The....
Waaaaaah! Wala akong maisip na title para sa essay na to. Nagpapractice kasi ako. Nakakainis naman kasi yung mga classmate ko, ako pa yung tinuro para maging representative ng section namin sa essay writing contest na ito. Kahit hindi naman ako magaling dun :3 tapos yung teacher ko pa. Naku, sumangayon pa sa mga kaklase ko. Title talaga ang problema ko tuwing gagawa ako ng ganito -,-
"Hindi naman nila ibibigay sayo yung task na yan kung hindi mo kaya" sabi ng bestfriend ko. Si Chloe.
"Kahit na! Ang dami ko ngang gagawin eh. Dadagdag pa to." Sabi ko
"Hayaan mo na! Ayan na ehhh. Sinisimulan mo na! Umaangal ka pa!" Sya
Nandito kami sa kwarto ko. Wala yung parents ko eh. Nasa ibang bansa for bussiness kaya ako at ang bestfriend ko lang nandito sa bahay. Wala na din syang pamilya eh. Galing syang broken family tapos patay na yung nanay nya at lumaki sya sa mga tita nya na nasa ibang lugar. Nandito sya sa Manila para magaral.
My name is Deniese Ng. Sa susunod na yung ibang description. Tinatamad pa akong magpakilala eh. Hahahahaha! :)
"Bes, punta muna ako kila Dans ahh. Kunin ko lang yung mga notes na hiniram ko" chloe
"Sige, aalis din ako eh. Text mo na lang ako pag nandito ka na sa bahay" ako
Nang umalis na si Chloe. Nagbihis na din ako. Pupunta kasi akong National Bookstore bibili ako ng bagong libro yung "Voices in the Theater".
Pagtapos ko magbihis kinuha ko ng yung key ng kotse ko. Yeaaaaah! 4th year pa lang ako may kotse na ako :) yayamanin yata ang mga magulang ko. Hahahaha!
Nasa Bookstore na ako ng may nakabangga akong lalaki. Gwapo yung lalaki. Pero di ko pinahalatang na amaze ako sa kanya dahil baka maging mayabang at mukhang trahabador lang sya dito at parang balisang balisa sya kung titignan mo.
"Sorry miss" sabi nya sabay alis. Hindi man lang nya tinignan yung beauty ko.
Nasa kotse na ako. Pauwi na! Nang nasa highway na ako may nakita akong taxi na wala sa tamang bisyo na papunta sa gawi ko. Kaya bigla akong nagpanik at dahil sa mabilis din ako magpatakbo nun ay bigla preno ang nagawa ko. Pero huli na ang lahat. Dahil ang tanging natatandaan ko na lang ay yung mga tunog ng busina ng sasakyan at sigawan ng mga tao dun tsaka ako nawalan ng malay.