This contain typographical,
grammatical errors.
I will do my best para hindi na ito maulit.Thank you for understanding me.^^CONTENT WARNING!
This might contain is have a strong langguages and stated clearly situations.Trigger warnings maybe include this story will tackle about drugs,bully,Stealer,Abuse.
-Christine_gunthe🌙
"Vien gising na!Mag luto kana ng umagahan at para makaalis na kayo ng kapatid mo dito!" Hindi na ako nagulat nang sumigaw na naman si Mama,Halos araw-araw naman yang ganyan.
Agad akong lumabas ng kwarto at nakita si Astrid na may pinupunit na papel kaya agad akong lumapit para tingnan iyon,Agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang drawing ko yun.
"Heirra Astrid!" Sigaw ko sa pangalan ng kapatid ko.
"Good Morning Ate Vien!" Nakangiti nyang saad,agad kong inagaw sakanya yung mga papel na kahapon ko lang ginawa.
"Mama!Pinunit ni Astrid yung drawing ko!" Inis kong sambit.
"Edi gumawa ka ulit." Pataray na sambit ni Mama,habang nakaupo at nanonood ng tv.
"Sorry Ate Vien..kala ko dina yan gagamitin.." Malungkot na sambit ng kapatid ko.
"Okay lang,Tara na maligo kana." Agad naman syang humawak sa kamay ko at naglakad na patungong banyo.
Pagkatapos maligo ng kapatid ko ay nag luto na ako ng umagahan naming tatlo.
"Ma kakain na!" Sigaw ko.
"Ano ba yan isda na naman!" Reklamo agad ni Mama at padabog umupo sa upuan.
"𝘌𝘥𝘪 𝘪𝘬𝘢𝘸 𝘮𝘢𝘨 𝘭𝘶𝘵𝘰.." Bulong ko.
"Anong sabi mo?!"Galit na sigaw sakin ni Mama.Aalis na sana ako ng bigla akong batuhin ni Mama ng kutsara.
"Ano ba Mama!" Galit na sambit ko.
"Palamunin ka lang dito kaya umayos ka!" Diko na sya pinansin at pumasok na agad sa kwarto para dun umiyak.
Lagi nalang ganyan si Mama diko nga alam kung bakit ganyan sya ibang-iba talaga sya kay Tita...Hirap na hirap na ako dito sa bahay na toh kung wala lang ang kapatid ko sana matagal na akong nakaalis dito.
15 palang si Astrid at hindi ko sya pwedeng iwan kay Mama kase alam kong papabayaan lang din nya ito.Kaya nag iipon ako ng pera para makaalis na kami dito.
Bumangon ako para maligo at para narin makaalis na sa putang bahay na toh!
"Ate okay ka lang ba?" Nag-aalalang sambit ng kapatid ko.
"Oo tara na.." Seryoso kong sambit.
"Ma yung baon po.." Agad namang tumaas ang kilay ni Mama at tumawa ng nakakaasar.
"Wala akong pera..Bahala kayo mag baon ng inyo." Sabay alis nya sa harapan namin.
"Ate.." Tawag sakin ng kapatid ko ng makitang nakayukom na ang kamao ko.
Di nalang ako nag salita sa kapatid ko at hinatak na sya paalis duon.At baka ma-late pa kami sa klase bago pa naman kami dun.
Una kong hinatid si Astrid dahil malapit lang naman samin yung room nya.
"Okay class bago ako mag simula may bago kayong kaklase." Saad ng guro namin.
Dahan-dahan akong pumasok,Hanggang sa marating kona ang gitna kung saan nag tuturo ang guro namin.
"Vien." Tipid na sambit ko,Inintay nila ang sunod na sasabihin ko pero tinikom ko nalang ang bibig ko.
Atleast nag salita ako choosy pa sila..
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
RomantizmThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...