CHAPTER 5 - The Past

61 1 0
                                    

-Angelou's POV-

"Oh Angel! Bakit mo naman kami pinapunta dito? Anong meron?" tanong ng kaibigan kong si Kyla.

"Oo nga, Gel. Ano bang meron? May date pa kami ni Sehun." tanong pa ni Chrizzel. Ano? Uunahin pa yun?

"May problema kasi ako." tugon ko. Sakto namang pagdating ni Apple dala ang mga inorder namin kanina. Andito kami sa isang coffee shop.

"Wow ha. May problema ka pa rin kahit ikakasal ka na? Lupet mo naman." sabi niya.

"Kainis naman kayo eh. Seryoso ako. I need your help." sabi ko.

"Okay. Tell us, what's your problem?" -Apple

Ipinaliwanag ko sa kanila yung problema ko. Hihingi ako ng tulong sa kanila para sa problema namin ni Suho. Gusto ko kasing malaman yung mga bagay na tinatago niya sa'kin. Yung mga bagay na hindi ko pa alam tungkol sa kanya.

"Bakit di kayo mag-usap?" -Chrizzel

"Eh kasi… natatakot akong mag-approach sa kanya." sagot ko.

"Natatakot? Why? Mukhang anghel yung boyfriend mo noh. Bakit ka matatakot dun?" -Kyla

"Kyla talaga. Hindi ko kasi alam kung paano ko itatanong sa kanya." sabi ko ulit.

"Ganito… uhmmm… habang nagkukwentuhan kayo, i-open up mo yung topic tungkol sa past niyong dalawa, tapos pakwento ka sa kanya, ganun." paliwanag ni Chrizzel. Di halatang nagmamadali sila huh?

"Oo nga. Invite mo siya sa bahay niyo ulit. Tapos dun kayo magkwentuhan." dagdag pa ni Apple.

"Dahan-dahanin mo lang, Angel. Wag kang magmadali." Kyla said. Nagulat naman ako nang bigla siyang kumaway sa may likuran ko.

Oh. It's Kris.

"Hi girls." bati niya.

"Susunduin mo na agad?" tanong ko sabay pout. May girl talk pa kami diba?

"Di pa ba kayo tapos?" tanong niya ulit at tumingin sa girlfriend niyang si Kyla.

"Tapos na pero---" putol kong sabi dahil biglang nagsalita si Apple.

"Tapos na kami so pwede na kayong tumuloy sa date niyo. ^__^ May next time pa naman, diba Angel?"

"Hehe. Oo nga. Sige na. Mauna na kayo. Bye." paalam ko.

"Bye, Angel. Text-text na lang about that." paalam ni Kyla.

Ininom ko na yung cappuccino ko. They're staring at me right now.

"Problem?" tanong ko.

"Umalis na si Kyla so… I think… we can also go now?" sabi ni Chrizzel.

*sigh*

"Sige na. Baka hinihintay na kayo ng Baekhyun at Sehun niyo." sabi ko at agad silang nagsitayo.

"Thank you so much, Angel! Sundin mo na lang yung payo namin. Bye!" paalam ni Apple.

"Yeah right. Sige ha, bye!" huling sabi ni Chrizzel.

Okay fine.

May natulong naman sila kahit papano.

**

[Hello, my Angel. I'm sorry I can't make it today. May biglaang out of town meeting ang company and I really need to be there.] sabi ni Suho sa kabilang linya.

"It's okay, I understand. Mag-iingat ka ha." sagot ko.

[Thank you so much. Three days akong mawawala, ikaw din mag-iingat ka ha. I love you.]

"I love you, too. Bye."

[Bye.]

So hindi pala matutuloy yung plano kong pakikipagkwentuhan sa kanya about his past.

[Guys, di ko masusunod yung plano niyo. May out of town meeting si Suho. What to do now?]

text ko sa mga kaibigan ko. Pero malamang matagal pa bago mag-reply 'tong mga 'to.

After 30 mins.

[Angel, talk to her parents.]

Reply sa'kin ni Apple. Sige try natin.

**

Sunday ngayon at wala akong pasok. Pinag-iisipan ko kung paano ko makakausap ang parents ni Suho.

I was busy thinking when suddenly my phone beeped. It was drom Sophie.

[Eonnie, mom said dito ka na daw mag-dinner. Wala kasi si dad and oppa.]

I replied yes and nag-prepare na ako para pumunta sa kanila. It's already 6pm.

**

"I'm not his biological mother." sabi ng mommy ni Suho. Kanina pa kami nag-uusap dito tungkol sa'ming dalawa ni Suho. Agad-agad may nalaman na ako.

"What do you mean, tita? Diba po kapatid ni Suho si Sophia and…" nagtataka kong tanong.

"Second family kami ng daddy niya. Suho's mother died 7 years ago."

"So 7 years ago lang po nang makasama niyo dito si Suho?"

"Yes. And yung tinatanong mong amnesia, he had it 7 years ago so hindi na niya naalala ang mga nangyari wayback then." paliwanag ni tita.

"Alam niyo po ba kung anong klaseng buhay meron sila ng mom niya dati? Bakit po naghiwalay ang mom and dad niya?" tsismosa kong tanong. Akala ko mao-offend si tita pero hindi, instead, sinagot niya pa rin.

"Nalaman ng mom ni Suho na may ibang kinakasama ang dad niya which is ako. His dad said that he don't love her first wife anymore, nahilig kasi sa casino ang asawa niya that's why. And then, naghiwalay sila at naiwan si Suho sa nanay niya. They lived on the squatter's area…"

"Squatter's area? But why? Diba mayaman naman po sila?"

"Hindi humingi ng suporta ang nanay ni Suho. Sabi niya kaya niyang buhayin si Suho without her husband's help. Dito nalulong sa sugal ang mom ni Suho. Buti na lang nakapag-aral pa rin si Suho despite of these problems. Siya ang nagtrabaho at dumiskarte para mabuhay sila ng mom niya." dagdag pa ni tita.

I remain in silence on what I heard. Di ko alam na ganito ang naging buhay ni Suho 7 years ago.

"Paano po napunta ulit sa inyo si Suho?" tanong ko ulit. Sorry ang chismosa ko. Future daughter-in-law naman ako eh ~__~

"May mga humahabol at naghahanap kay Suho that time and we don't know why. Suho had a car accident which is the reason kung bakit na-comatose siya for three months at paggising niya ay di na niya maalala lahat ng nangyari sa kanya. All of these happened a month after his mother's funeral. Kinuha siya ng dad niya at pinatira sa America for four years para pag-aralin. Kaya ngayon, siya na ang bagong presidente ng kumpanya nila." mahabang paliwanag ni tita.

**

8pm na rin nang nakauwi na ako. Madami akong nalaman sa kwento ng step mom ni Suho.

Nabanggit ni tita na may mga naghahanap kay Suho…

Di kaya isa yung nakatext ko dati sa mga naghahanap kay Suho?

But why?

--

A/N: helloooooooo!!!!! Update na ngayon kasi holy week na. At baka mag-hiatus ako sa lahat xD may summer classes kasi kami tapos may qualifying exam pa kaya kailangan mag-aral mabuti. ^__^ oo nga pala chingus, pwede pag-pray niyo ako na makapasa sa qualifying exam ko. (Ahaha sorry fc) yun lang. Thank you po.

comments? Chika-chika tayo ^___^

My Angel's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon