"Arianne!"
Lumingon ako kay Sienna na tumatakbo papalapit sa akin. "Good morning!" kumapit siya sa braso ko habang naglalakad kami papunta sa CBA Building.
"Good morning. Ang aga mo ngayon, Sien." puna ko. Simula senior high hanggang college ba naman laging late si Sienna.
"Ano ka ba! Hindi ako umuwi kagabi, kakagaling ko lang sa bagong open na bar sa Capas." ngumisi siya na parang wala lang sakanya 'yon.
"Kaya pala mukhang magbubuga ng apoy si Serene ngayon..." lumipat ang tingin namin kay Serene na nakahalukipkip sa harapan ng building.
"Where are you going?" hinarangan naman ni Serene si Sienna na sinusubukang umalis.
"Uh, guys... Una na ako." paalam ko bago pa sila magsumbatan doon. Hindi naman na nila ako napansin na umalis kaya dire-diretso lang ako sa classroom.
Pagpasok ko sa loob ay kakaunti pa lang ang tao dahil maaga pa. Wala naman masyadong ginawa sa buong umaga kaya pagkatapos namin mag lunch nila Serene at Milan ay dumiretso na ako sa library para sa shift ko.
Nakita ko si Vonn na natutulog ulit sa pwesto niya. Buti hindi siya nakikita ni Ma'am Karen kundi sa labas ang abot niya. Umiling nalang ako at nag focus sa gagawin ko.
Ibinakik ko ang ibang libro at nag ayos ng gamit na nagulo kapag may mga estudyanteng hindi marunong mag balik ng maayos ng mga libro na ginamit nila. Pagkatapos kong gawin 'yon ay bumalik na ako sa desk at umupo doon.
"Paano po buksan 'yong computer sa dulo?" napatingin ako sa babaeng nagtanong. Mukhang nahihiya pa siya dahil tinakpan niya ang mukha niya ng panyo habang nagsasalita.
"Ngayon ka lang ba gagamit ng computer dito?" tanong ko at tumayo na para matulungan siya.
"Naiwan ko kasi 'yong laptop ko kaya isasave ko lang sana mga files." sumunod naman siya sa akin papunta sa computer section ng library.
"Ganito lang....tapos pindutin mo lang 'to..." pagturo ko sakanya.
"Thank you!" ngumiti siya sa akin pagkatapos.
Tinignan ko ang ID niya na nakasuot sa leeg niya. Therese Jane Mallari. College of Architecture and Fine Arts.
Ngumiti rin ako sakanya at bumalik na sa desk.
Natapos ang araw ng walang masyadong nangyayari. Natapos din ang shift ko kaya umuwi ako ng maaga. Nagyaya pa sila Kate na lumabas pero hindi na ako sumama dahil sa pagod ko ngayong araw. Baka nasa bar na siguro sila ngayon nila Sienna at Arthur.
The following days were also the same. Study, Work and Sleep. Palagi naman kaming mag kausap ni Kiel kapag gabi dahil sobrang busy niya sa umaga. Sabi niya dahil daw mag leleave siya ng ilang araw kaya mas madami siyang trabaho na gagawin ngayong week.
"Earth to Arianne?" Kate snapped her finger to get my attention. It's Thursday and we're at the mall dining in with the girls.
"What's yours?" tanong ulit niya. Tinuro ko na lang ang lagi kong kinakain dito.
"Is there a problem, Ria?" Serene slightly tapped my shoulders.
Umiling naman ako at ngumiti. "Wala.. Puyat lang kagabi." umayos ako ng upo.
Tumingin naman ako sa cellphone ko na tumunog. "Nag message si Milan, hindi raw siya pwede ngayon." tumingin ako sakanila.
"Life with a strict parents..." Kate murmured. Si Serene ay tumango nalang sa akin.
"Kilala mo ba 'yong bagong dine-date ni Art ngayon, Ri?" tanong ni Sienna.
"Hindi." sagot ko. Talagang hindi ko naman alam e. Hindi pa siya nga rereply simula no'ng Sunday ng gabi. Isa pa, ang huling naalala ko na ka date niya ay 'yong sumali ng beauty contest last year, Emily ba ang pangalan non?
YOU ARE READING
Trapped In Love
RomansaArianne Villafuerte knows that relationship is just a repeating cycle of being in love and being in pain at the same time. She knows it better than any one else, after all she experienced it many times. But our heart doesn't work the way we wanted...