Sammy's POV
Mas marami pa kaming napag kwentuhan ng mama ni Alexander, about sa love story nila ng tatay ni Alex and base sa naintindihan ko eh, parang halos magkatulad lang din nangyari sa aming dalawa.
Like base sa kwento niya is yung mama daw ni Alex ay campus sweetheart and syempre di mawawalan ng mga manliligaw at mga may crush sa kaniya.
Pero sa totoo lang din, sobrang ganda talaga ng nanay nitong si Alex at yung kagandahan niya kalevel din ng kagwapuhan nung tatay niya, kung hindi lang ako isang diyosang nagbalat tao baka nainggit na ako char.
Balik na nga sa love story nila, so ayun ang nangyari daw is nung sagutin ng nanay ni Alex yung tatay niya is dineretso na agad siya sa simbahan, grabe daw yung pressure noon kasi hindi niya kayang ma disappoint yung tatay ni Alex kaya pumayag na rin siya. At first andon daw lagi yung thought na kung tama ba ang ginawa niya or kung nakakasakal ba daw ang mga nangyayari as of that moment pero after a year of being married, she realized that she might be the luckiest person.
Grabe daw mag alaga at mag lambing yung tatay ni Alex, yung tipong hahanap hanapin mo at ikaw na yung may gustong mag kulong sa kaniya kasi gusto mo ikaw lang ang makikita niya, aalagaan niya at bibigyan niya ng atensyon.
Sabi pa niya na it's not time and material things that made their love lasts forever, it was their love for each other, they never had the chance to grow sick or tired of each other because they maintained and even made their love much stronger from the very start.
Wala na akong nasabi pa matapos kong marinig ang mga iyon.
Hindi maalis sa isip ko na posibleng one day maging ganoon na ako kay Alex, one day magigising nalang ako na hindi ko na gustong mawalay pa kay Alex.
And that shit is fucking scary, natatakot ako na magkaganoon ako kasi once na mahulog na ako ay hindi na ako ang may kontrol sa kaligayahan ko.
Hindi ko alam kung hanggang kailan magiging ganito ka sweet o ka maalaga si Alex pero i know for sure na once na i let go niya ako, wala na akong ibang choice kundi masaktan at magpatuloy nalang ulit sa dating buhay na nakasanayan.
Hindi maiwasang pumatak ng mga luha ko dahil alam ko na natalo na ako.
Alam ko na kahit makalabas pa ako dito ay di na ako makakawala pa sa mga alaala ng naging pagtrato sa akin ni Alex.
Hindi sa ayaw ko noong una, ayaw ko lang na may maranasang pansamantala lang, ayokong makaranas ng panandaliang saya at pangmatagalang lungkot.
Pasimple kong pinunasan yung kaunting mga luha ko nang makarating kami sa loob ng masyon.
Hinatid narin namin sila tita palabas dahil halos gabi na rin at may mga gagawin pa sila bukas na related sa business.
At kasalukuyan akong nasa pagitan ng mga binti nitong si Alex dito sa kama habang ang mga kamay niya ay naka pulupot sa bewang ko at nakapatong ang baba niya sa balikat ko.
Bakit ako?, wala sa sariling naitanong ko kay Alex.
I mean wala bang iba diyan na willing magpa kulong dito sa mansyon mo?, sarkastiko ko pang tanong.
There are some, who wants me to be married to their daughters, but i don't really do things that I don't like. Ani niya
Paano naman ako?, Hindi mo ba naiisip kung ano mararamdaman ko once na nilayo mo ako sa normal kong way ng pamumuhay?, mahinhin kong tanong sa kaniya.
It really pains me, locking you here and seeing you trying to get away from my grasp each and every time, but I know in myself that once I've let you go. It will be hell for me. tanging tugon niya.
Wala na....
Tuluyan na akong bumigay......
Iyan nalang ang tangi kong naisip, dahil kahit ako hindi ko na rin alam kung kakayanin ko pa ulit na bumalik sa dating paraan ko ng pamumuhay.
Hanggat maari kung pwede lang naman sana ay ganito nalang kami.
Kahit hindi naman naging maganda ang simula namin, hindi ko rin gusto na maging pangit pa yung ending namin.
Hinarap ko na siya at sa di malamang dahilan bigla ko nalang itong niyakap.
Naramdaman ko naman ang kaunting paghagikhik niya dahil narin siguro sa mga biglaang pangyayari.
Is that your final decision, do you really wanna stay with someone like me forever from now on?. tanging sinabi niya habang nakayakap parin ako sa kaniya.
Mmmhhh. tangi kong sagot at mas pinag igihan pa ang pagyakap sa kaniya.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya sa mga oras nato dahil na rin sa paraan ng pagkaka kulong sa akin ni Alexander sa mga bisig niya at yung amoy niya na langhap na langhap ko.
Gustong gusto ko yung yakap niya ba na parang ang pahiwatig ay kaniya na ako, at sa kaniya lamang dahil nararamdaman ko na may tao nang magsisilbing tahanan ko.
Na kahit saan pa ako mag punta ay may uuwian na ako at masasabi kong lugar ko.
Hindi ko na napigilan pang maiyak sa mga bisig ni Alex at ramdam na ramdam ko naman ang maingat niyang mga paghagod sa likod ko.
Ma, nahanap ng anak niyo yung taong magmamahal sa kaniya gaya ng pagmamahal niyo. Iyan nalang ang tangi kong naisip.
Wala na akong pake kung ang dahilan man ng mga naging desisyon ko ay yung tinatawag nilang Stockholm syndrome o kung yung mga naging kwento ba ni tita.
Basta ang alam ko lang at ang gusto ko lang itatak sa sarili kong utak ay kung gaano ko na ka mahal itong damuhong ito.
I love you, Alex.
I love you more wife.
_____________________________
Naka 1k views na tayo salamat sa inyong lahat <3
BINABASA MO ANG
Idée Fixe: His Possession (bxb)
RomancePrinsesa kita pero sa oras na malaman kong tumakas ka sisiguraduhin kong ako ang pinakahuling mukang masisilayan mo sa mundong ito........ -Alexander ____________________________ Start: June 03 2021 ...