Mr. WOF (One Shot Story)

512 18 25
                                    

Author's note : Baguhan lang po :)) Hehehehehe Sorry sa mga gramatical errors.

***************************

"Wahahahahahaha..... nakatakas na naman tayo ! "  malakas na sigaw ni Jazz sa amin

Ang totoo kasi niyan may klase kami dapat. NSTP lang naman , kasi Friday ngayon kaso ang boring naman magdiscussed ng instructor namin. Ang hina hina pa ng boses, kaya kaming nasa likuran di nakakarinig . Actually mga 1000 plus kaming mga estudyanteng hinahandle niya sa iisang schedule . Lahat kami nakaupo lang sa sahig ng Social Hall. At dahil boring yung teacher, ang mga studyante ay halatang hindi nakikinig. 'Yung iba nga may pasak pang earphone, may mga nagbabasa din ng pocketbook at yong hilig magtext ay nagGM. 'Yung mga nasa unahan, napilitang makinig pero wag ka,  kalahati ng atensiyon ay lumilipad.

Ay oo nga pala, ako po si Chiza Marie Melendres , freshmen student ng SOH CAH TOA Academy. BS in Mathematics ang kursong kinuha ko. At dahil ganyan yong set up ng klase namiin di narin kami nahirapang tumakas kasi di naman nila mahahalatang may kulang. Pero may attendance ha, log in at log out pa nga eh...kaya kailangan pa rin naming bumalik sa school para di halatang tumakas kami.

"Dali EMall tayo !" sigaw ni Keana

"Mabuti pa at nang makarami tayo ng tickets" segunda ni Xeena

Ang tinutukoy nilang EMall ay iyong mall malapit sa school namin. Doon kami kadalasang tumatambay pag may spare time. Pero pumupunta talaga kami dun para maglaro sa WOF. Nagbabasketball kami o di kayay maglaro ng favorite game namin "yong pagkuha ng teddy bear " di ko alam kung ano ang pangalan ng game na iyon. Dahil addict kami sa teddy bear, nagpapasiklaban kami. Paramihan ng tickets at nang makuha ang napakalaking teddy bear. Pero biglang nag iba ang dating modus namin nang may gwapong nakablueshirt ang naglalaro din sa WOF ng araw na iyon.You heard it righ..as in super dooper gwapo talaga..artistahin ang dating.

Actually, nakita ko na siya pagpasok palang niya sa WOF . Lagi ko na syang sinusundan ng tingin kaya ang resulta nadistract ang beauty ko sa paglaro. Yong mag kaklse ko engross masyado sa kanilang mga sariling mundo. Kaya ako lang ang nakasilay sa guwapong nilalang ng oras na iyon. Syempre ayaw kong ipamalita sa kaniila si Mr. WOF at baka magkacrush din sila.

Nagkagulo kami biigla, kasi iyong isang ka-coursemate ko malapit manakawan . Angats pinoy kasi eh, mabuti nalang kamo nahuli nang isa pang kacoursemate namin, kaya ang resulta napahuli namin sa security guard yong magnanakaw. Nalaman pa namin na may back up yon, natetense na kaming lahat kaya dinistract ko sila.

"Bahala na"  Nasabi ko sa sarili .

"3 o'clock guys, guwapooooo" sabi ko sa kanila

Kaya ayun mga gaga sabay pang napatingin kay Mr. WOF . Halatang kinikilig...gwapo daw....Sheeeeeeemay ! Pati ako kinikilig din. Hahahahaha. Ano ba'to . Sabi pa nila baby face daw.. Ang mga bruha nato aagawan pa ako ng kaligayahan . Pero magpaka deure muna ako....

"Ang ingay niyo naman , baka mahalata kayo ni Mr. WOF" sita ko sa kanila

"Mr. WOF ? " sabay nilang tanong sa akin

"Codename natin kay mamang nakablueshirt"

"Ahhhhhh"

"Kaya kayo wag na wag kayong magpapahalatang nagwagwapuhan kayo kay Mr. WOF. Baka lumaki pa ang ulo niyan at magka hydrocephalus. Problema na yan"

"Tama ka sistaaaah !!" sang ayon pa ngmga bruha pero kabaligtaran naman ang ginawa. Lumipat kami ng ibang laro, kasi lumipat din ng ibang laro si Mr. WOF at ang mga kaibigan niya.

Mr. WOF (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon