Nakaramdam ako ng marahang pagyugyog sa akin at ramdam ko ang pagdampi ng magaang mga halik sa noo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Phoenix.
He is too perfect even in the morning.
"You're having a nightmare." malumanay niyang sabi habang masuyong nakatingin sa akin.
Parang gusto kong maiyak. Naalala ko na naman ang nakaraan at ramdam ko ang pagguhit ng pait na iyon sa lalamunan ko.
Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Phoenix at nag-iwas ng tingin. I shouldn't have slept with him.
This is an unforgivable mistake.
Nakalimutan ko panandalian na may ibang babae na palang nagmamay-ari sa kanya at hindi dapat namin ginagawa ang mga bagay na 'to.
I am just his business to begin with.
Umalis ako sa ibabaw ng kama niya at napabuntong hininga ng malalim.
"I need to go." iyon lang ang tanging nasabi ko bago bumaba sa kama niya at naglakad papalapit sa pinto.
Ngunit bago ko pa mapihit ang sedura ay naramdaman ko na agad ang pag-pulupot ng braso niya sa beywang ko.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napahigpit ang hawak ko sa sedura ng pinto.
Why is he even acting like this? Why is he giving me mixed signals since he came back in my life?
I sighed deeply before talking.
"Let me go." mahinang utos ko sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin at sumubsob sa leeg ko.
"No. I will never let you go again." bulong niya sa akin kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.
Nag-init ang magkabilang gilid ng mga mata ko. Napatingala ako para pigilan ang pag-patak ng mga luha ko.
"Stop it, Phoenix. Let's just be civil with each other. Please. Don't forget that I am just your client. What would your girlfriend feel if she'll find out that you're having an affair with your client? Magagalit iyon at sususugurin ako. Gulo na naman sa buhay ko. So please. Let's just forget about what happened last night." mahabang sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kanya.
"I don't have a girlfriend. I never had one except you." sabi niya at mabilis akong iniharap sa kanya.
Nagbaba naman ako ng tingin na agad ko rin pinagsisihan nang makita ang namumukol niyang alaga pati na rin ang naka-exposed na katawan niya.
"Eyes up here, baby." seryosong sabi niya pero mas pinili ko na lang ipilig ang ulo ko sa kaliwa upang maiwasan ang mga titig niya.
"Shut up, Phoenix. Let me go now. I need to get ready. Papasok pa ako." sabi ko sa kanya at pilit na kumakawala sa kanya
Napabuntong hininga naman siya at unti-unting lumuwag ang pagkakayapos sa akin. Walang mababakas na emosyon sa mukha niya nang ibaling ko na sa kanya ang tingin ko.
Walang salitang namutawi sa aming dalawa hanggang mapagdesisyunan ko na lumabas na lamang ng kwarto at iwan siya ng walang kahit anong salita pa.
Everything is happening so fast. Parang nawawala ako sa sarili ko tuwing nasa paligid lamang si Phoenix at alam kong mali 'yun.
He is a walking time bomb. He is dangerous. I am fully aware that my heart couldn't afford another heartbreak and pain.
I sighed and entered the room where I should be staying. Nanghihinang napaupo ako sa lapag at napapikit ng mariin.
Wake up, Yell. You have to move on.
BUONG araw kaming walang imikan ni Phoenix ngunit ramdam ko pa rin ang mga titig niya sa akin. Ni hindi rin niya ako nilulubayan kahit sa cr ay kailangan niya pa muna i-check bago ako pumasok.
Napasandal ako sa upuan ko at marahang hinilot ang sintido ko. Kailan ba matatapos ang lahat ng ito bago matahimik ang buhay ko?
Biglang nag-ring ang cellphone ko na nasa ibabaw lang ng lamesa ko.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita kong unknown number na naman iyon. Nanginig ang buong katawan ko sa takot at parang may bumubulong sa akin na tawagin ko si Phoenix.
Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot ang cellphone ko. Akmang papatayin ko na iyon nang pumasok si Phoenix sa loob ng office ko.
"What-"
"That bastard is really testing my patience." gigil na sabi niya at kita ko ang galit at apoy sa mga mata niya.
"What's wrong with you?!" I asked him as I glared at him.
Iniangat niya ang hawak niyang maliit na screen at may nakita ako doon na kung ano. The fuck?!
"I have to track anyone who's going to call you so we can find that culprit as soon as possible. Even all of your closest friends and family members are connected with this." mahabang paliwanag niya at wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga.
Maya-maya lang ay may tumawag sa kanya at sinagot niya iyon nang hindi inaalis ang titig niya sa akin.
"Where did you find that fucker?" tanong nito at ilang sandali pa ay lalong nagdilim ang aura niya.
I shivered in fear. I have never seen him like this before. Kahit sino ito ang makakakita sa anyo niya ngayon ay panginginigan ng tuhod sa takot.
"Do you know anyone who's living in Antipolo?" mababang tono na tanong niya. Napalunok ako bago umiling.
"She doesn't know anyone who's living in that area. Sigurado ako na isa lang 'yan sa mga kuta niya. Contact anyone who's nearby that area and tell them to move. You know what to do." sabi nito bago ibinaba ang telepono.
"You have to go home now. That bastard is really making his moves faster than what we could think of." sabi niya at dumistansya na sa akin.
"Fine. I understand. I'll just get my things. Susunod ako sa labas." sabi ko sa kanya. I have to follow and listen to him para matapos na ang lahat ng 'to.
I want him out from my life as soon as possible.
Pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko ay sumunod na ako sa labas ng office. Nakita ko siyang nakatayo sa hindi kalayuan ngunit mabilis din naman ang mga naging hakbang niya papalapit sa akin.
Kinuha niya ang mga gamit ko at hinawakan ako sa siko. Tahimik lang kaming lumabas ng restaurant ko hanggang makarating kami sa kotse niya.
Nang makasakay kami ay agad niyang pinasibad ang kotse paalis. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at unti-unting kumunot ang noo ko nang mapansin na ibang daan na naman ang tinatahak namin. Hindi na lang ako nagsalita hanggang makarating kami sa isang malawak na property na may mga nakahilerang private plane.
"Why are we here? Where are you going to take me again? Alam ba ng parents ko lahat ng desisyon at pinaggagagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Hacienda De San Pueblo. They know everything about my plans and they agreed with me." sagot niya at parang isang malaking sampal sa akin iyon.
This is getting shitty and I hate it.
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)
RomansaYell San Pueblo and Lay Phoenix Valleja's Story Napalagok akong muli sa kopitang hawak ko habang pilit na iwinawaksi sa isipan ang mga ala-alang gusto ko ng ibaon sa limot. "You're drinking again." napatingin ako sa pumigil sa pagsalin ko ng alak. "...