Chapter 8

1.9K 96 10
                                    

Alertong umilag si Yvienne nang malaglag ang itak ng lalaking nakaamba sa kanya. Nakangangang bumukal sa bibig nito ang sariwang dugo. Tumagos kasi sa lalamunan nito ang dulo ng killing knife na sentrong tumama sa batok nito. Walang buhay na humambalos ito sa lupa kasunod ng pantaga.

Lumayo siya sa bangkay at tinanaw si Makki. It's over. No one left there to stand against him. Every single guy is either dying or already dead. Ang iba ay tumilapon sa may damuhan. She cringed with the smell of blood and death. She maybe into fighting for self defense and when she had to but she never killed anyone. Humihingal na  sumalampak siya sa daan dahil sa biglang panghihina ng mga tuhod niyang kumikirot. Ibinalik niya sa holster ang hand gun matapos isara ang safety lock.

Matulin siyang nilapitan ng binata.
"Are you hurt?" tanong nitong umuklo. Igting ang mga panga at magkadikit ang nangungunot na mga kilay. May tilamsik ng dugo sa forest green shirt na suot nito.

Umiling siya bagamat hindi tumutol nang suriin nito ang katawan niya at hinayaan lang ito. Pumitlag siya nang dumaan ang mga daliri nito sa kiliti niya sa may pusod. Maliksi niyang ibinaba ang laylayan ng damit na nahawi paangat. Bumabara na ang ilong niya sa lansa ng dugo na sumasama sa hanging nalalanghap niya. Suminghap siya at tuluyang umurong ang dila nang patakan ni Makki ng halik ang kanyang labi.

"And what is that for?" sikmat niyang namimilog ang mga mata.

"Itikom mo iyang bibig mo. Nagigising ang mga anito sa puson ko," babala nitong pinindot ang kanyang ilong.

"Pervert Mikael." Kastigo niyang tumirik ang mga mata habang dinilaan ang ibabang labi. She loves the heat from his lips though. Nakahahawa ang kamanyakan nito sa totoo lang. Lagi siyang ginugulat at pabara-bara.

Hinawakan nito ang baba niya at bahagyang inangat para salubungin ang isa pang patak ng halik. Tinampal na niya ito sa mukha.

"Ano ba? Abusado ka!"

"You should get used to the feeling," he reasoned out as if what he did is a normal practice. "You see, we're going to make four babies and I suspect you would like it if I'd kiss you more often while I'm banging at you down there." Itinuro nito ang parte sa gitna ng nakabukaka niyang mga hita. Ang kanyang pagkababae.

Mabilis niyang itiniklop ang mga binti at gigil na umusod palayo. "And you are too sure I will cooperate with this quadruplet project of yours? Magsakal ka na lang!" Kabado siyang tumayo. Pinagpag ang alikabok sa kanyang shorts. Mababaliw siya kapag nagtagal na kasama niya ang lalaking ito. Utak niya ang pinapatay nito habang binubuhay ang tibok ng kanyang puso.

"I supposed you realized already that this is your only way to escape from the marriage negotiation with my brother," mahinahon nitong paalala.

"Yeah? At ikaw dapat ang mas nakaka-realize na kaya tinatakasan ko ang kasal dahil ayaw ko pang mag-asawa, tapos ngayon aanakan mo ako? Where is your common sense?" nabuburyong niyang atungal.

His face went poker. Balewala sa lalaki ang mga pabalang niyang sagot. Nanatili sa tindig nito ang pagiging mahinahon, indikasyon kung gaano kataas ang kumpiyansa nito sa sarili. Kung tutuusin hindi nito kailangang magpagod sa paghahanap ng asawa dahil may sarili itong line up ng potential brides. Hindi pa nga lang iyon isinapubliko dahil ang mga kapatid pa nito ang nakasalang sa marriage tradition ng angkan nito.

"Why don't you get a boyfriend and tell the council? Hindi ka pipilitin doon kung ayaw mo basta may sapat kang dahilan," he suggested after a second of silence.

Her nostrils flared up. This guy is unbelievably dense and so used to following his own terms.

"Because of that stupid negotiation I am not allowed to entertain suitors, hindi mo ba alam iyan? Saan ka ba nakatira at kailan ka ipinanganak?"

NS 18: ROMANCING THE ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon