CHAPTER 19:

6.8K 330 0
                                    

PRINCESS SAMANTHA'S POV:

Kinabukasan ay maaga kaming nagising, kasalukuyan akong nakahiga dito sa malaking kama kung saan ako natulog kagabi naglalaro lang ako ng mahika, wala naman sigurong makakakita napatingin ako sa pinto ng pumasok doon si kalixta kasama nya sila katalina at polaris napairap ako ng kasama nya rin si alicia na umirap lang

tusukin ko mata nya eh bakit kase kasama pa ang babaeng to?

"Bumaba na tayo sam kakain na raw at may pupuntahan pa tayo." Polaris said.

Tumango lang ako bago sumama sa kanila, papunta kung saan naroon ang mga prinsipe. Nandoon rin si manang lucia sya yung matandang naghatid sa amin sa mga kwarto sa taas.

"Manang lilith where's zerenity?" Nagtatakang tanong ni tyron.

Kumunot naman ang noo ng matanda

"Sinong zerenity iho?"

"Si zerenity po yung kasama namin kanina." Sagot ni kaius mukhang nagtataka rin kung bakit hindi kilala ni manang lilith si zerenity.

"Si señorita ashanta ba ang tinutukoy nyo?" Nagtatakang tanong nito.

Ashanta?

Lalong kumunot ang noo namin sa sinabi ng matanda.

"Zerenity po ang pangalan nya manang." Biglang sabat ni polaris.

Kumunot naman ang noo ng matanda bago nagtatakang tumingin sa amin.

"Ashanta Hycinth Sevipore ang pangalan ni señorita iha, akala ko ba ay kaibigan nya kayo?" Nagtatakang tanong nito sa amin.

Magsasalita pa sana ako ng makita naming papalapit si zerenity.

Katulad nung nakakaraan ay blangko parin ang mukha nya at malamig tumingin dumeretso lang sya paupo.

"Maghanda na kayo may pupuntahan tayo. Doon nyo makikita ang hinahanap nyo." Malamig nitong sabi bago nagsimulang kumain, kumain nalang din kami at hindi na nagtanong.

Nauna syang matapos at aantayin nalang daw kami sa labas.

Paglabas namin ay nakita namin syang nakasandal na wall while smirking.

Napatingin sya sa amin bago kami pinagmasdan ng tingin tumuwid  sya ng tayo, nawala ulit ang emosyon sa mukha nito bago kami niyaya pasakay sa anong tawag don?

"Sumakay na kayo kotse ang tawag jan safe kayo jan don't worry." She said.

Sumakay nalang kami Namamangha ako sa bagay na ito sigurado bang wala itong kahit anong mahika?

Nakatingin lang kami sa paligid ng mapansin naming papasok kami sa kagubatan Saan kami pupunta?

Nasagot ang tanong ko ng hindi nagtagal ay bumungad sa amin ang napakalaking palapag Bumaba kami at sinundan si zerenity.

Humarap si zerenity doon sa may gilid bago nagsalita.

"Hell."

Bumukas naman agad ang gate at inaya kaming pumasok sa isang pinto.

Nanlaki ang mga mata namin ng pumasok kami ay may lumilipad na shuriken papunta sa dereksyon ni zerenity halos lumuwa ang mata ko ng walang kahirap hirap lang nito na nasalo yon bago hinagis pabalik.

Napasinghap ako ng makitang tinamaan sa pisngi ang lalaking bumato ng shuriken kay zerenity.

Tumawa ito bago nakangiwing tumayo.

Tsaka lang namin napansing may limang lalaki pala ang nandoon.

"Queen welcome back." Natatawang sabi pa ng isang lalaki.

Ramdam kong may kakaiba sa kanila.

Tumango lang si zerenity bago tumingin sa amin na nakatayo lang.

Nalipat rin ang tingin sa amin ng mga lalaki bago nanliliit ang mga mata.

Ngumisi ang mga ito. Sumama ang tingin ng mga prinsipe dito hindi nagustuhan ang pagngisi nila.

"Oh anong ginagawa ng mga prinsipe at prinsesa dito." Natatawang sabi nung lalaki na bumato ng shuriken.

Nanigas at nanlaki ang mga mata namin sa sinabi nito Paano nya nalaman na prinsesa at prinsipe kami?

masyadong malakas ang presensya ng mga ito. Alam kong hindi sila basta basta dahil halata iyon sa kanila.

Masyado silang mahiwaga

Another Life Of Ashanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon