Title: Desperada
Kailangan ba masaktan bago mahanap ang nararapat?
Kailangan ba makaranas ng pag iyak para masabing karapatdapat?
Minahal kita yung tipong binigay ko na ang lahat.
Tapos ang sasabihin mo hindi sapat?Nasan ang hustisya sa puso mo?
Panandalian lang ba talaga ako?
Hindi mo ba talaga minahal ang isang katulad ko?
Sayo ba pansamatala lang ako?Masakit isipin na hanggang laro lang
Masakit dibdibin dahil para sayo wala lang
Ako ang napaglaruan, ako pa ang tanga?!
Hindi ba pwedeng sa ating dalawa ako ang nagmahal ng sobra?Sobra na nga ata ako
Nasakal ka na ba kaya iniwan mo ako?
Pwede mo naman sakin sabihin
Bakit hindi natin ayusin?Desperada/Desperado na ako sayo
Kasi alam ko na hindi ko kaya ito
Yung iiwan mo ako dahil sa ayaw mo na
Kasi mahal na mahal kita sobraHindi ko alam kung anong meron sayo
Bakit ikaw ang nais ng puso ko
Tanggapin ko na sabi ng isip ko
Pero ang puso ko lumalaban kasi ikaw ang bumubuhay ditoBakit kasi kailangan mo pa akong buoin?
Kung sa huli naman ikaw ang babasag sa akin?
Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo?
Kaya pinaglaruan mo nalang ako?Bakit dumating ka pa?
Bakit pa tayo nagkakilala?
Bakit sa lahat lahat ikaw pa?
Sa huli iniwan mo lang naman ako diba?-----------------------------------------------------------
Second piece...
Title: Desperada
-----------------------------------------------------------
------------
BINABASA MO ANG
Her Unspoken Poems
PoésieThis are the compilations of my poems. Some are form due to stress, pain and sadness. Some are form due to freedom and happiness. Can you lend some time to read this? This is my unspoken words and stories that i bear on my mind. If you're hurting al...