CHAPTER 13:

7.3K 318 14
                                    

TYRON'S POV

Kumatok muna kami bago pumasok sa loob ng office ni headmaster nakita namin itong may binabasang papel Umangat ang tingin nya samin napalunok ako dahil nakita kona naman ang nakakatakot nitong tingin.

"Have a sit." Tumaas yata lahat ng balahibo ko sa katawan pati yung sa private part ng magsalita ito.

Bumungisngis naman si erika paniguradong binasa na naman nya ang isip ko tss ang gwapo ko talaga.

"Pinatawag nyo daw po kami?" Tanong ni samantha myloves Ang ganda nya talaga hihi Kuminang yata ang mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Yeah may panibago kayong misyon kailangan nyong mahanap ang elemental na may kakayahang patigilin ang oras." Malamig na sabi nito bago matamang nakatingin samin.

"Kakailanganin natin sya dito sa akademya at kailangan nyong makasama si princess zerenity dahil matutulungan nya kayo sa lugar nayon." Dagdag pa nito bago naupo.

"WHAT?" Sigaw ni alisha napatayo pa ito sa kinauupuan tinignan naman sya ni headmaster ng masama.

"Yes si princess si zerenity lang ang makatutulong sa inyo sa mundong yon." Nagsalita itong muli.

"Why her? anong mapapala namin sa kanya?" Malamig na tanong ni killian.

"Marami prince killian Malalaman nyo pagdating nyo doon."

"Saan ba ang lugar nayon headmaster?" Takang tanong ko.

"Sa mortal world kung saan ang mga normal na tao ang naninirahan nandoon ang misyon nyo." Sagot nito bago sumandal sa upuan nya.

Nanatili namang tahimik ang mga kasama ko may malalim na iniisip.

"ARE YOU KIDDING ME?PASASAMAHIN MO TALAGA SYA SA AMIN?" Napabaling ang tingin ko kay zeric ng magsalita sya.

"You heard me prince zeric."

Magsasalita pa sana si zeric ng may pumasok ng hindi kumakatok.

Kitang kita naming napabalikwas ng tayo si headmaster ng makita kung sino ang pumasok yuyukod pa sana sya ng magsalita si zerenity, oo si zerenity.

What the hell? Si headmaster na nakakatakot yuyukod kay zerenity?

"Sit down grey." Malamig sa sabi ni zerenity lalong nangunot ang noo namin dahil napaunat ng tayo si headmaster at bahagya pang napalunok Bakas din ang pagtutol sa mukha nito, nawala ang nakakatakot nyang aura at naging maamo.

Tangina? Napapansin ko rin ang pagtawag ni zerenity kay headmaster ng grey. Sinong grey?

"ZERENITY HEADMARTER ANG KAUSAP MO WAG KANG BASTOS." Napabaling ang tingin ko kay zeric ng sumigaw sya masama ang tingin nito kay zerenity.

Bumalik ang tingin ko kay headmaster nakita kong tatayo na sana sya ng mapatingin sya kay zerenity bago tumango at nanahimik nalang.

What happen? Bakit parang ginagalang ng headmaster nila ang prinsesa ng diamond palace? Ni hindi nga sya ganon umasta sa amin na royalties.

"So?" Napatingin ako kay zerenity ng maglakad sya papalapit binulungan nya si headmaster na napalunok lang.

Napaunat pa ito ng upo bago tumango.

"Where's my dorms key and my schedule?" Tanong ni zerenity na bakas ang pagkainip sa mukha.

Tarantang hinanap naman yon ni headmaster bago inabot dito.

"H-Here." Bakas na talaga ang pagkagulat sa mukha namin ng mautal si headmaster, Kahit kelan ay hindi namin ito nakitang ganyan laging malamig ang tingin nito at nakakatakot talaga ang pinagtataka ko lamang ay bakit sya ganon kay zerenity?

Parang kinatatakutan at ginagalang.

Napatingin naman sa amin si zerenity natetense parin ako sa presensya nya dahil hindi ko parin makalimutan ang pagsasalita nya sa isip namin. Hindi naman namin sya matanong dahil mailap sya pagdating sa amin.

Nagkibit balikat lang ito bago nagdere deretsong lumabas at hindi na muli pang lumingon Napatingin naman ulit kami kay headmaster ng bumuntong hininga ito bago nagsalita.

"You may now leave." Bumalik ulit ang malamig nitong boses at ang blangko nitong mukha pagkaalis ni zerenity.

Okay? What the hell is happening?

Another Life Of Ashanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon