CHAPTER THIRTY-FOUR: CONFESSION IN THE MIDDLE OF THE WAR

49 1 0
                                    

CARINA

Tumakbo kami pakaliwa kasama ko si Zues, Vanky at Kyo. "Dito tayo!" Sigaw ko at sumunod naman sila sakin. Pumasok kami sa pinto papuntang balcony ng barko.

Habang tumatakbo sa hallway ay nakarinig kami ng sigaw. "You can't escape here, Carina!" Sigaw ni No. 7.

Hinawakan bigla ni Zues ang kamay ko habang tumatakbo. Nilingon ko siya and he gave me a shy smile. "I know that this is not the right time to say this but, I love you Carina." Saad nito kaya bigla akong napatigil. Tumigil rin ito kasama ko. "I'm sorry for hurting your feelings. I'm sorry for pushing you away." Dagdag nito habang humihingal. "I love you beyond every dangerous war. I love you, Carina." Dagdag nito at hinalikan ako.

My heart beat so fast. I can't control it. The beatings are abnormal. I responded to the kiss. "I love you too, Arkin."

I am Ayla Carina Stanford, the killer who was inlove with her own target named Zues Arkin Gonzales.

Damn! The feeling was unexplainable.


ZUES

Pinutol ko ang halik at tumingin sa mga mata niya. She also did the same. We both smiled. Shit! So, this is love? "Hoy! Mga punyeta kayo! Nasa gera tayo tapos maghahalikan pa kayo diyan?! Respeto naman sa mga single! Tumakbo na nga kayo! Baka mamatay tayo dito dahil sa kalandian niyo! Putangina niyo! Gigil si ako!" Biglang sigaw ni Kyo kaya napatawa kami.

I held her hand and ran with her. No matter what happens, I will fight with you. Even if it means risking my life. This time Carina, I am willing to risk. Handa na akong sumugal kasama mo.

Narating na namin ang balcony ng barko at maraming tauhan ni Zairhy ang nadatnan namin doon. Nagtago kami sa madilim na sulok. "Vanky kaya mo pa ba?" Tanong ko rito at tumango naman ito.

"I'm fine. Kaya ko pa." Sagot nito.

Binalingan ko si Carina. Seryoso ang mukha nito. "Nasa baba ng mga railings na iyan ang daan para makalabas." Saad nito habang itinuturo ang kinaroroonan ng maraming tauhan ni Zairhy.

"How can we go there? Masyado silang madami. Hindi natin kakayanin." Tanong ni Kyo.

"I will distract them. Magpapahuli ako." Carina said in a serious tone.

"What?! No way! Don't do that!" Angal ko habang nakakunot ang noo.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Please, trust me in this one. I can handle myself, Arkin." Pangugumbinsi nito sakin.

My face softened. "Pero paano kung mapahamak ka, Carina?" Tanong ko. I am very very worried right now. Ang gagawin ni Carina ay parang suicide and she can't do that. Ayukong mapahamak siya.

"Being in danger was my life at sanay na akong makipaglaro kay kamatayan." Sagot nito.

I hugged her. "Ayokong hayaan kang makipaglaro kay kamatayan, Carina. I'm with you now. Asahan mong marami ang magbabago sa buhay mo dahil sa'kin." I whispered into her ears.

"I can handle myself, Arkin. Don't worry. I am bullet proof." Natatawa nitong tugon at kumalas sa yakap.

I stared at her. "Still, my answer was a no. We can do this together. Sasamahan kita, Carina." I sincerely said.

He held my face. "I know that, Arkin. Pero kailangan kong gawin 'to para makatakas tayo. Kaya ko 'to. Sanay ako sa ganito." Sabi nito habang binibigyan ako ng ngiti.

Bumuntong-hininga ako. "Is that really your decision? Wala na ba akong magagawa? Hindi na ba ako makakaangal?" Tanong ko.

"Yup, hindi kana makakaangal." Sagot nito kaya napabuntong-hininga ako ulit.

I held her face. "Please stay alive for me, Carina. I can't bare to lose you. Mababaliw siguro ako kong mawawala ka " Seryoso kong ani.

She just smiled. "Promise." She said while raising her right hand.

"Tsk! Ang corny niyo! Ano? 'Di pa tayo kikilos? Maghihintay paba tayo na mahuli tayo dito?" Napapairap na sabat ni Kyos. Tsk! Paepal talaga 'tong hapon na 'to!

"Pwede bang ipagpaliban niyo muna yang confession-confession niyo? Hello! Nasa bingit po ng kamatayan ang buhay natin. Malapit na po akong maubusan ng dugo. Segi maglandian lang kayo diyan." Saad rin ni Vanky habang hawak ang tuhod niyang sugatan.

Sinamaan ko ang mga ito ng tingin. "Bitter." Bulong ko at bumaling kay Carina na natatawa.

Maya-maya'y sumeryoso ito. Sinabi nito ang plano at sumang-ayon naman kami. Well, napilitan lang talaga ako.

Pursuing My Gay Secretary (EDITING)Where stories live. Discover now