Date: March 29, 2015
Penname: Msrouge
1. Introduce/describe yourself…
- Joanne Kristine Salamat, 21, Philippines! Joke. Hahaha!
- Anyway, eto na. Ako po si Joanne pinanganak at lumaki sa Bulacan. Noong nagcollege ay sinubok ang kapalaran sa Maynila. Business Course po ang tinapos, kasalukuyang nagtratrabaho sa isang construction company—tiga mason, tiga halo ng simento mga ganern. Hahaha.
- Madaling ma-in-love sa fictional characters TT.TT.
2. When did you start writing?
- Mga ano 2 years ago, kaso informal pa ung sulat ko. Kung pwedeng idaan sa emoticons dinaan ko na. :p. Romance din ang genre ko non pero hindi yata talaga para sakin ang romance. So, nag-switch ako ng Inspirational, Spiritual na genre.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- Msrouge. Dahil sa puting buhok ko (natural siya) ung white na hair ni rogue sa x-men.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Hindi ko expected. Hindi ko kasi pinangarap maging isang writer. Tapos noong nagsusulat na ako hindi ko pinangarap mapublish ang libro ko, kasi wala naman sa isip ko iyon. Tapos hindi ko muna pinapaalam sa tatay ko na nagpasa ako ng MS kasi baka pagalitan ako. Hanggang sa tinawagan ako… Pinaalam ko na sa tatay ko… Nagulat siya na nagsusulat ako… Ako naman nagulat kasi hindi ako napagalitan… Hahaha… Naging proud pa siya… sarap sa pakiramdam J
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Madrama ang buhay ko. Madaling maagaw ang atensiyon ko ng mga taong nakikta ko sa kalsada. Naisip ko, total hindi ko naman kaya ang romance ti-nry ko ang ganoong tema. Alam kong risk, kasi romance ang uso ngayon. Tapos Second POV pa ang gamit ko sa medyo weird talaga. Pero dahil gusto kong maging kakaiba, pinush ko p arin. J. Inspirasyo ko rin ang pamilya ko sa pagsusulat, magulo kasi sila eh kaya maraming hugot.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Dati naglalagay ako ng lipstick, noong mga panahong romance ang genre ko. Ngayon naman, kailangan kumain muna ako ng pringles (kailangan cheddar cheese) or lays. Pero pagwalang stock sa bahay napagtyatygaan ko na nag mamapak ng keso. -_-
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- Sabi ng iba boring daw. Tanggap ko naman na yon. Hahaha. Sabi ng iba magulo daw. Tanggap ko na rin kasi nga mas nakakagulo ang 2nd POV. In short tinatanggap ko naman lahat ng flaws na makikita nila sa story ko, wala naman kasi akong alam formal writing eh. Kaya tanggap na lang tas pag-aaralan ko tapos aayusin.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Gusto kong magkaroon ng Café. Tapos magpapatayo ako ng School. Tapos isang bahay para sa matatanda. (mas malapit ang loob ko sa matatanda kesa sa mga bata).
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- Wala naman. Pero maraming na akong book na nabasa na winiwish kong sana ako na lang ung heroine kasi minamahal ko talaga ang mga hero sa story TT.TT.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
- Si asktherisk. Siya ang inspirasyon ko kung bakit 2nd POV ang gamit ko sa ibang story ko.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- Madalas sa kalsada. Iyong mga taong madalas nating makita sa gilid ng daan. Iyong mga nakatira sa ilalaim ng tulay. Iyong mga nagtitinda ng kung ano-ano sa bus.
12. Titles of your published and to be published book…
- Patikim ng Buhay
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Lalaki ba si wattpad kaya nakakabuntis? Joke. Hahaha!
- Depende sa tao. Kung paano nila a-apply sa buhay nila ang mga nababasa nila. Try nilang i-apply ang mga sci-fi, horror, mystery ang genre.
- Hindi kasalanan ng Wattpad o ng kahit anong site kung bakit sila nabubuntis. Gusto nila ‘yon eh. Pagnagbasa ka sa wattpad hindi naman ka naman binibigyan ng choices na a. magpabuntis ka b. magasawa ka na kahit trese anyos ka pa lang c. both a & b.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- Romance talaga. Pagsinisimulan ko ung romance wala akong maisip na kilig scenes -_- natatanga ako sa romance kaya ang ending papatayin ko na lang sila. Hahahah!
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Magsulat. Magbasa. Magsulat. Magbasa.
- Wag kang tamad (ouch)
- Kung may naiisip na plot isulat agad para hindi makalimutan. J
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
RandomKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^