CHAPTER 26:

6.3K 250 3
                                    

ZERENITY/ASHANTA'S POV:

Pabalik na ako sa room dala ang mga sangkap na kailangan para sa potion. Pag pasok ko ay si zeus at killian palang ang nandoon napatingin silang dalawa sa akin ng makapasok ako.

Hindi ko sila pinansin at dumiretso lang ulit sa likod hindi naman nagtagal ay sunod sunod na silang lumasok.

Tumayo ulit si felly may dala na syang sangkap na katulad ng dala namin Tinuro nya muna kung paano yon sunod sunod na ilagay sa potion glass para tama ang kalabasan.

Bago nya ipagaya sa amin.

Komportable lang akong nakaupo bago ginaya ang ginawa nya, the truth is alam kona kung paano gumawa non actually lahat ng klase ng potion at poison Pero hindi ko pinahata baka magtaka pa sila kung paano ko nalamang gumawa ng ganon.

Kanina pa ako tapos ilalagay ko nalang ang huling sangkap pero pinauna ko muna si zeus at killian matapos tska kolang inilagay ang huling sangkap ng matapos ang dalawa.

Pumalakpak naman ang guro sa harapan tsaka malawak na ngumiti ng makitang tama ang ginawa namin.

"Good job royalties tulad ng inaasahan sa inyo magagawa nyo ng ayos ang potion." Malawak ang ngiti nito bago tinatry ang potion na ginawa namin sa mga sugatang hayop na pinalabas nya gamit ang mahika.

Dumuklo lang ulit ako sa desk bago napagdesisyonan na matulog muna.

--

Nagising ako sa paglukob ng sakit sa buong dibdib ko napasandal ako sa kinauupuan bago mariing pumikit napahawak ako dito bago napasigaw sa sakit ng lumukob muli this time mas masakit na talaga.

"AHHHH."

Napatingin sa gawi ko ang royalties at ang bagong guro na nandoon ng sumigaw ako tsaka kolang napansin na wala pala roon si killian.

Nangilid ang luha sa mga mata ko dahil sa sakit na nararamdaman. Nag aalala namang dinaluhan ako ng royalties tuluyang tumulo ang luha sa mata ko dahil sa sobrang sakit na lumukob sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

"Zerenity." Nag aalalang hinawakan ako ni zewis sa balikat tinaas ko ang luhaang mukha sa kanya nagulat naman sya ng makita ang luha na patuloy parin sa pagdaloy pababa sa magkabilang pisngi ko.

"What happen zerenity?" Natatarantang tanong nya ng mapasigaw muli ako dahil sa muling lumukob ang sakit sa dibdib ko napahawak ako dito.

"It's hurt." Basag ang boses ko ng magsalita ako, napahawak ako sa braso nya ng lumabo ang paningin ko.

"Aling masakit zerenity?" Natatarantang tanong nito sa akin Nakita ko din ang pag aalala sa mata ng royalties.

"Where's killian?" Biglang tanong ni samantha habang papalapit sa akin narinig kopa ang nag aalala nilang sigaw bago ako tuluyang nilamon ng dilim. Bago ako tuluyang nawalan ng malay ay naramdaman kopang may pumalibot na dalawang braso sa bewang ko para hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.

THIRD PERSON POV:

Nataranta ang royalties ng biglang bumagsak si zerenity nagulat naman sila ng biglang sumulpot si killian sa harap nito bago mabilis na sinalo ang walang malay na babae.

"Zerenity." Nag aalala namang dinaluhan ni zelix ang bunsong kapatid kita nila ang bakas pang luha sa magkabilang pisngi nito at ang pamumutla ng labi. Mabilis namang lumabas si killian para dalhin sa clinic si zerenity.

Sumunod naman agad ang royalties sa mabilis na naglalakad na si killian, Hindi nila alam kung bakit nag kaganon nalang bigla si zerenity.

Bago lang nila nasilayan ang pagbakas ng sakit sa mukha nito at ang pagluha ng mga mata nito dahil simula ng magising ito ay laging blangko ang mukha nya at malamig ang mata.

Hindi nila maintindihan kung bakit ito nagkaganoon bigla. Mabilis ang lakad nila para makarating agad sa clinic.

Another Life Of Ashanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon