"CONGRATULATION GRADUATES!"
Sa wakas, degree holder na siya. Big achievement unlocked for her—for them.
"Sam!" malawak ang ngiting tawag sa kan'ya ni Mariemiel.
"Miel!" Sinalubong niya ito ng yakap.
"OMG, congratulations sa ating dalawa!" Sinayaw-sayaw pa siya nito, natawa na lang siya.
"Congratulations, Miel!" aniya rito ng kumalas ang yakap nito sa kan'ya. "Itutuloy mo na ba talaga ang plano mo?"
Ngumiwi ito. "Well, kaya lang naman ako nag-accountancy hindi ba because of my mom."
Mariemiel wasn't really into accounting. She loves to create and design dresses.
Ngunit tutol ang mommy nito sa gusto nito sa buhay. Kaya nang makatanggap sa ina ng permiso, kaagad itong naghanap ng paraan para masunod ang gusto. Ngunit kailangan daw muna nitong magtapos."Paano si Marcos?"
She honestly don't know what's the real score between the two. They treated each other as bestfriends but acted like they're in a relationship.
"Nah. Marcos will understand."
"Okay. Sabi mo, e."
"How about you and kuya Rigs?" tumaas-baba ang kilay nitong tukso.
Natawa siya. "Baliw ka talaga! Siyempre magtatrabaho muna!"
They both laughed and after that they bid goodbyes to each other.
Hinanap naman ng mga mata niya ang pamilya. Hindi naman siya nabigo, narinig niya kasing nagsisigaw si Santi. Patakbo siyang lumapit sa kinaroonan ng mga ito, isa-isa niyang niyakap ang pamilya.
"Congrats, Ate!" sabi ni Shan. Ginulo-gulo pa niya ang buhok nito na ikinasimangot nito saglit. "Susunod na ako, ate. Wait ka lang." May pagmamalaki pa boses nito.
"Congrats, 'nak. Sobrang proud si Mama sa'yo," nangingilid ang luhang sabi pa ng kan'yang ina. Naiiyak niya itong niyakap.
"Thank you, ma!"
Nagulat siya ng humagulgol ang ina. "S-alamat din, anak."
"Hay, naku! Si mama talaga!" kakamot-kamot na singit ni Santi. Natawa silang apat.
"Picture-picture muna tayo, " ani Shan.
Pagkatapos nilang kumuha ng mga litrato, agad na may hinanap ang mga mata niya.
"Kuh! Si ate, nangita ng kuya Rigo... ayie!"
kantyaw ni Shan, na anito ay hinahanap niya si Rigo."Hindi ko pa siya nakikita, 'nak," wika ng ina niya.
Ngumiti lamang siya sa ina.
Nandito na kaya siya?
Ang sabi kasi nito ay mali-late ng kaunti. May meeting itong dapat tapusin. May online game kasing dinedevelop ang maliit nitong team at kailangang kunin ang simpatya ng ibang malalaking companies. And as usual, ayaw nitong sabihin sa kan'ya ang detalye kapag tungkol na propesyon nito. Hindi rin naman siya nagtatampo o nagagalit.
BINABASA MO ANG
RODEO ENTRADA: RODRIGO SERNA III (The Playboy Programmer)
General FictionFORMER TITLE: A SAPPHIST'S DESIRE WARNING: SPG | R-18 | MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! BE A RESPONSIBLE READER! •ENTRADA• Samantha Zalde's dream is to study at the university that she admired when she was still in high school. That's why when...