Her POV
Takbo...
Takbo...
Takbo...Hindi nya dapat ako maabutan. Ito lamang ang tanging naiisip ko sa ngayon ang makalayo sa kanya...al kong hindi nya ako papakawalan.
"Tulong!"
Buong puwersa kong sigaw.Umaasa akong mayroon pang makarinig sakin. Kahit alam kong malabo.
Hakbang...
Hakbang...
Hakbang...
Bilis pa Anya bilis pa...hindi puwede Anya.Ramdam ko ang hapdi ng aking mga paa lalo na ng kaliwa dahil sa nasabit sa kakahuyan ang sapatos na kanina'y pumoprotekta rito. Alam kong marami naring sumabit na mga sanga ng kahoy sa balat ko kanina ngunit hindi ako puwedeng sumuko.
Hindi, hindi ka puwedeng sumuko Anya. Kailangan kong makalayo.Patuloy lamang ang walang tigil na paghakbang ng aking mga paa kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Ngunit habang tumatagal, nararamdaman ko na ring dinadalawa na ng pagod ang aking katawan. Hindi ko na kaya ngunit kailangan kong kayanin.
T-teka, bakit parang nanggaling na ako kanina rito? ang malaking kahoy na yun...dun ako kanina galing. Oh hindi...hindi pwede.
Muli akong humakbang ngunit sa pagkakataong to naramdaman ko ang malalakas na bisig na kumapit sa aking baywang.
"Akala mo ba makakatakas ka?!"Pilit akong nagpumiglas ngunit masyado syang malakas. Isa na lamang ang naiisip ko.
Sinipa ko sya sa maselang parte sa baba at dito'y nakaramdam sya ng sakit dahilan upang ako'y kanyang mabitawan.
Tumakbo agad ako ng mabilis...ngunit may isang bagay akong nakaligtaan na akin lamang naalala ng sya'y muli kong lingunin. May hawak syang baril.Nanlaki ang aking mga mata at dere- deretsong tumakbo. Ng sya'y makabawi ng ng lakas, namasid ko kung pano nya iniangat ang kanyang baril patungo sakin. Ngayo'y triple na ang kabog ng aking dibdib at muli akong lumingon sa aking dinaraanan ngunit huli na ng mapagtanto kong ang apak ko ngayo'y wala ng lupa. Huli na ng maalala kong sa tabi ng malaking punong ito'y hindi lang basta magandang view ng kalangitan kundi ng karagatan...bangin ito.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"
Eto na lamang ang tangi kong nasambit habang ramdam ang malakas na puwersa ng paghiwa ko sa hangin.Kasabay rin nito'y narinig ko ang malakas na hiyaw ng lalakeng humahabol sakin.
"Waaaaagggggggggggggg!!!!"Eto na ang huli...wala na...dulo na ng buhay ko. Dulo na nga ba talaga?
Pumikit na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Too Innocent
RandomShe never thinks of mature things and never know what Reydon is doing with her body. Althanya, is suffering amnesia. Wala syang kaalam- alam kung anong meron sa mundo bukod sa isang bagay. One day she woked up in an island at mukha ng isang lalake a...