SILENT LOVE (One-Shot Story)

2.3K 118 67
                                    

(A/N: Patugtugin niyo 'yong multimedia para mas feel niyo. Haha.)

TITLE: SILENT LOVE

***

HER POV

"Magpapakasal na ako," saad niya.

Tatlong salita pero ang bigat ng kahulugan para sa akin. Paulit-ulit ko siyang naririnig sa tainga ko, papasok sa utak ko sabay lalabas bilang luha. Ang sakit lang malaman na ang taong minahal mo nang patago sa matagal na panahon ay ikakasal na. Ang saya lang, 'di ba?

Para akong nagpatiwakal na walang lubid, nagpakalunod na walang tubig, at nagmahal na walang inasahang pag-ibig.

Tuwang-tuwa siya habang sinasabi sa akin 'yan. Walang pagsidlan ang tuwa niya na dahan-dahang ginuguho ang marupok kong pundasyon. Hindi niya ba alam na sa bawat ngiting pinapakita niya, unti-unti ring nadudurog ang puso ko? Ang daya naman kasi ng tadhana.

Minamahal mo ang taong walang gusto sa 'yo. Iiwan kang sugatan. Iiwan ka nang hindi pa humihilom ang hiwa. Swerte na lang kapag may gusto rin siya sa 'yo.

Pero hindi ko siya masisisi, sino nga ba naman ako? Kaibigan lang niya. At magiging kaibigan lang niya habambuhay. Kaibigan nga lang kasi...

Ako naman kasi ang nagkamali. Ako lang ang nagmahal. Hindi naman niya ako pinilit at lalong hindi ako nagpapilit. Ito ang mahirap sa one-sided love. Nasasaktan ka nang patago at nagmamahal ka nang patago. Kasi nga baka kapag inamin ko sa kanya na mahal ko siya, maging ang pagkakaibigan namin ay maglaho rin ng tuluyan.

Pero gano'n ba ako kahirap mahalin? Na hindi niya man lang magawang suklian ang pagmamahal na pinapakita ko? Wala namang interes ang pagmamahal ko para hindi niya mabayaran.

Pero ito ako ngayon, nagmumukmok sa isang tabi at naghihintay ng milagro na sana panaginip lang ang lahat. Na sana ay gumising na sa kalokohan na ito. Pero kahit anong pananakit ang gawin ko sa sarili ko, life is full of suffering. Ang tangi ko na lang kayang gawin ay ang umiyak nang umiyak hanggang sa ma-dehydrate at mamatay ng tuluyan. Sana nga lang sa bawat pagpatak ng luha ko, nababawasan 'yong sakit na mayroon ako pero hindi e, hinding-hindi. Masakit na nga 'yong puso ko, mugto pa 'yong mata ko isama mo pa 'yong sipon ko.

Lintik naman kasi 'yan! Puso lang ang masakit pero ramdam ng buo kong katawan. Para akong kandila na nauupos na. Unti-unti ng nawawalan ng liwanag, naghihingalo sa apoy - sa pagmamahal.

Akalain mo 'yon, ang tagal ko palang naghintay sa wala. Akala ko naman kasi magkakaroon ng milagro na mamahalin niya rin ako. Ang tanga ko. Si Elsa lang pala ang nagmimilagro.

Minsan iniisip ko kung naging kami, siguro masayang-masaya ako kasi naabot ko rin 'yong pangarap ko. Sabi nga nila, "Reach your dreams." Bakit kasi gano'n siya kataas at hindi ko maabot? Kung totoo lang sana si Santa, ikaw ang hihilingin ko sa kanya. I-imagine-in ko na nasa kahon ka sabay lalabas ng may nakalagay na "I love you" kasama ang pangalan ko.

"Ikaw ang magiging bride's maid, huh? Ikaw lang kasi yung kilala ko na bagay sa posisyong 'yon," dagdag niya pang sabi.

Kung minamalas ka nga naman. Maloko talaga ang tadhana. Ako pa talaga ang bride's maid. Pang-asar lang, dre? Sa sinasabi mong 'yan, lalo mo lang pinapasakit ang puso ko. Hindi ka ba naaawa? Pagod na 'yong puso ko. Pagod na pagod ng masaktan. Hindi pa ba sapat 'yong ikasal ka sa iba? Pero pa'no niya pala malalaman kung hindi ko man lang sinasabi. Ang bobo ko lang.

Parati ko dating pinapayo sa mga kaibigan ko na, "Lalaki lang 'yan. Hindi 'yan mauubos." Pero kahit ako, hindi ko yan mai-apply. Gano'n talaga 'ata kapag PAG-IBIG na ang nakikialam. Pag-ibig na maloko, pag-ibig na pinaasa ang tao.

SILENT LOVE (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon