CHAPTER 22:

6.7K 284 5
                                    

PRINCE TYRON'S POV:

"Deal basta lalayas ka sa lugar na to pag natalo kita." Ngumisi pa ang babaeng mukhang ulikba.

AMPANGIT NYA!

Tumango lang si zerenity bago naglakad papunta sa ring na nandoon.

Pipigilan pa sana sya ni zewis ng hawakan ni hectus ang braso nito.

"Let her, our queen is strong she can defeat that girl." He said.

Nag aalala nalang kaming tumingin dito dahil ang alam namin ay hindi marunong makipag laban si zerenity.

Nanood nalang kami kung anong mangyayari, si hectus naman ay komportableng nakasandal sa pader.

Napaayos kami ng tayo ng makitang unang sumugod yung babae hindi naman gumalaw si zerenity nanatili lang itong nakapamulsang nakatayo na parang inaabangan ang pasugod nito.

Nalaglag ang panga ko ng ibaling lang pakanan ni zerenity ang ulo nya para maiwasan ang pinakawalang suntok ng babae ni hindi ito gumalaw manlang sa kinatatayuan at nanatiling nakapamulsa at blango ang mukha.

Nagpakawala ulit ng panibagong suntok yung babae na tatama sana sa mukha ni zerenity ng walang hirap nyang nasalo ang kamao nito bago pilipitin patalikod kaya namilipit ang babae at rinig nila ang sigaw nito.

Binitawan naman sya ni zerenity bago bigyan ng malakas na sipa sa tiyan kaya tumilapon hindi kalayuan ang babae. Halos lumuwa ang mga mata ko sa ginawa nito hindi ako makapaniwalang magagawa nya yon.

Hindi agad nakabangon ang babae dahil sa lakas ng sipa ni zerenity dito.

Nanatiling nakapamulsa ang prinsesa at hindi manlang bumago sa kinatatayuan nito Damn unbelievable!

Tumayo ulit yung babae habang masama ang tingin kay zerenity hawak nito ang nasaktang tiyan.

"DAMN YOU! I WILL KILL YOU!" Sigaw nito habang may dala ng kutsilyo sa magkabilang kamay nito.

Akmang pipigilan na ito ni zewis na hindi natuloy ng makita nila kung papaanong swabe lang na umiwas si zerenity sa papalapit na kutsilyo dito at malakas na sinipa ang kamay nito para mabitawan ang hawak nitong kutsilyo, bago malakas na sinuntok ang mukha ng babae bumagsak itong walang malay dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni zerenity.

Tangina? hindi parin bumabago si zerenity kung saan sya nakatayo.

Nagkibit balikat lang ito habang blangkong nakatingin don sa babaeng nawalan ng malay.

Nakarinig kami ng halakhak na nang gagaling pala kay hectus bago nasundan ng malakas na hiyawan galing sa mga taong nandoon din.

Napatingin ako sa mga kasama ko laglag ang panga nila at halos lumuwa ang mga mata sa nasaksihan. Maliban kay zeus at killian na nanatiling blangko ang mga mukha pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang  paghanga sa mga mata nila.

"QUEEN ANG GALING MO TALAGA."

"DAPAT LANG YAN SA BABAENG YAN."

"SINONG PUSTA NYO."

"WOAHHH."

rinig na rinig ang ingay sa buong lugar dahil sa nangyaring labanan. Nakita naming naglalakad na palapit sa amin si zerenity, Nakapamulsa parin sya habang nakapamulsang lumapit sa amin.

Nakatitig lang kami sa kanya dahil parang hindi manlang sya nahirapan o pinagpawisan kahit konti. Tumaas ang isang kilay nya ng makitang laglag ang panga naming nakatingin sa kanya.

"What?" Malamig nyang tanong sa amin.

Lalong nalaglag ang panga namin sa tinanong nito. Seriously?

"Queen wala kapa ring kupas." Tumatawang sabi ni hectus bago nanatiling tumatawa habang naglalakad pabalik sa opisina nito.

"Lets go." Bago sya naglakad pabalik sa opisina ni hectus. Nauna namang sumunod si zeus at killian habang tulala kaming naglakad.

Paano nangyari yon?

Another Life Of Ashanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon