Chapter 16

4 1 0
                                    

(Flashback)

"Don't worry, Adam won't be here in this hour, and if he will, we're here to protect you." paniguradong sabi ni Rae kay Anna habang hinihigpitan pa ang pagpulupot sa kanyang mga kamay sa kaliwang braso ng kapatid bilang pagpapakalma rito.

Namumutla kase si Anna, kinakabahan at palingon-lingon sa kanilang paligid -halatang hindi mapakali sa kanilang paggala. They are to watch a movie sa cinema hall sa kilalang mall na iyon to unwind themselves up before going to America.

Ni-reschedule kase ni Cedrick ang flight niya to US mula nang ilibing si Mina sa Pilipinas.

Gusto rin ng mga ito na e-treat si Anna para mapawi ang lungkot nito at mas maging relax sa byahe nila sa makalawa lalo na't plano nilang sa Amerika muna mag-stay ng ilang taon at pag-iisipan muna kung uuwi pa ba ng Pilipinas o hindi na.

Nag-aatubiling tumango si Anna sa sinabi ni Rae habang patuloy sila sa kanilang paglakad papasok sa Clothes section ng kilalang mall.

Hindi dahil sa wala siyang tiwala sa sinabi ng kapatid, iyon ay dahil anumang oras o pagkakataon ay maaari niyang makita si Adam sa mall na iyon lalo na't hindi iyon kalayuan sa kumpanya ng binata.

Nasa sentro kase ng siyudad nakatayo ang kumpanya ni Adam, dahilan kung bakit nakapaligid din dito ang mga naglalakihan at naggagandahang mga establisimyento.

Mangyari man at magkita silang muli ni Adam, ay hindi pa alam ni Anna ang gagawin.

Makakaya kaya niyang titigan ang binata sa mga mata nito? Makapagsalita pa kaya siya? Tatayo na lamang ba? O tatakbo na lang ba siya?

Maging matapang kaya siya at harapin ang damdaming tinataglay pa rin para sa binata sa kabila ng panloloko nito? O muling maduduwag at magtatago saang sulok ng mundo gaya ng gagawin niyang pag-alis papunta ng Amerika?

Tahimik siyang nagdasal na sana'y hindi na lamang sila magkita pa ni Adam nang maging matiwasay ang isip niya hanggang sa makalipad na sila sa Amerika.

Baka kase tuluyan na siyang bumigay dahil sa karupukan ng kanyang puso at magkamaling sumama pa kay Adam kahit pa ikagalit ito ng kanyang kambal, bagay na ayaw na ayaw niya ring mangyari.

Halos dinig na niya ang pagtambol ng kanyang dibdib habang tinatahak ang kanilang destinasyon ngunit pilit na kinakalma ang sarili.

'Ganito nga siguro pag umiibig. Masaktan ka na at lahat pero nandoon pa rin ang pagmamahal mo para sa taong iyon.' malungkot na konklusyon niya sa sarili.

Narinig din kase niya mula kina Rae at Cedrick nang mag-usap ang mga ito sa labas ng kanyang kwarto, nagpabalik-balik raw si Adam sa mansyon ni Rae kahit pa hindi ito pinapapasok kahit sa gate ng mansyon.

Halos umagahin na raw si Adam sa kakahintay na makita siya upang makahingi ng kapatawaran sa mga nangyari, umulan man o umaraw. Kahit hindi maayos ang pagtulog o kain nito. Sinisigaw daw nito ang kanyang pangalan at nagtatanong kung ano ang maaari nitong gawin upang mapatawad niya. Handa raw ito sa kung anumang ipagagawa ni Anna kahit pa buhay nito ang kapalit. Dahilan kung bakit nakaramdam siya ng awa sa binata at napaisip na harapin na lamang ito at sabihin ang katotohanan o di kaya ay ang patawarin na lamang ito.

Ngunit sa tuwing naaalala niya ang panloloko ni Adam, that scene when he was kissing not just any other girl but his ex and first love, ay mas nangingibabaw ang pait na kanyang nadarama, dahilan kung bakit hinahayaan niya lang si Rae na magpanggap na siya habang umano'y nakatingin lamang mula sa terrace sa nagmamakaawang si Adam na nasa labas ng gate ng mansyon.

Higit sa lahat, sa tuwing ini-imagine niya ang guwapong mukha ng binata habang umano ay lumuluhod at nagmamakaawa upang patawarin na niya ay hindi pa rin niya magawang ma-visualize ang hitsura nito. Parang NAPAKA-IMPOSIBLE!

My Innocent PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon