Chapter 18

1.5K 43 3
                                    

Chapter 18








"Gusto pa sana naming samahan ka sa hospital Christine, at makita si Justine. Pero kailangan na naming umalis ni Tita,"

"Ayos lang Jenny, may bukas pa naman. Tatawag nalang ako sa'yo kung kailan kami lilipat sa bahay ni Justine." saad ko. Lumamlam ang kanyang mata at yumakap sa'kin.

"I'm glad your back, beshie! Namimiss kita alam mo ba 'yon?" naiiyak na naman niyang sabi. Napatawa ako at niyakap rin siya ng mahigpit.

"Kung sana nakaalala na ako, baka mamimiss din kita." biro ko. Sumimangot naman ang kanyang mukha. Pero totoo naman, kung sana naalala ko siya, baka nasabayan ko pa ang drama niya.

"Ang harsh mo na sa'kin," simangot niya parin. Pero kalaunan ay ngumiti.

"Bukas ulit ha? Bonding naman tayo as beshie!"

Tumango ako. "Sige, text mo nalang ako kung anong oras."

Nang makaalis na si Jenny, nagpamawala ako ng malakas na buntong hininga bago naglakad pabalik sa room ni Justine. Bago pa ako makapasom sa loob, nagvibrate ang phone ko. It was Dustin, nagtext siya.

From: Mr. Sungit

Bukas na ako babalik d'yan sa hospital. I'll fetch you and Justine together with his mom.

Napatawa ako nang makita ang pangalan niya. Hindi ko pa rin pala napalitan ang pangalan niya sa phone ko. Nagtype rin ako ng message para sa kanya.

To: Mr. Sungit

Aright, We'll wait for you, then.

Matapos kong ma-sent, pumasok na ako sa loob. Mag-isa nalang si Justine sa loob. Wala na si Tiarra. Simula no'ng umuwi siya dito sa pinas, ang daming pagbabagong nakita ko sa kanya. Noon, Hindi siya nagsinungaling sa'kin. Pero ngayon, bigla nalang siyang nagsinungaling at umalis ng walang paalam.

Umupo ako sa tabi ni Justine, may nakaipit na papel sa may tabi ni Justine. Kinuha ko iyon at kunot-noong sinimulang basahin.

Dear Ate,

Ate, I'm sorry if I'm leaving. Pero I need time for myself. I really don't want to leave, but this is the way that I know to protect you. Mahal na mahal ko kayo ni Justine, sana sa pagbalik ko, handa ka ng sabihin ang lahat kay Justine. I want you to be happy. Nababasa ko at nakikita kong malungkot ka. I think, this time you need to feel the love from your son. I love you, but for now, goodbye.

Tiarra Freynn

Itinupi ko iyon. Puno ng sana ang isip ko. Sana nga handa na akong sabihin kay Justine. Sana may lakas ako ng loob at sana babalik na ulit sa dati.


KINABUKASAN ngayon na ang uwi ni Justine. Hinanda ko na ang mga gamit niya. Malakas na rin ang kanyang katawan, hindi kagaya kahapon na sobrang tamlay. May ipinadalang soup si mama sa driver na para kay Justine.

"Tita, I love this!" ani Justine habang sunod-sunod ang pagsubo. "I want to eat more!" dagdag pa niya't punong-puno parin ang bibig.

"I know you love to eat that, but don't talk when your mouth is full. Baka mabulunan ka," saway ko sa kanya. Tumango naman siya at nagseryoso na sa pagkain.

Matapos kumain at siya namang pagdating ni Dustin, may dala suyang isang bouquet of roses. Takang tiningnan ko siya.

"Good morning!" nakangiti niyang bati.

"G-good morning. Pasok ka," hindi mawala-wala ang tingin ko sa flower.

"Okay, where's Justine?" tanong niya na agad namang lumabas sa may likuran ko si Justine na may malawak na ngiti.

Impregnated By My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon