ABEGAIL'S POV :
Hindi ako mapakali ngayon sa classroom kasi alam kong may mali sa nagawa ko kanina . Pinapauwi ko na si Ate Andrea eh ayaw naman niya kasi naman hindi naman para sa kanya yung COKE na yun kaya ayun siya ang nagtae ! XD . Dapat talaga ay kay BAMBAM yun sayang ang plano ko ! Hindi ko na napigilan si Ate Andrea dahil nainom na niya agad .
Nilagyan ko kasi yung coke ng halo ! Hinaluan ko ng gamot yun at pampurga saka kung ano-ano pa para sure na sasakit ang tiyan ni Bambam dun kaso nasira ang plano dahil kay Ate Andrea .
Maya-maya ay dumating si Ate Andrea sa classroom na pinagpapawisan . Mabuti at wala pa yung Teacher namin .
''Ate , Saan ka ba nagpunta ?" Tanong ko.
''Sa CR'' Sagot niya.
''Ahhh..Sorry Ate'' Sagot ko.
''Bakit ?" Tanong niya.
''Ate , May nilagay ako sa Coke na ininom mo para kay Bambam yun eh kaso kinuha mo'' Bulong ko.
''What the ... Aiishh ! Katanga ko naman , Di mo ko pinigilan'' Sagot niya.
''Ahh..Wala eh , Ang bilis mo ! Nainom mo agad'' Sagot ko.
''Fine ! Hayaan na , Wala na eh nainom ko na . Next time ! Babalaan mo ko !'' Sabi niya.
Napatawa lang ako sa nangyari .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
AERON'S POV :
Nakakulong ako hanggang ngayon sa loob ng kwarto ko . Hindi ako makalabas dahil nakalocked ang kwarto ko . Hindi naman ako pwedeng dumaan sa bintana dahil napakadelikado . Wala akong magawa kun'di magmukmok . Nasa kanila ang phone at laptop ko . Wala akong magawa dito sa loob at nagmukmok na lamang nang mag-isa .
''Angie ~'' Sabi ko.
''Aeron , Sorry'' Sabi niya habang nasa labas siya't ako ay nasa loob.
''Wala kang kasalanan , May hihingiin akong pabor'' Sabi ko.
''Ano naman yun ?" Tanong niya.
''Please pakicheck naman kung okay lang si Jungkook at kung nasaan siya ngayon'' Sabi ko.
''Ahh..Aeron , Yun na nga eh . Si Jungkook kasi... Nakakulong din siya sa loob ng bahay nila . Hindi pa siya pumapasok sa school simula nung ikulong ka dito . Hindi rin siya makalabas ng bahay gaya mo'' Sabi ni Angie.
''So pareho lang kami , Gusto ko nang lumabas'' Sabi ko.
''Kahit na gustuhin kong pakawalan ka ay wala sakin ang susi at ikagagalit lalo nila Mom'' Sabi niya.
''Sige , Naiintindihan ko'' Sabi ko sabay yuko sa isang sulok ng kwarto ko.
Miss na miss ko na si Jungkook . Wala naman kaming ginagawang masama eh pero todo kontra silang lahat sa pagmamahalan naming dalawa .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
KAYLA'S POV :
Sobrang sama pala ng ginawa ko kay Seokjin . Hindi ko man lang inisip kung anong mararamdaman niya . Nasaktan ko siya ng sobra dahil sa kagustuhan kong makaganti kay Jimin . Imbes na makaganti ako ay mas lalo akong nahirapan . Mas nasaktan ako . Ako ang mismong nagpahirap sa sitwasyon ko .
Ngayon , Wala akong kakampi . Walang nakikipag-usap sakin at alone lang ako sa school . Nakikita kong magkasama si Jin at Angie at nasasaktan din ako dahil kahit papaano ay nagustuhan ko si Jin . Sinayang ko ang love and care niya para sakin . Ginamit ko siya para saktan si Jimin pero ako ang nasaktan sa mismong plano ko .
Hindi ko na alam kung ano pa ang tama at mali . Wala akong karamay sa mga oras na 'to at nag-iisa lamang . Nakikita ko nang ngumingiti na si Jin kasama si Angie . Mukhang nakahanap na siya ng bago samantalang ako nandito nagluluksa at nagmumukmok parin sa nagawa kong kasalanan . Akala ko kasi masasaktan nang todo si Jimin eh kaso nagkamali ako . Naging close siya kay Lherry hanggang sa sabihin na niya saking layuan ko na siya't tigilan .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
JUNGKOOK'S POV :
Kahit anong gawin ko ay hindi ako makalabas sa loob ng kwarto ko.
''Mom ! Dad ! Set me free !'' Sigaw ko
''Anak ! Mali ang ginawa mo ! Itinakas mo ang stepsister mo !'' Sigaw ni Dad.
''Dad naman ! Mahal namin ang isa't isa'' Sabi ko.
''Mali yun Jungkook ,Maling Mali ! Para na kayong magkapatid ! Hindi namin kayo hahayaan'' Sabi ni Dad.
''Pakawalan niyo ko !'' Sigaw ko.
''Hindi ka makakawala diyan Anak hangga't hindi ka nangangakong iiwasan mo si Aeron at tatanggapin ang katotohanang hindi kayo para sa isa't isa'' Sabi ni Mom.
''NEVER !! Mas gugustuhin ko pang mamatay dito kaysa sumunod sa utos niyo !'' Sigaw ko sabay dabog sa loob .
Nakakainis ! Ayaw nila kaming hayaang sumaya. Nasaan na kaya si AERON ngayon ? Bakit hindi niya ko pinupuntahan ? Ano nang gagawin ko ?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
AcakWhat is Love? Love is not just about your feelings for someone but it's also about forgiveness. Anong mangyayari kung biglang magkrus ang landas ng bawat isa ? Ano nang mangyayari kapag nagkagulo na sila ? Paano nila makakamit ang Happiness na inaa...