"Estores, 18/50"
I heard gasp from my classmates as our teacher announced that our section's top 1, Regine Estores failed our exam on Science. Sya ang representative ng aming school sa Science quiz bee every year kaya talagang nagulat ang mga kaklase ko. I look at Regine and saw that she's holding back her tears. Her eyes are pluffy, ang laki ng eyebags at ang putla. Wanna know what happened? Because her boyfriend for about a month cheated on her. Pag-ibig nga naman.
Kaya ako, hindi ako naniniwala na magtatagal ang mga taong nagkakaroon ng karelasyon sa ganitong edad. Grade 8 palang kami, ang dami pa naming kailangang malaman at unahin sa mundo. Hindi naman sila mauuubusan ng lalaki dahil ang dami-dami naman diyan. Kung para sayo talaga, hindi mo kailangang magmadali. Ang pag-ibig dumadating at iniintindi sa tamang panahon.
Tumayo na ako at hinintay ang aking kaibigan upang sabay kaming lumabas at pumunta ng canteen. Nakita ko pa ang iilan sa mga kaklase ko na inaalo ang umiiyak na si Regine.
"Arya, tara na! nagugutom na'ko." sabi ng bestfriend ko na si Olivia pagkalapit nya sa akin.
Olivia Faye Collymore has been my friend since we were in grade 2. Section 4 ako nung grade 1 ako kaya hindi ko pa sya kaklase noon. Nang tumungtong kami ng Grade 2 ay nalipat ako sa section 1 kaya kami naging magkaklase at magkaibigan. My bestfriend is really pretty. She wants to be a model and I know she can pursue that dream because she's really tall and beautiful. Maraming may gusto dito sa bestfriend ko noh! Beauty and brain hindi papakabog!
"Nakaka awa si Regine, noh? Nag loko na nga ang boyfriend nya bumagsak pa siya sa exam." Olivia said habang naglalakad kami papunta sa canteen. Maraming estudyante ang nagkalat dahil sabay sabay ng break ang lahat ng grade levels sa aming school.
I scoffed. "Sana kasi nag focus nalang muna sya sa pag aaral bago inintindi 'yang pag jojowa. Halata namang hindi seryoso sa kanya 'yong bf nya, ayan tuloy ang nangyari."
"Napaka harsh mo naman! Eh sa nainlove sila sa isa't isa eh. Bigyan mo na ng chance 'yong mga manliligaw mo na si Eduardo para mabawasan ang pait mo sa katawan!" She said and laughed.
"Inlove pero nag cheat? Hindi ako maiinggit ano! Ang babata pa natin para sa mga ganiyan. Problema ko na nga 'tong pag aaral, idadagdag ko pa ba yan?" I answered
Nang makarating na kami sa canteen ay agad kaming bumili ng makakain, naghanap ng bakanteng pwesto at umupo na. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain at nag review ng kaunti. Hindi ko naman pinipressure ang sarili ko sa pag-aaral pero hindi rin ako pabaya kung baga, chill lang. Kahit hindi na top 1 ay nakakasama parin naman ako sa honors dahil kumpleto naman ako palagi sa lahat ng requirements. Sa exams at quizes may perfect, minsan pasado at hindi maiiwasan na mahirapan ka talaga sa mga subjects kaya mayroon akong bagsak paminsan.
Noong natapos na kami ay bumalik na kami ng classroom dahil may 1 exam pa kami na ite-take ngayong araw.
--
"Okay class, get one and pass" our teacher said.
'It takes Mary 3 hours more to do a job than it takes Jane. If they work together, they can finish the same job in 2 hours. How long would it take Mary to finish the job alone?'
Ano daw!? Ba't may problem solving dito? Puro numero lang ang nakikita ko sa blackboard ni Sir noon, tapos ngayon may pa ganito? Kapag nasagot ko ba 'to ibig sabihin sobrang galing ko na? Na kahit 15B na ninakaw ng Philhealth ay mahahanap ko rin kung nasaan?
Umiling nalang ako at sinagutan ang mga tanong at mga dapat isolve. Kontento naman ako sa naging score ko.
40/50
Pumasa naman, yun ang mahalaga. Ang hirap kaya ng Math 'no!
Pagtapos ng klase ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas na kami ni Olivia papunta sa gate ng school. Sya ay mag lalakad lang dahil malapit lang sa kanila ang school namin. Habang ako naman ay sasakay pa ng trycicle dahil 3 baranggay din ang pagitan ng school sa bahay namin.
"Hayden! Sino 'yong babaeng inaakbayan mo kanina? I'm your girlfriend, right? Are you cheating on me ba?"
Nakinig lang ako upang makasagap ng chismis. Baka mag trending 'to kapag ipinost ko. Tapos sisikat ako at kukunin ako ng ABS-CBN at gaganap bilang Maxpein sa He's Into Her. Charot lang Belle.
Lumingon ako sa kanila at nakita ang isang babae na umiiyak at nagmamaka awa sa lalaki.
Ang lalaki naman ay walang emosyon ang mukha at nakatingin lamang sa kanya. He's handsome of course. Hindi naman magkakandarapa ang babae sa harap nya ngayon kung hindi.
"You're not my girlfriend" the Hayden guy said blankly.
"But we're always together, right? You were so sweet pa nga eh and we even kissed!"
"I told you I don't do relationships. Akala ko ba you agreed na hanggang fling lang? Tapos ilang araw palang tayong magkasama, nahulog ka na agad?" the guy chuckled.
''Hayden, I love you so much! Please! Okay lang kahit may kaakbay ka na ibang babae kanina, I'll forgive you and we'll forget about that! Basta ba, you'll be my boyfriend!" the girl desperately said.
"Kahit wag mo na kalimutan at kahit wag mo na akong patawarin kasi hindi naman ako papayag na maging boyfriend mo" he said sarcastically.
Tumalikod na sya at nataranta ako ng mapag alaman na sa gawi ko pala sya pupunta. Hindi na ako nakapagtago dahil nakita kong nakatingin na siya sa akin. He looked shocked but he just shrugged it off and eventually smirked at me. This guy! Akala mo hindi nagpaiyak ng babae few seconds ago at kung maka ngiti ay wagas! Bago pa sya lumagpas sa akin ay may ginawa sya na nakapag pasinghap sa akin. He fucking winked at me! Ang kapal ng mukha! Akala ba niya ay isa rin ako sa mga babae na puwede niya nalang makuha ng basta basta? Hell no!
Iyon ang nasa isip ko habang nakasakay sa trycicle. I think they're both 1 year ahead of me. Mga grade 9 na sila, ang bata pa nila para sa relasyon na 'yan. Ganiyan tuloy ang nangyari! Hindi sya sineryoso ng lalaking gusto niya. Bakit ba nya tatanggapin 'yong lalaki ulit kahit na alam na nyang may kasamang iba at hindi sya nito mahal? Naalala ko rin ang nangyaring pag iyak ng kaklase ko kanina. Bakit? They'll really step that low para bumalik lang ang lalaking gusto nila? Kahit mag mukha ka ng tanga at maapakan na ang pagkatao mo ay okay lang?
Ganoon ba ang ibig sabihin ng pag-ibig? Kung ganoon pala ay mas gugustuhin ko nalang mag-isa habang buhay at huwag ng magmahal pa.