KABANATA 2

97 7 0
                                    

WARNING: Drugs

Maaga kaming pinauwi dahil wala yung teacher namin sa last subject, kaya inintay ko muna si Astrid.Hindi ako maka get over sa ginawa ni Chester sakin kanina may kung ano na namang kumiliti sa puso ko.

Agad akong napailing nang makita ang kapatid ko.

"Ayoko pa umuwi.." Malungkot nyang sambit.

"Kahit ako.." Naawa ako sa kapatid ko dahil bata pa lang sya ginaganyan na kami ni Mama.

"Kung hindi kaya nawala si Papa happy family parin kaya tayo?" Tanong bigla nang kapatid ko,Kaya tiningnan ko sya habang naglalakad kami pauwi.

"Siguro.." Maikling sambit ko.

Lumaki kaming puro bunganga nalang ni Mama ang naririnig namin yung mga mura nya pag nagagalit sya saamin nya lahat sinisisi kahit sya ang may mali.

Hindi katulad dati na kapag galit sya tinatago nya ito hindi pinapahalata samin,Lagi nyang sinasabi samin ang salitang "Mahal kayo ni Mama anak." gustong-gusto kona ulit marinig ang salitang yun.

"Czereena Vien!" Galit na sigaw sakin ni Mama pagdating namin sa bahay.

"Po?" Walang emosyon kong saad.

"Sinugod ako nang nanay ng kapit bahay natin bakit mo pinahiya ang anak nun?!At sinuntok mo pa ha?!" Hawak-hawak na ngayon ni Mama ang buhok ko dahil sa sobrang inis.

"Ano ba Ma!Kasalanan nang anak nya yun!" Sabay tanggal ko nang kamay nya.

"Ate okay ka lang ba?" Bigla namang yumakap sakin ang kapatid kona takot na takot.

"Wala kang karapatan saktan yung anak nun kung inaapi ka mag paapi ka!" Sabay duro sa ulo ko.

"Nanay kaba talaga namin?" Naiiyak kong sambit.

"At sinong nag sabi sa inyo na anak ko kayo ha?Wala akong anak na walang kwenta at palamunin!" Sabay balik nya sa mesa,Nagulat ako nang makitang may drugs sa mesa kaya agad akong lumapit at tinapon yun sa basurahan.

"Vien!" Sigaw sakin ni Mama,At hinanap sa basurahan ang drugs na tinapon ko.

"Ma!Sinisira mo ba yang buhay mo?!" Galit na sambit ko.

Lagi nalang akong inaasar sa school dahil gumagamit daw ang nanay ko,At hindi ko naman maitatanging tama sila.Nawala lang si Papa naging ganyan na sya hindi kona alam ang gagawin ko..

"Matagal nang sira ang buhay ko simula nang nawala ang Papa nyo!Sana kayo nalang ang nawala hindi sya!" Umiiyak na sambit nya.

Agad akong umalis sa harapan nya dahil hindi kona mapigilan ang sakit na nararamdaman ko.

"𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘔𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢.." Bulong ko at humagulgol nang iyak.

Bumangon ako nang parang walang nangyari dahil kailangan ko pang pakainin ang kapatid ko,Nang makitang walang laman ang ref ay kinuha ko ang wallet ko para bumili nalang sa labas.

Buti nalang may iniwan sakin si Papa na pera bago sya nawala malaking halaga na din yun para samin,Pero tinatago ko lang ito dahil baka kunin ni Mama at ipang bili nya pa nang drugs.

"Ate umalis si Mama."

"Edi mabuti," Pag sisinungaling ko," Bibili lang ako nang hapunan." Dugtong ko at umalis na.

Nag suot lang ako nang itim na jacket at sa loob nun ay naka sando at short lang ako.

Naghanap nalang ako nang karenderya para dun na bumili nang lutong ulam,Nakita kopa si Mama na dun kumakain at nakikipag tawanan na parang walang anak.

That Night(That Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon