August 27, 2014

15 4 0
                                    

Dear Diary,

Yung tipong nananahimik ako sa kwarto, tapos biglang tumawag si Aira? Nakakaloka talaga 'tong babaeng 'to?

"Hello?" -Ako

"Hello?" -Aira

"Napatawag ka?" -Ako

"Iyah, pwedeng favor?" -Aira

"Sure, ano 'yun?"

"Sabi ni Janssen, i-text mo raw siya..."
.
.
.
.
.
.
.
Para akong pinag sakluban ng langit at lupa sa narinig ko mula sa sarili kong bestfriend? How dare is she?!

Pinilit niya ako ng pinilit. At para matigil na ang kanyang makulit na kaluluwa, hiningi ko sa kanya ang number niya. Binaon ko na kasi sa limot yung number niya.

At tinext ko na siya. Nagbabakasakali na gusto na niya sigurong magsorry diba?

Here's our convo:

Me: Bakit? (Ang ganda ng bungad ko 'no?)
Janssen: Aaliyah?
Me: Kung isasali niyo lang ako sa trip nyong dalawa ni Aira, pwede bang tigilan nyo na ako? Ayoko ng war. Please.
Janssen: War? Eh ikaw nga 'tong naghahanap ng war diba? Alam mo bang marami na akong kaaway sa school? Kasi sinasabihan nila akong malandi. Malapit ko na talaga silang patulan eh. Wala akong pakielam kung aabot kami sa Guidance Councilor o sa Discipline's office. Hindi na ako makapag pigil. Tapos dadagdag ka pa? Bakit mo ba kasi pinagkalat na naging tayo? Alam mo bang kalat na yun sa classroom? Hindi nga diba naging tayo? Kaya wag ka nang dumagdag pa sa sakit ng ulo ko.
Me: Bakit? Kasalanan ko ba dumadami yung kaaway mo? Ha? At isa pa, wala akong sinabihan, okay? Sige. Iharap mo sakin bukas yang mga nagsasabi na ako nagkalat. Mag-uusap-usap tayo bukas. 11:30. OKAY?!
Janssen: Sige. Saan tayo magki-kita?
Me: Sa Mini Hotel. Dalhin mo lahat. As in lahat ng mga nagsasabi na ako nagkalat. Kasi wala akong pinagsabihan na kahit sino. Maliban kay Aira. Kaya nagtataka ako kung bakit ako ang tinuturo mo!
Janssen: Basta bukas magkaka alaman. Btw, sorry kung nasaktan kita ha?

Ang kapal ng mukha niya! Ako pa ang naghahanap ng war? Sige. War ba gusto niya? Then I'll give it to him. Mali siya ng kinalaban niya. Maling-mali.

At ang kapal ng mukha nyang pagbintangan ako na ako ang nagkalat na naging kami! Alam naman niyang bawal ako nagboyfriend eh. Kung sakali man, bakit ko ipagkakalat? Ano ako, SHUNGA?! Kung makarating yun sa parents ko diba?

At isa pa, bakit siya takot na takot na kumalat na maging kami? Oh! I almost forgot, isa nga lang pala akong hamak na rebound. At natatakot siya na makarating sa pinaka mamahal niyang Ayesha diba?

So tomorrow, LET IT BE WAR UPON US. MALI KA NG KINALABAN MO.

Never said YES to Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon