CANE
Nakarating kami sa balcony ng barko at nakita ko si Zues na tumalon sa tubig kaya agad kaming pumunta sa pwesto niya kanina at dumungaw. Bakit siya tumalon? Shit! Malulunod siya sa ginagawa niya. Malalaki ang mga alon at malakas ang ulan!
"Carina! Nasaan ka?! Huwag namang ganito! Huwag mo akong iwan! Mahal na mahal kita! Please, don't leave me!" Sigaw nito. What? Carina?
"Von, tulungan mo siyang makaahon bilis!" Utos ko kay Von at dali-dali naman itong sumunod. Agad na tumalon si Von sa tubig upang tulungan si Zues na makaahon. Ngunit hirap rin si Von sa pagpunta kay Zues dahil sa lakas ng ulan ang alon.
"Where do you think you're going, Cane?"
Nanigas ako ng marinig ang boses na yun. Fuck! Si Zairhy!
Nilingon ko ito at hindi nga ako nagkamali. Agad kong naramdaman ang panginginig ni Yñigo kaya hinawakan ko ang kamay niya. "There's no need to be afraid of." Bulong ko rito at tumango naman ito.
Naglakad papalapit sa pwesto namin si Zairhy habang hawak ang baril niya sa kanang kamay. "Kuya, please pakawalan mo na kami." Mahinahon kong pagmamakaawa dito. Yes, I never did such thing like this before. Never akong nagmakaawa pero iba ang usapang ito. Handa akong magmakaawa ngayon sa kanya dahil alam kong may kasalanan ako. Alam kong mapapakiusapan ko pa ang kuya ko. And I will do everything just to make him be a good man. I believe that I can change his mind. "Please, we can still fix this. We can still be a family. Kuya, kapatid kita at mahal kita. Please don't ruin your life. Please stop killing innocent people." Pagmamakaawa ko ulit.
He just stare at me coldly. "My life was a mess, it is ruined already and it cannot be fix by someone, neither you. Alam mo ba ang sakit ng mawalan ng ina, ha? Iniwan na nga ako ng ama ko, pati ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin ay iniwan rin ako! There's nothing left for me, Cane. Habang ikaw, meron sayo lahat. Money, love and family. Now tell me, what should I feel?"
Singhal nito sa'kin. Tumutulo na ang tubig ulan sa basang buhok nito. Lahat kami ay basang-basa na.Natawa ito ng pagak. "Ayy oo nga pala, we don't feel the same. Hindi mo naranasan ang mga naranasan ko! You did not suffer!" Dagdag nito habang tumutulo ang mga luha niya sa pisngi. Kitang-kita ko yun kahit malakas ang ulan.
Napailing ako sa mga sinabi nito. "Kuya, hindi totoo yan. Kuya, nandito ako. Mahal kita. Mahal ka ni papa. Mahal ka namin. We are still here loving you. Handa kaming punan ang pagmamahal na kailangan mo." Sabi ko habang lumalapit dito. My tears also fell down to my cheeks.
"Ngunit hindi ninyo mapupunan ang nawalang ina ko." He wiped his tears and pointed the gun at me. His emotion changed into cold and emotionless. "Huwag na huwag kang lalapit sa akin. All your sayings was untrue. You steal all I have! Kung hindi ka nabuhay ay masaya sana kami ngayon ng pamilya ko! Wala sanang ganito! Wala sanang isang katulad ko na nawalan at ngayon ay naghihiganti! This all your fault, Cane. You need to die!" Sigaw nito at pinaputok ang baril niya.
Nabigla ako sa nangyari. Ang inaasahan ko ay makakaramdam ako ng sakit ngunit mainit na yakap ang naramdaman ko. "I love you, Cane. You are my everything. Without you, my life would be worthless. Tandaan mo yan, hm?" bulong ni Yñigo sa tenga ko. Bumigat siya bigla at alam ko kung ano ang ibig sabihin nito.
Tumulo ang mga luha ko at napaupo sa sahig ng barko. Ipinahiga ko si Yñigo sa mga binti ko at niyugyug ito. "Yñigo, gising!" Ikiniling ko ang mukha niya ngunit nanatili pa rin siyang nakapikit. "Yñigo, gising please. Hindi pa tayo nakakapagsimula, iiwan mo na ako? Paano nalang ako? Sa tingin mo ba, kaya kung wala ka? Hindi, hindi Yñigo! Kaya gumising ka at bumangon. Don't leave, please! I'm begging you! Don't leave me alone. I don't know what to do without you in my life." Umiiyak na pagmamakaawa ko rito. Sa gitna ng malakas na agos ng ulan siya namang lakas ng pag-agos ng luha ko. "Ako dapat yun eh! Sa akin dapat yung balang yun! Bakit mo sinalo? Bakit?! Please, don't do this. Don't leave me..." Umiiyak kong pakiusap sa kanya habang niyuyugyug siya. Ang akala koy ibubuka niya ang kanyang mga mata at sasabihin sa aking magiging maayos ang lahat ngunit hindi iyon ang nangyari.
I lost him. I lost my beloved gay secretary...
How would I conquer the world without you, Yñigo?
YOU ARE READING
Pursuing My Gay Secretary (EDITING)
RomanceA cold and emotionless girl CEO and a soft gay secretary. Will they can resist to be together and fall inlove to each other? Mahuhulog ba sila sa isa't-isa? Well let's all read their unique story.