First Letter lang oh, PLEASE?

63 1 0
                                    

"INIWAN NIYA NANAMAN AKO PIPAY! DI KO NA KAYA TOOOOO! Huhuhuhu"

Akmang tutusukin naman ng kaibigan kong to yung pulso niya gamet yung bolpen. Yung totoo te? Wala na ba siyang ibang naiisip na paraan kung saan mas makatarungan at pangmayaman naman ang pagcommit niya ng suicide? Ay nako, ako nalang papatay dito para somehow may pagkasosyal pa din, hinde yung bolpen na to gamet niya. Cheap. HBW.

Joooke. Di naman kame mayaman no. Maarte lang ako sadya pagdating sa ganyan. E nasa lahi na ata namen talaga pagiging maarte, ewan ko. Naipasa na ng mga kanunu-nunuan ko ang ganung trait hanggang saken. Kaya heto ako ngayon, sa kwarto ng kaibigan ko, inaalo siya, nakastiletto pa ako at pamatay na bestida. Tapos eto naman pala, pagcocomfort naman pala ang drama ko dito sa bahay ng kaibigan ko.

"E kase naman Kakay, di naman tamang iyakan mo yang lalaking yan. Lalaki lang yan. Senior high school pa lang tayo. marami ka pang makikilala jan." sabe ko sa kanya habang naglilinis ng kuko ko. Ang effort ko din magcomfort no, damang dama niya. Hahaha. Bat ba, nandudumi na kuko ko e.

"AYOKO NANG MAKILALA PA SILAAAA. GUSTO KO SI NED. WALA NANG IBA. SI NED LANG. LORD BAKET PO GANTOOOO. Huhuhu"

Leche naman to si kakay di mapagsabihan. "Hoy ang arte mo ha," sigaw ko kay Kakay habang dinuduro duro siya ng nailcutter. "Hinde na tama yan Kakay ha, sumosobra na yang-"

"Sige lang Kakay, iiyak mo lang yan."

At ayun na po, umiyak na naman ng pagkalakas lakas yan si Kakay. Kung akong si Pipay may lahing maarte, si Kakay lahing abnormal. At etong kasama nameng lalaki na sisingit singit pa at gagatungan pa si Kakay na iiyak niya lang e may lahing mapagkawanggawa. Si Isko, mas maaawain pa yan at mapagpatawad kesa sa mga paring naaabutan ko sa simbahan. Ay nako ewan.

I kno right. Kakay. Pipay. Isko. Bantot ng mga pangalan namen no. Di naman talaga yan yung mga pangalan namen. Parang yan lang yung naisipan nameng itawag sa mga sarili namen. Ako talaga e Faye. Si Kakay ay Kaye. So Isko, ano pa nga ba edi Francisco.

May kumatok sa kwarto ni Kaye at sabay nagsabe na, "Anak, may tawag ka. Si Ne-"

"LUMABAS KA DITO MAMA AYAKO SIYANG MAKAUSAP" sigaw ni kakay.

Hayup na amazonang babae to. Pati nanay sinisigawan? Di kaya ng utak ko to ha, nagugulo tong pagaayos ko sa kuko ko sa kakasigaw sigaw ni kakay. Nakakarindi na ha.

"Tayo." sabe ko kay Kakay.

"Ha?" Napatigil naman si Kakay sa pagiyak niya at nagpunas ng luha.

"Sabe ko tayo. Ano, tatayo ka o kakaladkarin kita palabas ng bahay at papuntang mall? Tara, gala tayo ng may iba ka namang maabala sa kakaiyak mo." sabe ko sa kanya sabay bumaba na ako sa sala nila Kakay.

-----ooo-----

"Tita, sobrang broken po si Kakay kay Ned no," sambit ko habang sumasalampak sa sofa nila. Si tita naman andon sa kusina, nagaayos ng kung ano. "Oo nga hija e, masyadong seryoso." sagot niya.

"Di naman po dapat iniiyakan ang lalaki e," sabe ko. "Parang masyado pong mababaw."

Tumawa naman si tita saka sabeng, "oo nga, mababaw nga. Di mo pa naranasan no?"

Binuka ko ang bibig ko para magsalita pero sinara ko ulet. Tapos binuka ko ulet tas sinara. Di ko mahanap yung tamang words na dapat sabihin para don.

"Pababa na si Kakay," sabe ni Isko habang nag aayos ng buhok niya. "Medyo natagalan pa akong pilitin siya pero sasama din naman pala."

"Ikaw Isko," sabe ni tita. "Naranasan mo na bang mainlove?"

Napaka out of nowhere ng tanong ni tita. Baliw talaga to, halatang may pinagmanahan si Kakay. Di naman nakasagot si Isko, parang nagiisip. Parang, nahihirapang sumagot.

"Uhm, oo yata tita."

"Oh? Kanino? Mahal ka din niya?"- tita

"Uhm, alam ko po mahal niya po ako. Pero di po lalagpas sa kung anong tingin niya saken ngayon. Bilang kaibigan."

AWWW. BUUUUUUURRRRNNNNNNNNNN. Di ko alam may tinatago palang damdaming ganto si Isko? Wawa naman tong bebe namen, friendzoned. HAHAHAHAHA.

"Uyyy, in love. Busted din. friendzoned. HAHAHAHA" Pangaasar ko sakanya. Medyo tatawa tawa naman siya pero halata namang ang pait pait niya don sa nagugustuhan niya. "Sino ba yon? Tara sapakin ko na yon e, finefriendzone ka? HAHAHAHA"

"Di mo kayang sapakin yon," natatawang sagot ni Isko. "Di mo kaya."

Sabay bumaba na si Kakay. "Okay na ako. Di na ako broken." Sambit ni Kakay habang pababa ng hagdan. "Di na ako broken.."

First Letter lang oh, PLEASE? O N H O L DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon