Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal ang ulo sa deck. I realized that it's been so long since I've been here. Ininda ko ang pagod sa nagdaang anim na buwan. Now, I can finally breathe again. Natulala ako sa tubig na tumatama sa dulo ng barko. It was so peaceful yet tiring year.
Inangat ko ang ulo ko at ngumiti. When I opened my eyes, I saw the large banner of the European Country. I heard people shouting when I peek my head in the railings.
"Shit! I can finally sleep!"
Nilingon ko si Mavrix na kumakaway pa.
Humalakhak ako. "Sigurado kang matutulog ka? We only have a month here! Gala tayo!"
Ngumisi siya sa akin. "Baka maubos sweldo mo!"
Tumakbo kami palapit sa hagdan. Pagbaba sa first floor ay kinawayan ko ang mga kaibigan kong nauna na makababa.
"Tangina! Tara inom muna! Alam mo, hahanap na ako ng mapapangasawa bahala kayo!"
Humalakhak kami sa sinabi ni Ren.
"Ano, ngayon ka lang nakatapak sa Europa?!" Ino spank him.
"Bitch, we're in Stockholm! Gusto ko nga tumira dito diba kaya hahanap na ako..."
Nagkatinginan kami ni Mavrix at umiling na lang. Hindi pa man kami nag-iinom, mukhang lasing na si Ren! Patuloy siya sa pagsasabi ng kung ano-ano kaya natawa na lang ako.
We had to stop here for a month. Iyon lang ang bakasyon at pipirma ulit ng anim na buwan na kontrata. Halos mamayat ako dahil sa trabaho. Kadalasan kapag umaakyat ako, nawawalan ako ng gana kumain at mas pinipili kong pagurin ang sarili ko sa trabaho. Halos sampung taon na rin mula nang magsimula akong tumuntong sa barko.
Gusto kong magkulong pagkahiga sa malawak at malambot na kama. Bagsak agad ako pero hindi agad nakatulog. And I know why.
I feel like for the past years, hindi na ako nakatulog ng maayos kahit isang beses. Dati hindi ako sanay magpuyat. Pero ngayon ay parang hindi na ako natutulog. Mas marami pa yata ang naipon kong eyebags kaysa pera.
A smile crept to my lips and I took a picture of my hotel room.
Tuwang-tuwa ako sa nararamdaman. At naeexcite para sa isang buwan na bakasyon. I sent a message on our group chat pero walang nagseen. Paniguradong tulog lahat sila!
Hinawi ko ang puting kurtina at nakita ang papalubog pa lang na araw. It was the Pantone sky that made my heart skip a bit. Kinunan ko iyon ng litrato. I look around below me and saw a street bazaar not so far away.
Medyo malakas ang snow kaya naman sobrang kapal ng jacket ko. Bawat paghinga ko nga, may lumalabas na usok.
Naglakad ako pababa ng Hotel room at pagdating sa lobby, natanaw kong nakatayo si Mavrix.
Oh, great!
"Oh, akala ko matutulog ka?"
Ngumiti agad siya.
"That's what I thought. Dinner?"
Tumango ako at nanginig paglabas ng gate ng Hotel.
BINABASA MO ANG
Pagsamo | 𝘔𝘢𝘳𝘬𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬
Fanfiction"Hindi ako susubok kung hindi ikaw..." √ Finished - February 21, 2022 √ Written in English and Tagalog √ Edited Version • • • NOTE: The book is purely created in the author's mind. Some places in the book were real but most of it is not. This is not...