"Hinahanap ka ni Yvez sa labas." Sabi ni 'nay Sally.
"P-Pakisabi po na tulog na 'ko." Sabi ko naman.
Nangunot naman ang noo niya. Napapansin na yata na mayroong kakaiba sa akin.
"May problema ba kayo?" 'Yun na nga at nagtanong na siya.
"P-Pakisabi na muna po sa kaniya na tulog na ako para hindi na siya maghintay pa sa labas. Ikekwento ko pa sa inyo pagbalik niyo." Sabi ko naman na ngumiti pa.
Alinlangan pa ang tango niya bago lumabas ng kwarto ko. Sa ganitong problema, si 'nay Sally lang ang mapagkekwentuhan ko. Alam kong maiintindihan niya 'ko. Hindi ko lang alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko dahil una sa lahat ay wala namang kami ni Yvez para magselos ako.
"Ano bang nangyayari sa inyo?" Nagtatakang tanong ni 'nay Sally pagbalik ng kwarto ko, umupo agad sa tabi ko.
Napabuntong hininga muna ako bago siya hinarap. "Nay hindi ko po alam kung tama ba naging reaksyon pero kasi 'nay nagseselos ako." Sabi ko na umiwas pa ng tingin sa kaniya habang kagat ang sariling labi. "Kanina 'nay sa may party nakita ko siya doon kasama 'yung ex niya, naghahalikan po sila." Para bang may sumuntok sa dibdib ko.
"Ex ba kamo?" Tanong niya na ikinalingon ko, tinaasan niya ako ng kilay. Tumango naman ako bilang sagot. "Sino bang ex? Dalawa ang kilala kong ex ni Yvez." Kilalang kilala niya talaga si Yvez.
"S-Si Ashlet po." Sagot ko tsaka nilalaro ang sariling daliri.
Hindi ko alam kung anong iniisip ni 'nay Sally pero kung magalit siya dahil mali ang naging asta ko ay tatanggapin ko 'yun dahil kahit ako mismo ay tinatanong ang sarili ko kung tama nga ba ang naging reaksyon ko.
"Si Ashlet, 'yung unang naging ex niya." Sabi niya kaya muli akong napalingon sa kaniya. "Aba'y wala tayong magagawa doon." Parang nanghina ako sa sinabi ni 'nay Sally. "Yun ang babaeng minahal niya kaya hindi malabong 'yun ulit ang mahalin niya." Lalo yata akong nagselos. "Hindi naman sa pinag ooverthink kita ha pero kung mamahalin niya ulit 'yun ay wala ka talagang laban." Dagdag niya pa, napatango na lang ako dahil nauunawaan ko siya. "Maaga pa para diyan. Maganda ka naman kaya 'wag mo munang isipin ang mga ganiyang bagay, mag aral ka muna ng mabuti." Tumango naman ako. "Ako na lang ang bahalang makipag usap kay Yvez."
Nang iwan niya ako ng kwarto ay doon na ako nalungkot. Hindi naman ako naiiyak pero nasasaktan ako. Nagriring 'yung phone ko, alam ko kung sino ang tumatawag pero hindi na ako nag aabalang sagutin 'yun dahil alam kong si Yvez 'yun. Masyado ba 'kong OA? Baka kasi isipin ni Yvez na wala naman kami pero bakit umaasta akong kami at nagseselos ako kaya nagpapasuyo ako sa kaniya.
Dahil doon ay hindi na rin ako nakapagreview. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong focus ko sa pag aaral ay hindi ko magawa dahil pumapasok sa isip ko si Yvez. Malapit na ang special exam pero ni isang pagreview ay hindi ko ginawa. Hahawak man ako ng libro ay lutang lang akong nakatitig doon, hindi binabasa at hindi man lang magforward sa kabilang pahina. Lutang talaga. Mayroon sa akin na sinisisi ko si Yvez dahil hindi ako makapagreview na kung tutuusin ay kasalanan ko naman talaga dahil ang dami kong arte sa buhay.
Nalaman na din ng mga kaibigan ko dahil paniguradong kinwento ni Yhanna sa kanila. Hindi rin sila nag aabalang tanungin ako dahil buong klase ay tahimik ako. Nakikisama ang panahon dahil walang recitation ang naganap pero may mga quiz na hindi ko alam kung tama ba ang mga naisasagot ko. Pati sa pagkain ay wala din akong gana. Para bang ang laki ng epekto sa sarili ko ang nakita ko sa party ni Ate Alwina.
YOU ARE READING
SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓
DiversosSHS SERIES 2 (YVEZ AND JICHELLE STORY) Ako si Jiwell Achelle Yskaela Gonzaga,mas kilala sa pangalang Jichelle at walang ibang hinihiling kundi ang simpleng pamumuhay bilang isang probinsyana. Ang simpleng gusto ko ay nadagdagan ng isang kahilingan...