KABANATA 3

71 6 0
                                    

Kala ko makakatakas na ako kay Chester pero nakita ko nalang ang sarili ko na gumagala dito sa Park.

Ngayon kona lang ulit toh nakita sampong taon palang ako nun simula nung dinala kami dito ni Mama at Papa,Ang sarap parin nang hangin kaya napapikit ako inaalala lahat nang masayang alala naming pamilya.

Parang gusto kona dito tumira kesa sa madilim at magulong bahay.

"Okay ka lang ba?" Tanong bigla ni Chester kaya napamulat ako.

"Kahit kailan di ako naging okay.." Sabay tingin sa langit.

"Okay lang naman hindi maging okay pero kung hindi muna kaya pwede mo kong sandalan,Andito lang ako Vi." Napatingin ako sakanya ng sabihin nya yun.

Kahit kailan wala pang nag sabi sakin nyan,Bakit ibang iba si Chester sakanila?

"Bakit ba ang bait mo sakin?" Yun agad ang lumabas sa bibig ko,Kaya natawa sya.

"Maybe nung unang pasok mo palang sa classroom yung mata mo agad ang nakita ko,At puno yun ng lungkot,takot at konting galit.Kaya gusto kong makipag kaibigan dahil baka sakaling matulungan kita." Nagulat ako nang sabihin nya yun,Nakita nya pala kaya ba ganun sya kung umasta sakin.

"Hindi ko kailangan ng ka--"

"Pero kailangan mo nang pagmamahal..Na kahit kailan hindi muna naranasan" Putol nya sa sinabi ko,Bigla naman nanubig ang mga mata ko kaya tumayo ka agad ako.

"Isa lang naman nag mamahal sakin kundi ang kapatid ko..At wala na akong balak na may dumagdag pa dun." Pagkasabi ko nun ay tuluyan na akong umalis,Masyado ba akong halata at alam na alam nya yun.

Matapos ang araw na iyon ay mabilis na dumaan ang biyernes nang gabi at sabado ng umaga ay maaga ako nagising dahil kailangan kong maglinis nang bahay at ma malengke.

"Ate alis na ako ha!" Sigaw ni Astrid,Dipa ako pumapayag ay patakbo na itong umalis.

Mukang napapadalas na yung pag sama nya sa kaibigan nya ah,At okay lang sakin yun kesa naman dito sya sa bahay na puno nang lungkot.Pagkatapos kong mag linis ay nag luto muna ako nang natitirang ulam namin baka sakaling dumating si Mama at magutom ay meron nang ulam.

Lalabas na sana ako nang bigla pumasok si Mama nang pulang pula ang mga mata at kulang sa tulog.

"Ma..San ka nanaman ba galing?" Nag aalalang tanong ko.

"Vien itago moko..May humahabol sakin bilis!" Sabay alog nya sakin.

Kita ko ang mga mata ni Mama kung paano nya tingnan ang buong bahay na parang may mga taong kasama,Dumadalas na ang pagiging ganyan ni Mama at hindi ko alam kung bakit.

"Ma magpahinga ka nalang muna" Agad naman syang tumingin sakin nang masama na parang may nagawa na naman akong kasalan.

"Vien!Sabing itago mo ako diba?!Gusto mo na ba akong mawala?!Jusko sana di nalang kita pinanganak!" Sigaw nya sakin,Dali-dali akong lumabas nang bahay dahil sa masasakit na salitang naririnig ko mula sakanya.

"𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘳𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘨𝘪𝘯𝘶𝘴𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺𝘪𝘯 𝘯𝘺𝘰𝘬𝘰" Bulong ko,At agad pinunasan ang mga luha.

Eto ang ayaw ko sakin matapang ako pero ang dali kong umiyak.

Matapos kong ma-malengke ay agad na akong umuwi,Lalabas ako mamayang gabi gusto kong maglakad-lakad gusto ko nang tahimik na buhay kahit mamaya lang.

I like walking in the middle of the night,Because i feel free.

Nangmaka uwi ako ay agad kong inayos ang mga pinamili ko bago umakyat sa kwarto ko,Nagulat akong makitang bukas ito kaya dali-dali akong pumasok.

That Night(That Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon