Papasok na naman ako.
Parang ayoko na. Makikita ko na naman siya. 4th year highschool na ako kaya di pwedeng umabsent..
Papasok na ako sa room ng makita ko si Drex sa kabilang panig ng corridor sa labas ng room namin. Nakatitig lang siya sa akin habang nakalagay kamay niya sa handle ng backpack niya..
Umiwas ako ng tingin at binuksan na room namin, yung pintuan kasi nun ay sliding door, tapos pumasok na ako at umupo..
"Uy Frexine, ok ka lang? Sabi ko naman sa'yo huwag ka na munang pumasok e. Ay, di pala pwede kasi andoon ang bwisit mong kinakapatid..Wala nga pala si ma'am kasi may meeting." tuloy tuloy na sabi sa akin ng bestfriend ko na si Danica. Alam niya lahat ng lihim ko kasi kaibigan ko siya simula pagkabata at pareho pa kami ng school na pinapasukan. Katabi ko siya kaya lagi kaming magkasama.
"Ako ang nag-reject sa kanya kaya wala akong karapatang mag-inarte. At saka isang buwan na sila ni Krizza kaya dapat lang siguro yun. " Kinakapatid ko si Krizza at ulilang lubos na siya kaya sa amin siya nakatira.
"Hay naku. Di ba nga nagpatulong lang naman yang si Drex kay Krizza nun para mapalapit sa'yo bakit naging sila? Ang landi talaga nung babaeng yun. If I know, sinisiraan ka lang nun kay Drex." sabi ni Danica habang galit na galit...
"Ganun naman talaga kasi ang lovestories di ba? Kung sino ang Bridge, siya yung nakakatuluyan ng nagpapatulong. At saka ayoko namang kunin kay Krizza ang tanging taong pinangalagaan at minahal niya."
FLASHBACK...(2 Months ago)
I'm so inlove...Habang pabiling biling ako sa kama ng kwarto ko... Hindi na ako makapaghintay..
Bukas ko na sasagutin si Drex.. Sigurado na akong mahal ko na siya. Sasabihin ko muna kay Krizza ito..
Kakatok na sana ako sa kwarto niya ng makita kong bukas iyon at may konting siwang.. Parang may kausap siya sa cellphone. Nakatalikod siya sa pintuan kaya di ko nakikita mukha niya pero mukhang umiiyak siya dahil sa boses niya na parang napapaos na.. Nakinig ako..
"Dammit! Siguradong sasagutin na siya bukas ni Frexine. Ayoko na! Ang sakit Jenny!!! Siya lang minahal ko!! Si Drex lang... Bakit ba lahat ng gusto ko ay napupunta na lang lahat sa kanya?" Umiiyak na sabi nito..
Hindi ko na pinatapos ang usapan nila at bumalik na lang sa kwarto ko...
Ang tanga tanga ko, bakit di ko napansin na mahal na pala siya ng kinakapatid ko?
Buong gabi din akong di nakatulog at kinabukasan.....
"Sorry Drex, I can't go out with you" sabi ko sa kanya habang nakayuko...
Nasa may banda kami ng park kung saan konti lang ang nakatambay..
"Pwede bang malaman kung bakit?" Malungkot na malungkot ang boses niya..
"Meron na akong ibang gusto.. Sorry.." sabi ko sabay alis... Alam kong nasaktan ko siya pero kailangan ko itong gawin, ito lang ang alam ko para mapasaya ko si Krizza...
"Uy. umiiyak ka na naman..Pero alam mo, pinagtataka ko talaga kung bakit kung kailan naging sina Krizza at si Drex, dun pa nagmaldita sa'yo si Krizza.. Di pa siya magpasalamat at sila na ni Drex nang dahil sa pag-reject mo kay Drex" sabi ni Danica, yun yung nagpabalik sa akin sa kasalukuyan..
Totoo yun. Di ko nga maintindihan kung bakit. Pag nagkakasalubong kami sa bahay, minsan tinatabig niya ako. Pag nakikita ko naman silang magkasama ni Drex sa bahay, bigla na lang niyang hahalikan si Drex sa harapan ko at sasabihan akong nakakaistorbo ako kaya umalis muna ako at marami pang iba...
BINABASA MO ANG
Always You ♥ [One Shot]
RomancePaano kung ang tinuturing mong kapatid ay nagkagusto sa gusto mo? Magpaparaya ka ba dahil alam mong siya lang ang minahal niya? O hahayaan mo ang puso mo na magpasya? A Bittersweet lovestory...