Ang Babaeng Walang Mukha

207 1 0
                                    

Ibinukas nya nang bahagya ang bintanang kapis. At iyon na naman. Naroon din sa eksaktong lugar kung saan nya ito unang nakita. Nakatayo. Nakatalikod sa direksyon ni Jenny. Umiiyak. pagkuwa'y humarap ito sa kanyang kinaroroonan. At nakagat nya ang hintuturo nang tumambad sa kanya ang gawing ulo nito. Blangko ang mukha ng batang babae.

Nag-aagaw-tulog si Jenny namg dahan-dahan uli syang mapadilat. May naulinigan sya sa katahimikan ng gabi. Iyak ba iyon ng isang babae? oo, parang iyak nga ng isang bata na mga pito o walong taong gulang. Hindi nya matiyak kung boses ba ng batang babae o batang lalaki.

Humalo ang tinig ng umiiyak na bata sa patak ng ulan sa bubong ng bahay. Malinaw na malinaw ang iyak na pakiwari ni Jenny ay nasa likod-bahay lang iyon.

Bumangon sya. Saka dahandahang binuksan ang kapis na bintana. Gayung umuulan at pusikit ang dilim ng gabi, nabanaag ni Jenny sa karimlan ang anyo ng isang bata babae. Nakatayo ito sa gilid ng ilog.

Patuloy sa pag-iyak ng batang babae. At tila nakamalay na may nagmamasid, lumingon ito sa bintanang kinaroroonan ni Jenny.

Napaawang ang bibig nya nang makita ang kabuuan ng batang babae. Nakabestida ito, hanggang baywang ang buhok. Ngunit ang napangingilabot, wala itong mukha!

Natutop ni Jenny ng palad ang bibig. Pagkuwa'y ang dibdib. Halos marinig nya ang kabog nyon.

Tumalikod sa kanya ang bata. At walang anumang naglakad ito patungo sa agos ng ilog. Saka lang parang nakahinga si Jenny nang biglang mawala sa kanyang paningin ang batang babae.

Napasandal syan sa bintana. Sapo ang dibdib. Diyos ko! Ano yun? Bakit blangko ang mukha ng batang yun?

Di agad sya nakatulog nang gabing iyon. Halos nakipagbuno sya sa oras para hatakin iyon at nang mag umaga na.

Nangangalumata si Jenny pagsapit ng umaga. Iyon ang unang napansin sa kanya ng asawang si William pagdating nito. Pang gabi ito sa trabaho.

"Mukhang puyat ka?" ani nito.

"Kagabi kasi. Uh... baka hindi ka maniwala."

"Ano ba yun?"

"Makakatulog na sana ako kagabi nang may narinig akong umiiyak na bata. Bumangon ako at binuksan ko ang bintana. Tapos... may nakita akong batang babae."

"Batang babae?!" nagulat si William.

"Mga eight years old siguro yun. Naisip ko, sino kaya ang nanay ng batang yun at pinabayaan ng anak nyang magpaulan sa kalaliman ng gabi? Tapos, bigla akong nangilabot nang tumingin sa akin yung bata. William, wala syang... mukha!"

Nangunot ang noo ni William.

"Walang mukha?"

"Wala."

"Baka naman namamahay ka lang kaya't kung ano-ano ang nakikita mo. Kalimutan mo yan." ani nitong inakbayan si Jenny.

"Ipaghain mo ako't nang makapag pahinga na ako pagkatapos kumain."

Ipinaghain nya ng almusal si William. Sinilbihan ito habang kumakain. Pagkalipas ng halos isang taon nilang pagsasama, nasasanay na tin sya sa mga obligasyon nya bilang asawa ng isang pulis. Pagod si William sa magdamag na pag duty kaya nangangailangan ng kanyang pagsisilbi.

Kinasiping sya ng asawa bago ito natulog.

Lagi na, tinutugon ni Jenny nang may katapat na init ang pag-ibig ni William. Wala pa silang anak, at syempre pa, pareho pa silang nasa kapusukan.

Ang Babaeng Walang MukhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon