CHAPTER 16:

7K 314 1
                                    

PRINCE ZELIX'S POV:

Lumabas si prof jack para kausapin saglit yung student na kumatok Napabaling ang tingin ko kay zerenity, deretso parin ang tingin nya sa harapan at kita sa mukha nya ang pagkabored at pagkainip.

Hanggang ngayon ay Nagtataka parin ako sa kinikilos nya simula ng pagkakagising nya ay naging mailap sya sa amin hindi na nya kami pinapansin kung hindi pa sya kakausapin ay hindi sya magsasalita naging malamig din ang pakikitungo nya sa aming lahat.

Hindi narin sya humahabol kay killian ni hindi na nga nya tinapunan ng tingin ang prinsipe ng emperial palace.

Lagi lang syang nakakulong sa kwarto nya at si manang esmeralda lang ang hinahayaan nyang makapasok.

Napabalik ako sa huwisyo ng magsalita si prof jack na nasa harap na pala ulit.

"Royalties pinapatawag kayo ni headmaster shan kasama ka daw princess zerenity." He said.

Tumayo na kami at nagsimulang maglakad papunta sa opisina ni headmaster nakasunod lang naman sa likod namin si zerenity.

Pag pasok namin ay nakita namin syang may binabasang documents. Umangat naman agad ang tingin nya katulad dati ay malamig at blangko parin ang mukha nito. Ang pinagtataka kolang ay biglang umamo ang mukha nito ng makita si zerenity.

"Kailangan nyo ng magtungo sa mortal world para hanapin ang elemental." Malumanay nitong sabi.

Tumango kami napatingin naman sya kay zerenity na bored lang na nakatingin sa kanya.

"P-Princess zerenity t-tulungan mo silang makumbinsi si hectus para sumama sa kanila, alam kong ikaw lang ang makapag papasunod sa lider ng r-red dragon." Utal na sabi ni headmaster bago nag iwas ng tingin.

What?anong sinasabi nya?

Nangunot ang noo namin sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin?.

"How's UG grey?" Bored na sabi ni zerenity habang humihikab.

"May nagrereyna reynahan doon qu-princess simula ng mabalitang patay kana ay madaming nagtatangkang kuhanin ang trono mo." Pinagpapawisan na sabi ni headmaster napalunok pa ito.

"Is that so?" Napatingin sila kay zerenity ng bigla itong ngumisi. Nagpapalit palit ang tingin namin sa kanilang dalawa.

Bakit parang magkakilala sila? at alin yung ug? sinong patay? pansin ko rin ang tawag ni zerenity kay headmaster shan.

Madaming katanungan na bumabagabag sa akin at alam kong masasagot yon pagdating namin sa mortal world.

"Kailangan mo ng magpakita sa kanila que-princess madami ng naaapi ang babaeng yon sa UG." Kita namin kung paano dumilim ang mukha ni zerenity.

Napalunok ulit si headmaster bago pinagpapawisang tumingin dito.

"Who is she?" Malamig nitong tanong.

"Kassandra villafuerte anak ng mag asawang villafuerte matagal ng may galit sayo kaya ng malaman nyang nawala ka ay sinakop nya ang buong ug kasama ang organization na kasalukuyang pinamumunuan ng ama nitong si walt." Mabilis na sagot nito.

What the hell! anong pinag uusapan nila? simula din ng magising si zerenity ay parang ang dami nyang tinatago.

"Villafuerte? you mean patricia and walt villafuerte?" Takang tanong ni zerenity kay headmaster.

Tumango lang si headmaster shan

"Where's herrence and my other gangmates?" Zerenity suddenly asked.

Herrence? gangmates?

"Simula ng mawala ka ay hindi narin nagpakita sila youngmaster herrence." Kinakabahan nitong sabi.

Nagsalubong ang kilay ni zerenity sa sinabi ni headmaster ngunit hindi na muling nagsalita.

Tumingin sya ng deretso kay headmaster bago nagsimulang tumayo.

Another Life Of Ashanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon