RG2; Choices?

122 7 1
                                    

Janna's POV

After day na maraming pumuntang media sa bahay namin ay agad kami nag usap ni Mama. Nakakaloko talaga 'tong pinsan kong bakla. Pati si Mama dinamay, at partida. Mas gusto pa nya akong sumang ayon sa date date na yan kesa sa pag aaral ko. Isang taon lang naman daw, isang taon? Sayang yon! Mabuti sana kung isang araw lang payag ako. Ang matindi pa? Hindi isa! Marami sila! At isa isa mo silang makakadate! Jusko, ano ba 'tong haharapin ko. *pout*


"Goodmorning, anak. Oh bat nakabusangot ka dyan?" Bati sa akin ni Mama nung pagkalabas ko ng kwarto.


"Papayag talaga kayo, Ma? Hindi ba dapat pag aaral ko ang tinutuunan ko ng pansin, hindi yung ganun Ma?" Sabay upo sa upuan at humarap sa mesa. Agad naman lumapit si Mama at hinawakan ang balikat ko, kaya naman ako ay napatingin sa kanya.


"Alam mo, Anak. Masyado mo ng pinagtutuunan ng pansin ang pag aaral mo. Hindi ko naman sinasabe na wag mo masyadong pagtuunan, pero kasi sa nakikita ko wala kang laya sa sarili mo. Hindi mo nagagawa ang gusto mo, halos lahat sa pagbabasa ng libro at pag aaral. May tiwala naman ako sayo, anak. Matalino ka at masipag, pero this time. Bibigyan kita ng kalayaan para magawa mo naman ang gusto mo." Paliwanag sa akin ni Mama at tsaka ngumiti. Hindi ba parang mali? Kasi dapat.. ay! Bahala na nga.

"Uhm, okay po. Mama, sasamahan nyo po ba ako mamaya sa Royal Road?" Tanong ko kay Mama.

Sa Royal Road kasi pupunta yung mga nanalo ng Royal Ticket. Ibig sabihin, hindi lang ako ang nanalo. At tatlo kami, tatlo kaming babae. At doon kami mamimili, kung sino ang gusto namin makadate. Wala naman akong kilala sa mga nabanggit doon sa sulat na natanggap ko. Hays, bakit pa kasi ako napasabak sa ganitong sitwasyon? Gusto ko sanang umayaw pero mukhang gusto ni Mama na sumang ayon ako doon. Ayoko naman malungkot si Mama, masaya sya para sa akin.


"Hindi na, anak. Ikaw dapat ang mismong pupunta dun. Ikaw lang, anak. Kaya mo yan, basta ang piliin mo ay yung karapat dapat sa paningin mo." Huh? Anong sinasabeng karapat dapat sa paningin ko? Mukhang naguluhan ako sa sinabe ni Mama. Halos di ko nga kilala lahat ng nakasulat na male group doon.

"Tsaka anak, malay mo isa sa kanila mapangasawa mo."


"Ma! Ano ba yan sinasabe mo? Bata pa ako, Ma." Aish! Ano ba tong sinasabe ni Mama? Wala nga akong balak magboyfriend e. Wala! As in wala! No boyfriend since birth ako noh!

"Biro lang, anak. Hehe, malay naten diba?"


"Mama naman eh."

"Osige na, mag asikaso ka na ng sarili mo at papasok ka pa." Agad akong kumilos sa sinabe ni Mama. Oo nga pala! May test ako ngayon, hindi pala ako pwede malate! Nakooo..

Nagpaalam sa akin si Mama na aalis muna siya saglit at may aasikasuhin lang kaya naman tumango nalang ako at kumain. Pagkatapos ko kumaen ay naligo na ako at nag ayos na ng sarili.

*After 30 minutes*

Pagpasok ko ng gate, agad nagtinginan lahat ng estudyante sa akin. Para bang may mali sa akin, tinignan ko naman yung sarili ko. Wala namang madumi sa akin, complete uniform at wala naman akong dumi sa mukha. Dahan dahan lang ako naglakad habang nakatingin sa kanila. Nagbubulungan sila habang dumadaan ako. Errr! Ano bang...

Hindi kaya...

No!


Hindi pwede! Baka nakita na nila yung pictures ko kahapon! No! Hindi talaga pwede! Kaya ayoko ng media eh, wala pang segundo kalat agad! Nakakahiya! *sabay yuko habang naglalakad*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Dating The Royal GroupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon