Chapter 39

47 3 0
                                    

"What happened?" agad akong dumeretsyo sa kama ni Zeus kung saan natatakluban siya ng puting kumot.

Iniiwas ko ang tingin sa kaniya at ibinaling ito sa iba pang Vehemens. Iba ang tingin nila kaya alam kong may kakaibang nangyayari.

Bumalik ako sa kama ni Zeus at tinanggal ang kumot na nakataklob sa kaniya.

Laking gulat ko ng makita ang pulseras niya na nasa pulsuhan niya parin.

"Bakit hindi pa ito natatanggal sa kamay niya?" nagtatakang tanong ko saka ibinaling muli sa kanila ang atensyon ko.

"Iyon nga rin ang ipinagtataka namin, dapat ay simula ng mabawian siya ng buhay ay maaalis narin ang pulseras sa kaniya" sagot ni Hera saka sinubukang tanggalin pa ang pulseras pero wala paring nangyari.

"Mamaya na ang libing niya, anong gagawin natin?" tanong ni Diana na siyang nagpagulo pa sa utak ko.

"We can't bury him knowing that his power is still alive and well in his body"

"Athena's right, we're not sure if our adversaries have truly vanished"

They might just be waiting for us to make a mistake, and I won't let that happen again. Not again.

"Anong plano? Dadalo ang lahat mamaya, anong gagawin natin?" tanong ni Vesta kaya lalo akong napaisip.

Irahs isn't our only foe.

Sa mundong ito, sarili mo lang ang pwede at dapat mong pagkatiwalaan. Not your friends, neither your fellow, nor your family.

"May plano na ako"

Nag-ayos na ako matapos umalis nina Hermes at Ceres para ayusin ang libing ni Zeus. Kakalibing lang rin ni Liham kahapon kaya ni magsalita ay hindi ko pa kaya ngayon.

Ang pagkawala nilang dalawa ay lubos na nakaapekto sa akin.

Ang makita ko pang si Liham na inaalayan ng mga bulaklak at ang marinig ang iyak ni Rie sa tabi ko ay hindi ko na kaya.

Ngayon pang ang lalaking pinangarap kong makasama habang buhay at maging ama ng pamilyang aming bubuuin ay siya kong ihahatid paalis ang mas lalong nagpahina sa akin.

Malakas akong tao pero hindi ko kayang kalabanin ang emosyon ko ngayon.

Nang matapos na ako ay agad narin akong lumabas saka naman ako sinalubong nina Hera, Vesta, Diana, Minerva, at ang babaeng hindi ko inaasahang mananatili sa ganitong panahon.

"Tara na" maikling sabi ko saka kami lumabas ng dormitoryo at nagtungo sa dagat na nasa loob parin ng AA.

Pinaulanan kami ng titig ng mga Xeareans na nandito. Kita ko sa titig nila ang pasasalamat at ang iba ay ibinababa pa ang ulo para saluduhan kami.

Nagtungo sa tabi ko si Rie para alalayan ako kung sakali.

Nauna ng maghagis ng mga bulaklak ang mga Xeareans habang hinihintay naman ng professors at head na matapos ang iba para sila naman ang sumunod.

Ilang minuto ang nakalipas ay naramdaman ko na may humagod sa likod ko at nang tiniginan ko kung sino iyon ay bumungad sa akin sina Ate Dion at si Aexearene.

Ibababa ko na sana ang ulo ko pero agad akong pinigilan ni Aexearene.

"Hindi mo kailangang sumaludo sa akin... Ako ang dapat na magbigay dangal sa iyo" Aniya saka yumuko sa harapan ko. "Ipinakita mo na karapatdapat kang maging Reyna, at tama ang desisyon ko"

"Salamat" simpleng sagot ko saka ibinaling kay Ate ang titig ko.

Laking gulat ko na sa unang pagkakataon ay yumuko sa akin si Ate.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon