Kabanata 41

65 3 0
                                    


Destroy

Malakas ata ang tama nung alak na nainom ko kanina dahil pakiramdam ko ay lumulutang ako habang ako'y naglalakad. Maingay na rin dahil sa malakas na hampas ng musika sa mga stereo sa buong paligid. May mga nabubunggo pa akong ilang tao makahanap lang ng tubig. Nang matanawan ko ang counter ay nag-order ako ng isang basong tubig.

"Sa lahat ng umuupo dito sa counter ikaw lang ang um-order ng tubig," isang boses ang narinig ko sa likod. Lumingon ako rito at nakita ang isang hindi pamilyar na lalaki sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin at inubos na lang ang tubig na in-order ko.

"You really look hot, Miss." He said again. Medyo naiirita na ako sa kanya pero hindi pa rin ako nagsalita. Naramdaman ko ang paglapit niya ng upuan niya sa akin para makaupo ng mas malapit sa akin.

"You don't wanna talk? Then, do you mind if I like to dance with you?" huminga ako ng malalim nang marinig na naman siyang magsalita. Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari. Isa pa hindi rin maayos ang utak ko ngayon. Bukod sa may parte sa puso ko ang nagagalit at naiinis pakiramdam ko ay hindi ako nararapat sa lugar na ito.

Naalala ko na naman ang sinabi ni Jeminah. Baka nga tama siya. Edward was maybe have a girl in the restroom earlier. Sa tagal ng panahon hinding hindi ko malilimutan ang parteng 'yon sa kanya. Bago pa ako dumating sa buhay niya alam ko na ang reputasyon niya sa mga babae. Kaya nga hindi agad ako naniwala na ako ang gusto niya. Isang babaeng mas bata sa kanya.

Nanunuot sa akin ang pait at sama ng loob. Hindi na siya yung lalaking nakilala ko noon. He's different now. Katulad ngayon. Hindi na dapat ako nag-eexpect pero I was expecting him to follow me earlier when I leave the group, but I was wrong. Ano ba naman Jezebel? Bakit ka niya hahabulin? Don't you remember? You left him. You ruined him. Ako ang may kasalanan kaya hindi dapat ako nagagalit ng ganito. Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito dahil sa aming dalawa siguradong siya ang pinaka nasaktan.

Tumayo ako at naramdaman kong tumayo rin ang lalaki sa tabi ko. Akala niya yata ay pumapayag na ako sa kanyang alok na magsayaw. Bumuntong hininga ako at bago ko pa siya masabihan na umalis ay isang mainit na kamay ang sumakop sa aking braso at hinila ako palayo sa lalaki.

"Edward..." nanlalaki ang mata ko habang nakatitig kay Edward na ngayon ay may madidilim na mga mata. Kitang kita ko ang pagpupuyos niya sa hindi ko maintindihang bagay.

"Let's go," mariin niyang sinabi at hihilahin na sana ako palayo roon nang pigilan siya ng lalaki na lumapit sa akin kanina. Halos mawala na nga siya sa isip ko ngayon dahil sa pagkakamangha na nandito sa harapan ko ngayon si Edward.

"Sino ka ba? He's my partner for tonight, man!" sabi nung lalaki. Kumunot ang noo ko. Partner? Pumayag ba ako sa alok niya? Ang galing din namang manggawa ng kwento ng lalaking 'to!

"Partner your ass!" mas nagulat ako sa sagot ni Edward at hinila na nga ako palayo roon. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Sa sobrang diin noon ay halos maramdaman ko ang lahat ng frustration niya. Hindi ko man naiintindihan ang mga nangyayari ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha na nandito nga siya sa harapan ko. He's mad right now...pero kaya kong tanggapin kahit ang galit niya makita lang siya.

Napansin kong palabas kami ng bar kaya pahina ng pahina ang musika na naririnig namin. Lumunok ako ng mariin nang tumigil kami sa pamilyar niyang sasakyan. Napakurap-kurap ako nang bitawan niya ang pagkakahawak sa akin. Napatingin ako sa kanya at nabigo ako dahil may galit pa rin ang kanyang mga mata.

"Sigurado ka bang first time mo lang sa bar? You seem like a pro talking to a guy like that!" he thundered that made me almost jumped. Napatitig ako sa kanya, hindi makapaniwala na sa wakas ay nakikita ko na ng harapan ang galit niya sa akin. Sa totoo lang ay matagal ko na siyang gustong makausap. Gusto ko siyang lapitan pero...palagi akong napapangunahan ng takot.

"I-It...was my first time..." yun lang ang nasabi ko dahil nanginginig ang boses ko. Napalunok ako ng mariin lalo na nang humipan ang malamig na panggabing hangin. Narinig ko ang pagsinghal niya at paghuhubad ng kanyang coat at mabilis na paglagay nu'n sa akin sa balikat.

"S-Salamat..." nanginig na naman ang boses ko. Shit! Get yourself together, Jezebel! Damn it!

"Hindi ka na sana sumama kung ayaw mo naman," malamig niyang sinabi. May kung anong tumarak sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. Dahil ba ayaw niya...akong makita?

"You shouldn't do the things that's against your will—"

"Are you still mad at me?" putol ko sa kanyang sinasabi. Nag-iwas ako ng tingin. Imbes na sa kanyang mga mata ay tumingin ako sa lupa na kinakatayuan ko. Patuloy sa pagpintig ng malakas ang puso ko. Binalutan ng katahimikan ang buong paligid. Kaya naman mas pinili kong magsalita muli.

"W-When we...saw each other again...you pretended you didn't know me. You even told me to leave—"

"I told you to leave the stage not to leave the venue, stupid." He said that made me stop. What? Dahan dahang tumaas ang tingin ko sa kanya kasabay din nun ang sunod-sunod na pintig ng puso ko. Sa sobrang lakas nito ay aakalain kong may tambol na tumutunog sa loob ko.

"But yes...I am still mad at you...so angry, Maria Jezebel." His cold and dark voice sent shivers down my spine. Para akong napako sa aking kinatatayuan. Unti-unti siyang lumapit sa akin pero hindi ako makagalaw dahil sa pinaghalong kaba at kung ano-ano pa sa aking emosyon. Tumungo ako at pumikit ng mariin.

"I-I'm...sorry," nanghihina kong sinabi. I baled my fist in nervousness. Naramdaman kong tumigil siya sa paglapit, kasabay nu'n ang pag-ihip muli ng malakas na hangin.

"Ikaw...ang kauna-unahang babae na tumibag sa lahat ng prinsipyo ko..." marahan niyang sinabi, ngunit may diin sa bawat salita. "...you were the first one to build me and then...destroy me again," tumulo ang mga luha sa aking mga mata nang marinig ko ang mga salita niya. Para yung mga patalim na tumutusok isa-isa sa aking dibdib.

"Kaya hindi pwede...hindi pwedeng isang sorry mo lang ay sisirain mo ulit ang binuo kong sarili noong iniwan mo ako," malamig niyang sinabi bago ko narinig ang kanyang mga yapak na unti-unting lumalayo. Naging sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Parang pinupunit ang puso ko. Sobrang sakit. Pero mas masakit na malaman na totoo...na totoong sobra siyang nasaktan ng dahil lang sa isang babaeng katulad ko.

With the tears falling from my eyes, I started the engine and drove away promising to myself that I will never...ever bring the same pain again with him.

Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon