Kabanata 47

208 14 6
                                    

Kabanata 47

Painting

PANAY ANG re-touch ng beking make-up artist sa make-up ko. Kasalanan ko din naman dahil nagtatatakbo ako kanina kaya bahagya akong pinawisan.

Nang umalis na ang make-up artist sa harapan ko ay mangiyak-ngiyak ko ulit na inilibot ang paningin ko sa paligid. Napuntahan ko na yata kanina ang buong venue para lang mahanap si Kuya Malach pero hindi ko parin siya maagilap.

Pero ramdam kong nandito lang siya. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong marinig ang pagbati niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit nae-excite akong ipakita sakaniya ang itsura ko ngayon, na parang siya ang dahilan kung bakit ako nag-ayos ng ganito.

Iiwas na sana ako ng tingin sa mga bisita nang may makita akong matangkad na lalaking nakatitig lang mula sa likod ng malaking pintuan kung saan ako pumasok kanina. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

Pareho kami halos ng suot, pero iba lang ang pagkakahulma ng tela ng sakaniya. Dahil ang isang braso lang niya ang may manggas kaya kitang-kitang na ang kalahati ng kaniyang dibdib. Napansin ko rin na mahigpit ang pagkakahawak niya sa mahabang espada na nakita ko lang kahapon sa may botique.

Sandali pa siyang tumitig sa akin bago pa siya tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo. Hindi ko alam pero wala na akong sinayang na oras at agad kong hinabol si Kuya Malach.

Pero sa pagkakataong ito ay dumaan na ako sa may gilid ng mga bisita para hindi ako mapansin ni Mommy.

Hindi ko lang makuha ang dahilan ni Kuya Malach kung bakit ayaw niyang tuluyang lumapit sa akin. May ginawa nanaman ba ako?

Pero nasa labas na ako ng mismong venue pero wala na siya. Madilim na rin kaya malabong mahanap ko pa siya. Habol habol ko ang hininga ko habang pinupunasan ang ilang mga luhang bumagsak na pala nang hindi ko man lang namamalayan.

'Bakit ayaw mong magpakita sa akin?'

Bigo akong lumakad pabalik sa entrance. Pero hindi ko pa naitatapak ang paa ko sa loob nang may mabilis na kumalabit sa akin. Hinarap ko naman ang taong 'yon at gano'n nalang ang paglaki ng mga mata ko nang makilala ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

'Si mamang blue eyes.'

"Happy birthday," malumanay niyang sambit sabay ngiti sa akin ng malapad.

Nangunot naman ang noo ko at pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Naka formal attire rin siya kagaya ng ibang mga bisita. Isa ba siya sa mga bisita ko?

"T-thank you po." Sagot ko nalang saka siya hinandugan ng isang simpleng ngiti para hindi ako magmukhamg bastos kahit na medyo nawi-weriduhan ako dahil sa pabigla-bigla niyang pagsulpot. Kagaya nalang noong last interhigh kung saan ko siya unang nakita.

May kung ano pa siyang kinuha mula sa loob ng kaniyang suit. Pagkatapos ay ibinalik niya sa akin ang tingin niya habang hindi parin tinatanggal ang malapad niyang ngiti.

"Accept my gift." Tugon niya sabay lahad sa akin ng isang papel---tseke?

Bahagya pang nanlalaki ang mga mata ko habang pinagpapalit-palit ang tingin ko sa tseke at sa mukha niya. Nang mapansin niya sigurong wala akong balak na kunin 'yon ay siya na mismo ang naglapat ng tseke sa kamay ko.

Pero hindi lang pala tseke ang nandidito. May mini cardstock na nakadikit sa may tseke at wala sa sariling nangunot ang noo ko nang mabasa ko ang siyang nakasulat dito.

Set upon 'iro.

Iyon ang nakalagay sa postcard na bahagyang nakadikit sa tseke na may laman na.. one fvcking million.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now