Chapter 2

190 11 2
                                    

"Hello babe! I miss you so much...." saad niya sabay lapit kay Levi na nagulat sa ginawa niyang paghalik at pagkandong rito.

May kasama itong matangkad, sexy pero hindi naman kagandahang babae. Hindi niya ito pinansin dahil panay ang halik at yakap niya kay Levi.

" Levi????Sino ang babaeng 'yan?" umuusok ang ilong ng babae sa galit habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Parang nestatwa si Levi sa ginawa niya kaya siya na lamang ang sumagot sa babae.

"I' m Cathalea. Levi's fiancee. Ikaw sino ka?" mataray niyang tanong sa babae.

"Walang hiya ka talaga Levi. Kakasagot ko lang sa'yo may fiancee ka na pala. Napakagago mo talaga!" tumayo ito at idinuro si Levi sa mukha.

Napangiti siya sa nasaksihan. Pabor sa kanya ang ginawa ng babae. Sa kanya lang si Levi.

"Trixie wait.." tumayo si Levi at hinabol ang babae.

Tumayo din siya at sumunod sa mga ito. Lihim talaga siyang natutuwa dahil umiiyak na talaga ang babae at natunaw na ang mga kolorete nito sa mukha. Ang eyeliner at mascara ay naghalo na sa luha nito.

" Manloloko ka talaga Levi.Break na tayo!" sigaw nito.

"Trixie honey.Cathalea is just my friend.!" saad nito at tiningnan siya ng masama. Alam niyang galit na galit talaga si Levi sa kanya sa oras na ito.

"Babe ano ka ba? Nakalimang rounds tayo kagabi sa kama tapos sasabihin mong friends lang tayo? Babe 'di ba sinabi mo itutuloy natin mamaya?" kinindat pa niya si levi at kinagat pa ang labi niya.

"Ayoko na sa' yo Levi. Magsama kayo ng babaeng 'yan!"

Kanina pang wala ang babae ngunit nakatayo pa rin si Levi at hinihilot ang sentido nito.

"Fuck you Cathalea! This is your fifth time in ruining my relationship! Fuck you witch!"

"So fuck me baby ba' t ang tagal?" iniinis talaga niya ito. Galit siya sa binata dahil may girlfriend na naman ito. Hindi pa nga sila nagbreak, char!

Tama si Levi. This is her fifth time na nagdrama na girlfriend niya ang binata.Kaya siguro pinili nito na sa Canada magtrabaho sa isang company nila doon ay dahil sa kakulitan niya.

Hindi talaga ito makakapag girlfriend hanggang buhay siya.

"Kailan mo ba ako titigilan Cathalea Valkyre ha?" tiim bagang tanong nito habang hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Titigil ako hanggang sa naging mag-asawa na tayo Levi Nathaniel!"

"You are fucking insane witch!" Galit na talaga ito. Oo, witch ang tawag nito sa kanya dahil sumusulpot lang siya agad-agad. Hindi nito alam kagagawan nila ni Samara ang lahat.

"Babe..halika ka na sa loob kumain na tayo. Baka mapano si baby sa tummy ko!" drama niya rito.

"Kumain ka'ng mag-isa. Ano'ng baby ang pinagsasabi mo? Tumigil ka na Cathalea ha? Puro ka talaga kalokohan!"

"Levi? Cathalea? Nag-aaway ba kayo?"

Nagulat silang dalawa. It was her kuya Josh and his new toy, este girlfriend.

"No kuya, actually papasok na kami ni babe.Join us Kuya.. Umorder na kami kanina pa ni Babe Levi!" nakangiti niyang saad sa kuya niya at niyakap si Levi habang papasok sila ulit sa loob ng restaurant.

"Cathalea, may ginawa ka bang kalokohan kay Levi?"

"Ha? Kuya naman... Nagmalahalan kami ni Levi." saad niya sabay halik sa labi nito.

Hindi siya pinapansin ni Levi. Tahimik lamang ito at hinihilot pa rin ang sentido.

Nakita niyang masama ang tingin sa kanya ng kuya Josh niya. Alam nito ang lahat ng kalokohang ginagawa niya kay Levi.

Binalingan niya ang bagong nobya nito.Grabe ang kuya niya. Every month ay may bagong chicks.

"Hi Carla. Kailan pala kayo naging official ni Kuya?"

Ngumiti si Carla. Halatang mas bata ito sa kuya niya. Napaubo naman ang kuya niya.

"Ah eh kahapon lang!" tipid na sagot ng babae.

"Kaya pala.. Iba ang nakita ko no-..." hindi na nya naituloy dahil parang hinog na kamatis na ang mukha ng kanyang kuya.

"Ahh sige Carla goodluck ha?By the way, may pupuntahan muna ako. Babe.... Pupuntahan kita sa office mo ha?" kinindatan pa niya si Levi na nakasimangot sa isang tabi.

Natawa siya sa sarili. "Akin ka lang Levi!" saad niya sa isipan.

--------------

Napaingay nilang apat nang dumating sila sa bar. Sabagay ganito talaga sila kapag magkakasama. Hindi mo aakalain na ang mga sexy at magagandang babae ay mga makamandag na assasins pala.

Naka black dress siya na hapit sa katawan at may slit na hanggang sa hita niya. Naka sexy outfit din ang tatlo niyang kasama.

Kung titingnan sila sa pisikal na aspeto ay mala-anghel ng ganda ng bawat isa. But don't mess with angels, dahil makamandag ang ganda nila.

"Girl look oh! Si pogi kanina pa nakatingin sa'tin!"

Tiningnan nila ang lalaking sinabi ni Tanya. Ngumiti ito sa kanila at itinaas ang kopitang hawak.Napakagwapo nga pala. Shit! Laglag panty ang kagwapuhan nito. Pero loyal pa rin siya sa boyfriend niya kahit sarili lang niya ang nagconfirm.

" Hoy Cath kumusta na kayo ng boyfriend mo kuno?

" Well, kanina galit talaga siya sa'kin nang sinira ko ang moment nila ng babae niya! "

" Hayop ka talaga Cathalea. Pang ilang beses na ba'yang ginawa mo ha? "Tanong nit Tanya.

" Ikalimang beses na! "sagot niya.

" Di ba last time 'yung sa hotel? "

Tumawa ang mga kaibigan niya nang inisip ang ginawa niya three years ago bago umalis si Levi.

Nagcheck-in ito at ang girlfriend sa isang hotel at sinundan niya ang dalawa. Kasama niya noon si Samara sa kalokohang' yon. Nagsuot pa sila ng bonnet at kinidnap umano si Levi sa loob ng room ng dalawa. Nahimatay talaga ang babae nang itinutok niya ang baril sa bunganga nito. At nang makalabas sa room ay tinanggal nila ang bonnet nila ni Samara. Galit na galit talaga si Levi sa kanya noon at sinabi nito sa mga magulang ang ginawa niya. Kaya naman lahat ng tao sa bahay noon ay halos isumpa na siya pero hindi siya nagsisisi sa ginawa niya. Tinakot lang naman niya ang babae dati at nabalitaan nila na hindi na raw ito nakapagsalita dahil sa trauma.

"Hay naku Cathalea. Kailan mo ba titigilan si Levi. Kawawa naman ang tao. Tatandang binata nalang..." sambit ni Hope.

" Hanggang sa marealize niya na ako ang babae para sa kanya?".

Napailing na lamang ang tatlo niyang kaibigan dahil sa kanyang kalokohan.

Lady Phantom:The Deadliest AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon