True Love Waits Pt. 1
-By Fidel Louis
After non, lumabas na kami. Mga 4:45 na ng hapon kaya naglibot na lang kami dito sa school. Mga 5 kasi, awarding na.
Pumunta muna ako sa 2nd floor ng High School Building, kasi may fountain doon, libreng tubig nga pala iyon. Pero narinig ko na naman silang nag-uusap.
“Hey, you were great a while ago,” si Kurt na naman.
“Ah, thanks. Ikaw din naman,” at si Agnes na naman ang kausap nya. Teka, akala ko break na sila? Ano ba ito, hindi naman ako dapat nanghihimasok pero..pero..bakit pa ako niyaya ni Kurt sa Sabado?
“Thanks. I guess, see you around.”
“Bye.” nagtago ako para ‘di nila ako makita. Nung ‘di ko na sila nakikita, pumunta na ako sa fountain para gawin yung ipinunta ko doon, ang kumuha ng tubig.
“Oh, baka akalain mo baak kong mag-two time,” wait, may tao pa dito?
“H-ha?”
“I know na narinig mo rin kami when we broke up.”
“Sorry ha. Hindi ko naman sinasadya. Nagkakataon lang talaga na nandoon ako.”
“It’s fine. Basta pumunta ka sa Saturday ha.”
“Ah. Magpapaalam muna ako.”
“Okay.” tumalikod na siya at umalis. Bakit ba pati likod niya gwapo? Nako, Sheenna! tama na yan!
***
Bumalik na ako sa Dome. 5 na at awarding na. Gulat ang lahat sa mga winners ngayon, know why?
“3rd place, BLUE family!” lahat tahimik at nakanganga. Lagi kasing Blue Famiy ang champion, 3 consecutive years na tapos biglang sila ang over-all losers ngayon…woah.
“2nd place, RED family!” iyan naman hindi na nagbago.
“1st place is…….the GREEn family!” NO WAY.
“And this year’s Intramurals Champion is the YELLOW FAMILY!” ano raw? Pakiulit?!
“YES! Thank You, Lord!” sigaw ni Billie at halos lahat na rin kami syempre. Sabi ni Ms. Gonzales we won dahil sa lahat ng minor games, kami ang winner at isama mo pa ang Girls’ Basketball. Grabe, akalain mo yon, nanalo kami.
“Congrats, you all deserved it.” sabi ni Kurt habang nakangiti at……..nakahawak pa sa kamay ko. HUWAAAT??!
“And wag ka aabsent sa Saturday. Baka ma-miss mo ako for some time.” bumitiw na siya sa kamay and then ngumiti sa akin tapos umalis na.
At bakit naman kita mami-miss ha?
Pagkatapos non, tinukso-tukso ako nung mga nakakita. Nakakahiya pero okay lang naman.
*****
What day is it today? it’s SATURDAY! 8 am pa lang, naligo na agad ako, EXCITED MUCH? Hindi naman. Buti nga pinayagan ako nila mama at papa. Usual thing ng girls sa umaga, you know them all.
2:45 na, nakabihis na ako at nakaupo sa sofa. May nag-bell pero si papa na ang nagbukas ng gate. Pero ang tagal yata niyang papasukin, ah baka hindi naman importante.
“Sheenna, mag-ingat kayo ni Kurt ha. Ay, halika, pasok.”
“Salamat po.Hi, Sheenna.” Bakit nandito siya? Akala ko ba sa school?
“You look nice.” tapos nginitian niya ako.
“Ikaw din. Gusto mo ba ng tubig o kaya juice?”