ENTRADA: Capítulo Diecinueve

1.6K 34 0
                                    

ALAS TRES NG hapon nang marating nila ang bahay nila. Natatawa pa si Samantha nang halos hindi ito magkasya sa tricycle.


Isa-isa nilang binaba ang bagaheng dala, dalawang maliliit na maleta 'yun saka dalawang malalaking backpack.

Iyong isang malaking backpack halos pasalubong lang iyon. Ang mokong kasi gusto daw bigyan ng pasalubong ang mga kapatid niya, akala mo naman sa abroad nanggaling.

Nang nalaman nitong lalaki ang mga kapatid niya at ang isa ay maliit pa, halos dalhin nito lahat ng laruan daw nitong nakatambak lang sa bahay ng ama na regalo ng ina nito.

"Bayad manong," sabi nito sa driver, inabot nito ang dalawang daan. "Inyo na po ang sukli."

Kung tutuusin ay naging triple ang binayad nito, hinayaan na lang niya. Parang pati kasi sa driver nagpapa-impress.

Nakangiti namang nagpasalamat ang driver.

"Atee!" magiliw na sigaw ng bunso niyang kapatid na kalalabas lang ng bagong biyak na kawayang gate nila.

"Santi!" Lumapit siya sa kapatid. Lumuhod at pinugpog ito ng halik, napahagikgik naman ang paslit. Walong taong gulang na ito, sumunod ito sa labing-apat na taong gulang niyang kapatid na lalaki.

"Na-miss mo ba si Ate, huh? Hmm... bahua nimo oy!" Ang baho mo!

"Opo...opo! Alangan! Naglimpyo mig balay 'te!" anito na ang ibig sabihin ay naglinis daw umano ito ng bahay.

Kasabay ng tili ng bunsong kapatid ay nagsilabasan naman ang ina at ang isa pa niyang kapatid.

"Atteee!" sigaw naman ni Shan, may hawak brush ng pintura. May t-shirt na nakapulupot sa ulo at mukha nito na parang sa mga construction worker kaya mata lang nito ang kita niya.

"Niabot naman diay ka, 'nak!" Andito ka na pala, 'nak. Sabi ng kan'yang inang nay hawak na gunting.

Kinarga niya si Santi at lumapit sa ina para magmano. "Kaawaan ka ng Diyos."

Lumapit naman siya kay Santi at hinimas ang ulo nito.

"Bumaba ka nga, Santi! Ang bigat mo na nagpapakarga ka pa," sita nito sa karga-kargang kapatid. Lumabi naman si Santi saka nagsumiksik sa leeg niya.

"Sagdi lang gud, ma. Magaan lang naman, e," tanggol niya sa bunsong kapatid.

"'Te, sino 'yang kasama mo?" tanong ni Shan.

Oo nga pala! May kasama nga pala siya. Saglit niyang binaba si Santi saka mabilis na tumakbo sa gate.

"Sorry, baby," nakangiwi niyang wika.

"Okay lang," nakangiti nitong sabi pero hindi umabot sa tainga. "Hindi naman siguro para sa'kin 'yung gunting na hawak ni Mama, 'di ba?"

Natawa siya ng bahagya sa sinabi nito.

"BOYFRIEND KA NG ate ko?" tila imbestigador na tanong ni Santi. Nakalagay pa ang maliliit na kamay nito sa likod, pabalik-balik na naglakad sa harapan nila.

Ngingiti-ngiti naman si Rigo. "H'wag mong ngitian, baka lalong magalit si Lieutenant Liit," bulong ni Sam.

"Ang cute niya, e!" mahinang anito.

RODEO ENTRADA: RODRIGO SERNA III (The Playboy Programmer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon