Chap27

194 5 0
                                    

A/n: wooo! Malapit na siyang matapos. Hahahaha! Gagawan ko nalang ng POV si Mark, may nagrequest sakin eh! Ge! Saranghaeyo! *hugs and kisses*

--------

Mark's POV

Pagkarinig ko sa pangalan ni Ren, nabigla ako.

"Ah yung babaeng nang-iwan sakin. Oh bakit anong paki-alam ko sakanya?"

Simula nang iniwan niya ako basta-basta, napuno ng galit ang puso ko.. hanggang nakilala ko si Lois, siya ang nagpatibok ng puso ko.. ulit..

"Makinig ka na lang pwede?!" He's acting like a leader again. Tsk. Hindi nalang ako sumagot. Sayang yung laway ko noh.

"Hindi sina manager yung nagpahiwalay sainyong dalawa, walang alam si Manager dito. Puro rumors lang lahat yun." He paused. "May sakit si Ren. Stage 3 nung umalis siya."

Napatayo ako. "Tang*na ka! Ginagawa mo ba to para bumalik yung pagmamahal ko sakanya at susuko na ako kay Lois?! Tang*na hindi bumenta yung biro mo! Tang ina ka!" Agad naman akong pina-upo ng mga kasama namin.

"Hindi yun ganun Mark! Pinalabas niya lang na ganun para hindi ka na sumunod at para magalit ka sakanya at sa ganun makalimutan mo siya!"

Tang-ina! Hindi totoo yan!

"Kung ginagawa mo 'to para maibaling sa iba ang atensyon ko pwes hindi kasi hindi ako susuko kay Lois. Wag mo kaming paikutin jan sa mga kwento mo'ng gawa-gawa lang." Sabi ko.

"Ayaw mo'ng maniwala? Pumunta ka sa lugar na 'to. Makikita mo siya jan." Tapos tinapon niya sa harapan ko yung papel tapos lumabas na siya.

"JB HYUNG!" Tawag ni bambam sakanya.

"Hyung, hayaan mo nalang siya." Sabi naman ni Jr. sakanya.

HYUNGWA MEDICAL CENTER

ROOM 0094

Yan ang nakalagay sa papel..

"Hyung baka naman totoo ang sinasabi ni JB?" Sabi ni Yugyeom

"Hindi din natin alam." Sagot ni Jackson. "Pupuntahan mo ba yan?" Tanong niya sakin.

"Hindi ko alam." Sabi ko sabay alis sa harapan nila at pumasok na 'ko sa kwarto ko.

Lois' POV

"Ma, pag ba nasira yung tiwala mo sa isang tao, pwede pa kaya yung maibalik?" Tanong ko kay mama habang kumakain kami.

Si mama lang kasi yung umuwi eh si papa naman busy padin as usual..

"Ehem ehem!" Sabi ni Ellyne na halatang alam yung ibig sabihin sa tanong ko. Aish.

"Hmmm, para sakin, pwedeng maibalik yun kasi sabi nga nila everyone deserves a second chance. Pero yung chance na yun maibibigay mo lang sa taong ginagawa ang lahat mabigyan lang sila ng pangalawang pagkakataon. Yun bang doble ang effort niya at hindi sinasayang ang pagkakataon na makasama ka niya at maiparamdam kung gaano ka niya kamahal." Sagot naman ni Mama. Oo na HUGOT NA HUGOT ka na Mama. T^T

"Oh bes alam na ha?" Pang-iinis naman ni Ellyne sakin.

"Ewan ko sayo." Sabi ko sakanya. "Ma, Christmas eve na bukas ano ang plano natin?" Tanong ko kay mama.

"Tita! Pupunta po ang boyfriend ko dito. Okay lang po ba?" Tanong ni Ellyne.

"Sure. Hmmm, gusto ko ng simpleng salo-salo lang.. tapos Lois, imbitahim mo si JB ha? Di ko na siya nakikita eh." Okay mas mukha pang anak si JB kaysa sakin ah!

"Yes ma, I will." I said. "Ah! Nakapag-grocery na pala ako Mama." Sabi ko.

"Oo tita excited masyado eh.." sabi naman ni Ellyne.

My Idol in Disguise (MID)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon