Ang Misteryo Sa Tapat Ng Bahay

153 0 0
                                    

At heto na. Bigla na lang lumitaw ang matandang lalaking nakaputing amerikana, nakalimang hakbang bago pumasok sa gate. At nawala ito sa garahe. Napatalikod si Ramil sa bintana, napasandal doon. Awang ang mga labi, na di malaman kung ano ang dapat isipin. Anong misteryo ito? Sino ang matandang lalaking iyon?

Hindi makatulog si Ramil kahit malalim na ang gabi. Lagi kasi syang nakikiramdam, mayroon syang inaabatan sa kalaliman ng gabi. Nakakaramdam sya ng takot, ngunit di nya mapaglabanan ang kursyunidad na tuklasin ang misteryong nangyayari sa kanilang kapitbahay.

May hiwaga kasing nagaganap sa katapat na bungalow. Isang matandang lalaki na mga sisenta anyos at nakaputing amerikana ang nakikita ni Ramil na pumapasok sa bungalow tuwing alas-dose ng hatinggabi.

Lbinlimang minuto na lang at sasapit na naman ang hatinggabi. Gumagapang ang kilabot sa buong katawan ni Ramil, pero naghihintay sya. Hinihintay nya ang tunog ng poagbukas ng gate na bakal sa katapat na bahay.

Bumangon si Ramil at tumayo sa tabi ng bintana. Bahagya nyang hinawi ang makapal na kurtina at ipinako ang tingin sa gate ng katapat na bahay. Sarado pa iyon. Pero alam nya, maya-maya lang nang konti'y kusa na iyong bubukas para sa mahiwagang panauhin.

Nagsindi ng sugarilyo si Ramil ng ilang minuto na lang bago ang eksaktong hatinggabi. Alam nya, heto na...

Malalim ang hithit nya ng usok. Parang nanunuyo ang kanyang lalamunan dahil sa antisipasyon.

Iyon na!

Mula sa ibaba ang bahay ay naririnig nya ang tunog ng grandfather clock. Lumilikha iyon ng echo sa katahimikan ng gabi, at sa prosesyo'y lalong nagpapalakas ng kabog ng dibdib ng bintana.

Dahan-dahang bumukas ang gate na bakal sa katapat na bungalow. Ang nakapagtataka'y wala naman syang nakikitang tao na nagbubukas nyon. Kusa. Parang otomatikong nakaprograma na sa ganoong oras ay bubuksan.

At heto na. Bigla na lang lumitaw ang matandang lalaking nakaputing amerikana, nakalimang hakbang bago pumasok sa gate. At nawala ito sa garahe.

Napatalikod si Ramil sa bintana, napasandal doon. Awang ang mga labi, na di malaman kung ano ang dapat isipin. Anong misteryo ito? Sino ang matandang lalaking iyon?

Dumamba sa kanyang kama si Ramil at nagtalukbong ng kumot sa takot!

Ang two-storey house na tinitirhan ni Ramil ay dating pag aari ng isang sangay ng bangko. Nailit iyon nang di matubos ng dating may ari sa pagkaka sangla. Nabili iyon ng nakatatandang kapatid ni Ramil, isang engineer na OFW. Pansamantala, habang di pa naipaparenovate, ang binata muna ang tatayong bantay.

Pabor iyon kay Ramil. Malapit lang ang lokasyon nyon sa pinapasukan nyang kumpanya. Wala na syang renta ay makakatipid pa sa pamasahe.

Sabi ng kuya nya nang mag usap sila se cellphone, "Pwede kang tumanggap ng male boarders para may extra income ka."

"Totoo, Kuya?"

"Sinabi na nga, eh."

"Salamat, Kuya. Hamo, pag wala akong pasok, eh, lilinisan ko ang buong bakuran."

Natawa ang kapatid nya. "Dapat lang, no? Ikaw ang nakitira, eh."

May sinabihan na si Ramil na mga kasamahan sa trabaho tungkol sa kanyang pagpapaupa. May ilang nagpakita ng interes, pero tatapusin muna raw ang mga ito ang natitirang advence rent sa kasalukuyang tinitirhan. Naglagay na rin sya ng karatula na tatanggap sya ng boarders.

Ang Misteryo Sa Tapat Ng BahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon