One Shot: Dare!
Copyright © 2014 MJSeororo. All rights reserved.
“Haaaay. Tapos na ang Pol Sci 2. Ampness!” panghihimutok ni Samantha. Ako rin naman nanghihinayang, aba ang gwapo kaya ni Sir, sarap titigan. Kainis naman kasi, isa’t kalahating oras lang ang Pol Sci.
“Ahhhhhhhh! Di ko na naman makikita ang kakisigan ni Sir John. >3<” isa rin tong malandi eh, si Angelika. Kaagaw ko kay Sir. Hahaha!
“Adik! May Monday pa!” paasik kong sabi.
“Ang tagal pa nun eh. :3” reklamo ulit niya. To tell you the truth, mas adik pa yan at grabe makapagnasa kay Sir.
…
…
…
…
…
“BOOOOORIIIIING! ~” mahabang sabi ni Lorraine.
“Woah! 5 hours na naman tayong maghihintay! Ang boring talaga!” sabi naman ni Charmaine, at totoo 5 hours pa ang hihintayin bago ang next subject. Ganyan ka bored ang buhay naming kapag Monday and Thursday.
“Woooooh! Nakabili narin sa wakas! Over sa dami ng tao ang bumubili sa cafeteria ha.” Reklamong sabi ko pagkatapos bumili ng lunch ko. Early lunch kami ngayon ay ako lang pala, ewan ko lang sa apat. Mamaya paman talagang 3PM ang next subject naming eh.
“Kayo rin! Over! Over sa reklamo! Ayaw niyo yun? 5 hours liwaliw?” with convincing kong sabi. Sabay upo sa upaan. San pa ba?
“MakaOver ka naman? inoOver mo lang ang 5 hours. Oo, over talaga ang oras sa paghihintay no. At one more thing, ano naman ang gagawin natin sa limang oras nayan? Magtitigan? Eh ang papangit niyo at ang sakit kayo sa matang tingnan.” Grabe talaga to si Angie eh. Her name doesn’t suits her personality. Agree?
“Grabe ka ha! Kung ang basihan ng pangit eh kami? Wala ng maganda sa mundong ibabaw.” Narinig kong sabi ni Sam, Agree naman ako sa kanya eh. Pero wa pakels muna ako, Jutom na Jukens eh.
“Pero di nga, Ano bang gagawin natin?” Tanong ulit ni Angie yata yun? Hindi ko sila nakikita eh, busy ako sa pagkain. Hahahaha. Ang sarap sarap! ^^,
“Magtitigan?!”
“Daydreaming?!”
“Tutunganga?!”
“Nganganga?!”
“Mag-isip ka nga!” sigaw ni Charm sabay *POK* batok nilang apat sakin. Ano naman ba ang ginawa ko? TT^TT Masama bang kumain? TT3TT Bad!