Napaupo si Allen sa sahig na hindi malaman ang gagawin. Tulala siyang pinagpawisan ng malapot.
Iisa lamang ang ibig ipahiwatig noon, delikado siya sa mga magnanakaw at sa lahat ng uri ng mga sanggano. Kaya naman ilang araw siyang hindi lumabas ng kanilang tahanan sa takot na mayroon pang ibang nakakaalam ng kayamanang iyon at pagtangkaan ang kanyang buhay.
Pabalik-balik sa loob ng maliit na silid, marami siyang iniisip na gagawin upang mapabuti ang kanyang buhay nang walang nakakatuklas ng hawak niyang kayamanan.
Kaya nga lamang ay paano?
Mahigit dalawang linggo bago niya napagpasyahan ang gagawin. Mabilis siyang nagbalot ng ilang pirasong damit at nagdamit ng mga lumang kasuutan. Sa sobrang luma ay kupas na ang tela ng kamesita ganoon din ang pantalon. Mayroon pa ngang maliliit na butas sa ilang parte ng kasuutan.
"Tama! Kailangan kong magmukhang dukhang-dukha upang hindi ako mapagkamalang may mga kayamanan."
Sa isang sanlaan ay ipinagpalit niya ang ilang piraso ng mga alahas upang magkaroon siya ng salapi nang sa ganun ay makapaglakbay siya.
Iyon ang tanging paraan na kanyang naisip upang makaiwas sa mga kawatan. Dahil sa mayroong salapi ay hindi siya nahirapang sumakay sa ilang barko. Isa pa, may pambayad siya kaya naman kahit dukhang tignan ay nakakapasok siya sa mga barko at daungan. Mula sa Tsina ay nakarating siya sa isang bansa. Walang eksaktong plano kung saan tutungo at kung ano ang gagawin.
Isang araw ay napadpad siya sa isang nayon sa Tibet. Mahirap ang lugar na iyon at napakainit taliwas sa lugar na pinanggalingan. Sa umpisa ay inisip niyang magtayo ng mapagkakakitaan doon subalit napagtanto niyang hindi niya kakayanin ang klima. Isa pa ay hindi marunong ng salitang English ang mga tao kaya naman makalipas lamang ang isang linggo ay naglakbay siyang muli.
Subalit nagkaroon ng aberya sa laot habang nasa barko siya patungo sa kung saang bansa. Ang paglalakbay nila ay nasa isang buwan na subalit nasa gitna pa lamang sila ng karagatan.
"Diyos ko! Kamatayan yata ang kahahantungan ko sa lugar na ito!" Takot na takot si Allen na nagsumiksik sa loob ng maliit na silid para sa kanya.
Ang malakas na hagupit ng hangin at mga alon sa karagatan ay damang-dama ng barko dahilan sa pagewang nito. Lalo siyang natakot at nawalan ng pag-asa.
Pagsisisi lamang ang kanyang tanging nagawa.
"Ina, ama, sana'y hindi ko na lamang kayo iniwan sa ating lugar. Dahil sa kayamanan ay nasilaw akong mawalan at hindi ko naisip ang mas higit pang panganib kagaya nito. Huhu!"
Samantalang sa labas ng silid ay dinig na dinig niya naman ang mga hiyawan ng tao dahil sa matinding takot. Sa kasagsagan ng sakuna ay may pumutok na kung ano sa unahang bahagi ng barko kasunod ang biglaang pagkawala ng mga ilaw.
Nanginginig ang buong katawan ni Allen at halos mabaliw siya sa takot na nararamdaman. Hindi niya mawari subalit tila may kakaibang naganap bigla sa paligid. Ang katawan niya'y tila nilamon ng maitim na karimlan at ramdam niya ang pagbulusok ng kanyang katawan na tila galing siya sa isang mataas at mahabang tunnel. Sobrang dilim at halos mapugto ang kanyang hininga sa matinding paghiyaw. Takot at pagkasindak ay kulang upang mailarawan ang nararamdaman.
Isa lamang ang alam niya sa mga oras na iyon, kamatayan ang nasa dulo ng mahabang paglalakbay niya sa karimlan, at maaaring sa pusod ng dagat ang huli niyang kahahantungan. Subalit nawalan siya ng ulirat bago pa man humantong sa patutunguhan.
Nagkamalay siya sa isang dampa sa tabi ng dalampasigan, may matandang nakaupo sa maliit na upuang kahoy at nagmamasid sa kanya.
"Sino ka?" mahinang tinig ang pumatlang sa tahimik na kapaligiran. Namamaos ang kanyang tinig.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)
Fantasy"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto...