulat ang mga mata wag ipikit.

Ikaw ay isang kabayaran,
Iyan ay laging tandaan.
Sino't ano man ang gawin,
Ito'y huwag intindihin.

Walang isip, utak o pakiramdam,
Yan ang turing sa iyong katauhan.
Saan nga ba patungo iyong inaasam,
Wag nang isipin pagkat ikay kabayaran.

"Kabayaran"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon