Chapter 19
"Jenny," hagulhol ko pa rin. Nasa bar na kami. Si Justine naman pinauna ng umuwi dahil baka kapag nagtagal ay may mangyari ng masama sa kanya.
"Tahan na, Christine. Gusto mo bang dalhin kita sa hospital? Kanina ka pa iyak ng iyak, eh. Hindi mo naman sinabi sakin ang dahilan." ani Jenny, bakas sa kanyang mukha ang pag-alala.
Itinungga ko ang tequila na nasa baso. Kanina pa ako hindi makapaniwala. Puno ng sakit at galit ang puso ko. Bakit? Bakit sa lahat, si Dustin pa? Bakit nagkakilala pa ulit kami? At sa pangalawang beses, siya pa rin.
"N-naalala ko na ang lahat, Jen." tinawag ko ang bartender. "Isa pa," saad ko. Ngunit kaagad akong napatigil nang humarang si Jenny sa'kin. Puno ng pagtataka ang mukha. Hindi makapaniwala sa narinig mula sa'kin.
"Ano? B-bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin?"
"Ang sakit eh, r-ramdam ko pa rin ang bawat masasakit na salitang binitawan ni Dustin no'ng iniwan niya ako. K-kailangan na kailangan ko siya no'ng gabing 'yon. At no'ng tumawag ako sa'yo, g-gusto ko ng wakasan ang buhay ko. Hindi ko na alam kung ano pang kabuluhan ko dito sa mundo. Pagod at sakit ang tanging naramdaman ko,"
"God!" napasapo si Jenny sa kanyang bibig. "k-kailan pa?"
"Kanina lang." sinalinan ng bartender ang baso ko. Nang matapos ay tinungga ko ito, dumaloy pa ang pait sa aking lalamunan. "A-alam mo, gustong gusto kong gantihan si Dustin. Ang sinapit ng anak ko ngayon ay dahil sa kanya. Gusto kong pagbayarin siya, Jenny. K-kung alam ko lang no'ng una pa lang na si Dustin ang ama ni Justine, sana... sana hindi ko na pinakilala si Justine. Hindi siya karapat dapat na kilalaning ama." naikuyom ko ang aking kamaong may hawak ng baso. "Demonyo siya, hayop si Dustin." nanliliksik ang matang sabi ko.
Lumipas ang ilang oras na ginugol namin sa bar, napagpasyahan na ni Jenny ang iuwi ako. Kahit gusto ko pang ilubog ang sarili ko, wala akong nagawa kundi ang sundin si Jenny.
"Hinding-hindi ko hahayaang magkita ulit sila, Jenny." saad ko parin sa kabila ng pagkahilo. Nag ekis-ekis na rin ang aking paglalakad. Mabuti nalang at nandyan si Jenny para alalayan ako sa t'wing muntikan akong matumba."Ang anak ko, Jenny. Ayaw sa kanya ni Dustin simula pa lang. Ayaw kong masaktan ang anak ko. A-ayaw kong malaman niya na ayaw sa kanya ng daddy niya. A-ayaw kong masaktan si Justine. Takot akong maranasan niya ang pakiramdam ng 'di nagustuhan."
"Hindi 'yan, Christine. Andito naman kami nila Tita para protektahan ka mula sa mga Sandoval. Simula ngayon, wala ng makakalapit pa sa inyo."
"Pero ang anak ko!" pumasok ako sa kotse. "Siya na mismo ang maghanap kay Dustin. Aatakihin siya sa sakit kung hindi ko ibigay ang gusto niya."
"Shh, bukas na natin pag-usapan 'yan, Christine. Kailangan na nating umuwi sa ngayon. Kela Tita nalang tayo dederetso."
Tumango ako at tumahimik. Ramdam ko na ang antok kaya pumikit ako.
"Takot akong masyadong mapalapit sa kanya na alam kong sa huli ay iiwan at iiwan pa rin nila ako."
Ramdam ko na mahal niya si Justine. Pero paano nalang kung nalaman niyang anak niya si Justine? Hindi! Hinding-hindi ko papayagan siya na makita si Justine. Hindi pwedeng mapalapit si Justine sa kanya. Kailangan kong kausapin si Dustin kailangan na hindi na siya magpakita pa.
"Stop the car," utos ko.
"Bakit? Duduwal ka ba, Christine?" tanong ni Jenny na inilingan ko. "Edi, kung gano'n bakit?"
"Kailangan kong puntahan si Dustin. Kailangan kong pigilan siyang kunin si Justine sa'kin. Mahal na mahal ko ang anak ko, Jenny. At hindi ko kakayaning mawala siya sa'kin." pinales ko ang aking luha. "Tama, Hindi na dapat pa sila magkita."
Buo na ang desisyon ko. Kukuntsabahin ko si Dustin na sabihin kay Justine na nasa trip siya ngayon. Oo, takot ako. Takot na takot na mawala sa'kin ang anak ko.
"Pero Christine, bukas nalang 'yan. Kung gusto mo ng makausap si Dustin, ipagbukas mo nalang 'yan. Matutulungan ka pa namin nina Tita." aniya.
Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Tama siya, Hindi dapat ako magpadalos-dalos sa decision. Pero hindi ko naman maiwasang isipin na isang araw, kay Dustin na sasama si Justine. Takot na takot akong sa pangalawang beses ay mawala si Justine sa'kin. Ayaw kong maranasan ulit na mag-isa.Nang makauwi sa bahay, hindi ko na alam pa ang nangyari basta kinabukasan nagising nalang akong parang walang buhay. Ako nga ito, si Christine. Ang babaeng tanga sa pag-ibig, at ni minsan walang nagawang tama. Ang babaeng pinilit ang sarili kay Dustin. Ang babaeng pinaangkin sa iba ang kanyang anak. Pero, ako ba talaga 'to? Bakit ni-minsan, hindi ko napili ang tama? Bakit palpak ang lahat ng planong ginawa ko? Bakit si Dustin pa?
"Tita? Are you already awake?" boses ni Justine sa labas. Pinales ko ang luha sa aking pisnge at inilibot ang paningin sa buong paligid. Bumalik na ulit sa dati ang pakiramdam ko. Si mama, miss na miss ko na siya.
"Tita?" katok ulit ni Justine. Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. Bumungad naman sa'kin ang mukha ni Justine. He looks so worried.
"Baby, bakit ang aga mong nagising?"
"I-its already afternoon, Tita. I'm so worried to what happen earlier, so I wake you up." mahaba nitong litanya. "Good afternoon, Tita!"
Marinig mula sa kanya ang katagang iyon ay parang kiniliti na ang puso ko. Niyakap ko siya ng napakahigpit. Hindi man naging successful ang pagsasama namin ni Dustin, but I'm thankful that I have my Justine now. My baby boy, my life and my weakness. Thanks god for saving my son.
"C-christine, gising ka na!" saad ni mama. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Justine.
"Miss na miss ko na kayo ni papa, mama. G-gusto ko ng umuwi at yakapin kayo ng mahigpit. I-ipagluto niyo ako ng soup kapag may lagnat, at magpuyat kayo sa pag-aalaga sa'kin tuwing gabi dahil nag-aalala kayo sa'kin." naalala ko ang huli naming pag-uusap ni mama.
Yumakap ako ng sobrang higpit kasabay ng sunod-sunod kong luhang walang tigil sa pagpatak.
"Mama, I miss you so much. Miss na miss na kita mama, mahal na mahal kita."
"C-christine, nagbalik naba ang alaala mo?" usisa ni mama na sunod-sunod kong tinanguan. Dumating si Jenny, kita ko ang pagngiti niya sa'kin.Nagpahanda si Jenny ng bonggang lunch para samin for celebration. Pero kanina pa may hinahanap ang mya ko. Si papa. Simula no'ng dumating ako, ni-anino niya ay hindi ko nakita. Galit kaya si Papa sa'kin? Kay Dustin kaya? Kung pwede palang, gustong gusto kong patayin ang sarili ko. Bakit ko nakalimutan ang pamilya ko? At si Celestine, bakit niya ginagawa sa'kin 'to?
"If you love my brother so much, please let him go. Yeah, sinabi ko na gusto kita para sa kapatid ko, pero mas may bagay pa siyang mahalagang gawin, Christine." pag-alala ko sa sinabi ni Celestine noon. Noon pa man ay pinapalayo niya na ako kay Dustin.
"Tita, why they always calling you, Christine?" tanong ni Justine. Nasa hapag kaming dalawa. Wala pa si mama at Jenny. May sinundo pa raw na kailangan kong makita.
"Don't mind them, baby. Are you happy being with them?" tanong ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang baba at ngumiti ng matamis.
"Dapat masanay kana sa kanila, baby. They are our family," saad ko pa.
"I'm happy Tita," tumingin siya sa mga nakahandang pagkain.
"But I'm more than happier when daddy's here." puno ng lungkot ang kanyang boses na nakapagpatahimik sa'kin. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng nangyari. Hindi kami gusto ng daddy niya. Pinilit niya kaming lumayo sa kanya. Ayaw niya samin ng anak ko. But instead of telling him, umiwas ako ng tingin sa kanya. Ayaw kong madurog ang batang puso anak ko. Ayaw kong malaman niya kung gaano ka-walang puso ang ama niya. Nagsisi akong nagkakilala ulit kami ni Dustin.
"Where's dad, Tita? I miss him so much." dugtong pa nito.
"Baby, he's at work. He can't come whenever you want to see him. Because he's a business man." paliwanag ko sa kanya na marahan niyang tinanguan.
"Okay, I just miss my dad." bulong pa nito.
Kung sana maayos lang ang lahat, baka pinakilala na kita sa kanya Justine. Kung sana hindi yon nangyari, baka buo tayong pamilya ngayon.
"Christine? Anak?" napabaling ako ng tingin. Si papa, ang kanina ko pang hinahanap. Pero imbes na takbuhin ko ang pagitan namin, takang tiningnan ko si papa. Nangilid ang luhang hindi maintindihan kung bakit. Ang dating puno ng sigla ang mukha ngayon ay payat at lungkot ang makikita mula rito habang naka-upo siya sa welcher.
"P-papa? A-ano n-nangyari? Bakit--"
"No'ng nawala ka, na-stroke ang papa mo, Christine. Sinisi niya ang sarili niya sa pagkawala mo. Hanggang sa napunta sa depression ang kanyang sakit." malungkot na turan ni mama. Napakuyom ako ng kamao. Malaki ang pagbabayaran mo sa'kin, Dustin. Maghanda ka, hinding-hindi kita mapapatawad. Hinding-hindi.
BINABASA MO ANG
Impregnated By My Ex (COMPLETED)
RomanceChristine Paller was impregnate by her ex, Dustin Sandoval. Pero hindi sa ganoong paraan nagtatapos ang kanilang relasyon. Their parents wants them to get married. Then, they make a plan, their marriage is only in paper and for the baby. Pero paano...