CS Chapter 9 - Macau and Hongkong Vacation

3.2K 103 18
                                    

Danielle's POV

MACAU

Tapos na. Tapos na ang pagpapanggap namin ni Katherine sa media. Ayoko na kasing lokohin ang media. Ayoko na nagpapanggap lang kami, para ko din kasing niloloko ang sarili ko, alam nila na girlfriend ko si Kath kahit hindi naman. Gusto ko na din matapos ang lahat, alam kong makakasira sa image namin ni Katherine ito, alam kong hindi na ulit nila ako paniniwalaan, pero at least, nagpakatotoo na ako, inalis ko na yung guilt na lagi kong nararamdaman tuwing nagpapanggap ako.

Natakot ako sa ginawa ko. Alam kong makakasira sa reputation at image namin ni Kath ang gagawin ko pero nagkamali ako. Yun din ang gusto ni Kath. Gusto niya na din matapos ang lahat. Nagulat ang public sa sinabi ko, its been an all week topic kaya naman napag desisyonan namin ni Kath na mag vacation sa Macau and Hongkong.

Hindi kami nag vacation para makaiwas sa media. We need a break. Hindi kami nag bago ni Kath as expected. Alam din ng ABS CBN ang reason namin, it was a joke after all. Nakausap na din namin ang management na paghiwalayin kami pero hindi sila pumayag. Kahit nagawa namin iyon, hindi pa din papayag ang mga fans namin ni Kath. Malakas daw ang chemistry namin kahit magpanggap kami o hindi. Which is we are truly grateful. Nag trend pa nga sa twitter ang #KathNielNeverApart , #KathNielAllTheWay , #WeLoveYouKathNiel , #KathNielRealAndReel at worldwide ang #KathNielUnitedAsOne  and #KathNielForever

Kahit lagi kaming nababangayan ni Kath, naging bestfriend ko siya. Super close kami. Hindi lang talaga halata. At sa pagiging close na yun, nagkagusto na ako sa kanya---no, mahal ko na siya.

Hindi nagtagal ay nagconfess na din ako sa kanya. Alam na din ng media na may gusto talaga ako kay Kath. Natuwa ako ng hindi nag bago ang pakikitungo sa akin ni Kath. Sabi niya, kung handa daw akong maghintay, may pag asa naman talaga.

"DJ! Punta tayo doon bilis!" sabi niya sabay kapit sa braso ko.

"Souvenir shop nanaman? Naka sampung souvenir shop na kaya tayo, Kath. Iisa pa lang nabili mo." Reklamo ko.

Nag pout siya. "Eh wala naman kasi akong magustuhan sa mga napuntahan natin eh. Sige na! Last na to. Promise. Then kain na tayo." Sabi niya at nagpuppy eyes.

"Tsk. Halika na nga." Sabi ko. Pumunta na kami sa isang souvenir shop.

"DJ, bagay sa'yo to." Sabi niya sabay suot sa akin ng scarf. Kulay yellow siya.

Tinanggal ko ito at binigay sa kanya. "Mas okay kaya sa'yo. Andami ko na nga suot eh. Ikaw nga sweater lang." sabi ko then sinuot sa kanya. Napangiti na lang siya.

"Panget mo." Sabi niya then pumunta na sa cashier para bayaran ito.

Weird talaga ng babaeng yun.

"Kain na tayo. Gutom na ako." Yaya ko sa kanya. Pinulopot niya yung scarf sa leeg niya dahil malamig dito ngayon.

"Libre mo ako." Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Kelan ba kita hindi nilibre?"

"Puwedeng ngayon." Sabi niya. Pinisil ko lang yung ilong niya tapos siya naman kumapit na lang sa braso ko.

Pumunta kami sa isang food court at doon na nanghalian. "Ako na lang oorder, mag hintay na lang kayo dito." Sabi ni Tita Min at sinama yung manager kong si Christine.

"DJ, parang wala akong nakikitang Filipino dito." Sabi ni Kath at tumingin sa paligid. Tumingin din ako sa paligid.

Magsasalita na sana ako kaso may lumapit sa aming babae. "Uhm, Ate Kath? Puwedeng pa-picture?" tanong niya. Nag nod na lang si Kath at nagpapicture, ganun din sa akin.

Celebrity Status [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon